I was left here sa condo dahil umuwi ng Leyte si Karen. Dun kasi yung lola niya. Si Monch naman bumalik ng New Zealand to attend his Ate's wedding. and si Gab, ayun, busy din sa prep for his Mom and Dad's wedding anniversary.
Ewan ko ba. Mababaliw na ata ako dito. Kung ano ano na ang naiimagine kong creepy things. Pati sa elevator ganun din.
Well, speaking of Gab's parent's anniv. Lahat kami invited kaya magkakaroon ng party time ang barkada. Well, I just hope that Gab's friends will not be there. I don't like that Uno. Nakakaasar kaya ugali.
Dad will pick me up mamaya dito. Good thing na nga din yun eh. We'll visit Mama ng maaga para di hassle.
Mom died when I was 7 years old. Car accident. Mula nun, si Mama na nag-alaga sakin, Dad's mom. Mom's an orphan kaya wala akong kilalang lola at lolo sa side niya. How I wish meron di ba?
Tama na ngang drama! Iiyak na naman ako eh.
I just went on shopping. Gift for the anniv and gift para kay Karen, malapit na din kasi ang birthday niya. End of November. Okay ng advance bumili. Mahirap na if I get too busy sa November.
Ugh! Hindi pa ako handa sa subjects ko. Sana lang talaga okay yung mga maging prof ko. Please, good Lord! Ayoko ng hassle. Gusto ko grumaduate on time.
"Excuse me, Miss." a girl approached me.
"Yes po?" nilingon ko siya. Holly gamolly! Ang ganda niya! She looks like a model.
"Miss! Yohoo!" she waved her hand in front of my face and that's when I realized na ngangabels na pala ako.
"Oh, sorry! Come again?"
"You're cute." She laughed. Ano daw? "Do you know where exactly is Dulcinea located?"
"Yes. Uhm. You take the elevator then just walk straight ahead. " I smiled.
"Thank you!"
"Welcome!" Oh gosh! She looks pretty! As in!
Ang unfair naman nun. Sobrang ganda. Sa sobrang ganda nakakahiya ng tumabi. And matangkad din siya. Mas matangkad sakin ng one inch.
Next stop, music bar. Yey! May bagong labas ang Coldplay eh. At dahil suki ako dito. Pinagtabi na ako ni Kuya ng bagong Album. lakas ko noh?
"Hayhay! I wish my daughter would be as good as you are." he complimented.
"nako kuya! pasaway yan kung magiging katulad ko."
"But has a sense of humor. Ano? Musta na? Meron na ba?"
"Kuya, music is love. Ano ka ba!"
"Music is love. Eh bakit di mo kunin offer ko sayo. Mataas din bayad dun. Every Sat lang naman eh."
"No time eh. Kung pwede lang humingi ng time ang dami ko na atang nahingian."
"Fine. Fine. Basta ah. Pag may time."
"Oo naman!" Binayaran ko na yung album. hayhay.
Ang tagal an niya kasi akong kinukulit about taking a gig. Siya daw tutugtog. Nagkajam kasi kami once dito sa store. Ayun! Kinukuha ako kaso busy ako sobra. Magdodoctor muna ako bago ko ipursue yang gig na yan.
Bumili din ako ng dress for the weedding. Beach wedding daw kasi kaya ganun. Pupunta din si Papa kaya baka magkasabay kami. Nasa aviation din kasi parents ni Gab.
Gabi na ako bumalik ng condo since wala naman akong kasama at mamayang hating gabi pa si Papa dadating.
"HA!"
"KYAAAAAAHHHHH!" Napasigaw ako. Bwiset! Sa dami dami ng oras ngayon pa!
Pahiya tuloy ako.
"Hi!" sabi ng isang bata. nakacostume siya ng Elsa.
"Hello!" kumaway ako sakanya.
"Can you put something on my basket?"
"Ha?" Ay oo nga pala. Trick or treat! Kinapa ko bulsa ko. Walang candy. Binuksan ko yung bag ko. Kyaaah! may chocolate! Yun nga lang tunaw. Okay na yan!
"You're so cute naman!"
"Thank you! You're pretty! You look like a hollywood star!" Ano daw? Alam na niya ang Hollywood pero ang bata pa niya. May future!