TR~~4

50 5 1
                                    

Chapter 4 - Stalk

Nag doorbell ako agad when I arrived.

"Ishaaaang!" Nagulat ako kung sino yung sumigaw, Si Tita Rhea pala, Mommy ni Danica.

"Hi Titaaa! Musta po?"

"Okay lang, sexy parin! Buti naisipan mong bumisita dito ngayon. Pumupunta ka lang dito pag wala ako eh. Naghanda ako ng meryenda. Tara pasok ka na." Hala sabi ko wag na huhu nakakahiya.

Pag pasok ko sumalubong agad si Danica

"Tricia Chizane Floresca Mauricio insert handler's surnameee!" Hala kala mo di nagkita kahapon!

"Ang ingay mo!" Sabi ko sabay kurot sa tagiliran nya.

"Tita, cupcakes po oh." Sabi ko sabay lagay nung box ng cupcake sa lamesa.

"Nag abala ka pa. Hindi na sana."

"Ay okay lang po tita hehe. Pinabili po ni Danica yan."

"Napakatakaw ng batang ire! Kakakain nya lang ng leche flan kanina!" Sabi ni Tita Rhea. Tita, i know right haha wala na pong bago dun. Hahaha joke!

"Ma naman eh! Akyat nalang po muna kami ni Ishang sa taas"

"Sige sunod ko nalang yung meryenda nyo."

Nginitian ko lang si tita sabay sunod kay Danica sa kwarto nya. Humiga agad ako sa kama nya tapos niyakap yung human sized teddy bear nya na nasa gilid ng kama.

"Danica uy! Huhuhu" I faked cry hahaha!

"Ano ng balita sa handler na yan?" She asked. "Addy daw ang nickname ahh."

"Pano mo nalaman?" I'm confused.

"Finollow ko sya syempre. Nakita ko yung tweet nung @Akirarara, cousin nya yun diba? Nadulas hahaha!"

"May magandang naidulot yung pagkadulas ni ate HAHAHA!" I said.

"Why don't we stalk her? Si ateng pinsan?" Great!

Danica opened her laptop.

"What's her name ulit?" Yuck conyo mo bessy

"Search mo sa twitter @Akirarara" sabi ko.

"Eto na. Wala syang family picture. Wow tagong tago ang identity ng pinakamamahal mo handler ah!" Sabi nya habang pinaikot nya yung upuan para harapin ako.

"I know right!"

*knock knock*

"Ice cream mga dalaga oh." Yes yes thankyou tita!

"Thankyou Tita!" Sabi ko sabay sarado na nya ng pinto.

Bumaling agad ako ng tingin kay Danica.

"Hala hala look oh! Graduation Picture nya nung highschool! 'Akira Laxamana, Graduated!' yung caption omg search mo sa facebook!"

Binuksan ko agad yung phone ko tas sinearch ko sya sa facebook. Her name is Akira Laxamana, may boyfriend sya, maganda pero ni isang bakas ng pangalan na Addy wala akong nakita.

Taking RisksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon