TR~~16

35 2 0
                                    

Chapter 16 - Need

Tricia's POV

After school di na ako nagpasundo kasi nga may sasakyan naman si  Addy. We dropped Danica and now on the way na kami sa bahay. He suddenly broke the silence between us.

"Kwento ka naman. Ang tahimik mo eh."

I must say na wala ako sa sarili ngayon kasi nga iniisip ko kung paano ko sya tatanungin kung mahal pa ba nya si Leilah upang matapos na ang dapat matapos.

"Smile ka naman. Second day of school palang mukha ka ng stressed." He said.

"Baliw." Yan nalang yung nasabi ko. Sa tagal pala ng pag iisip ko hindi ko namalayan na nandito na kami sa tapat ng bahay. Sinenyasan ko si kuya Mario na buksan yung gate para sa loob na mag park si Addy.

"Kinakabahan ako." He said.

"Bakit naman? No need to worry."

"Nandyan parents mo?"

"Wala. Bukas pa ata sila uuwi." I heard that he sound a little bit relieved.

Pumasok na kami tapos pinaupo ko muna sya sa sala upang makapagpalit muna ako ng damit. Pagbaba ko galing sa kwarto ko nakita ko si Nanay Sita. She saw him and they greeted each other.

"Nay, kwarto lang po kami." Sabi ko. Napalaki naman ng mata si Addy. Halatang nagulat. I just smiled at him.

"Iwan nyong nakabukas yung pinto, nak."

"Opo."

"Tara?" Niyaya ko na si Addy.

Pagbukas ko ng pintuan, kinuha ko agad yung upuan para iharang sa pintuan upang di magsara.

I let him sit wherever he wants. Umupo naman sya sa sahig at nakasandal sa may kama.

Addy's POV

Paano ko sisimulan ito? Hindi ko alam kung paano ako mag oopen up ng topic. Kinakabahan ako. Ito na yung huli. Huling usap namin ni Chizane sa ngayon.

Kumuha sya ng sketchpad at dalawang lapis sabay umupo na sya sa harapan ko.

"Mag drawing ka nga." Utos nya sakin.

"Anong ddrawing ko?" Tanong ko naman sakanya.

"Kahit ano."

Naisip ko na mag drawing ng isang babae at isang lalaki na magkahawak yung kamay. Tahimik lang syang pinapanuod yung mga kamay ko na gumagalaw. Hindi nya namamalayan na sinusulyapan ko sya. Napakasimple ng ganda nya. Gandang hindi nakakasawa.

"Sino naman yang mga yan?" Tanong nya saakin.

"Tayo. Para kahit magkalayo tayo, tignan mo lang yan, parang nasa tabi mo na ako. Magic diba."

"Ang dami mo talagang alam. Pero ang ganda ahh."

"Naks. salamat, feeler." Kinuha nya yung isang lapis at sinulatan ito ng pangalan namin. I held her hands. "Chizane, gusto ko lagi kang masaya ah. Dapat lagi kang nakangiti."

"Bakit naman?"

"Kasi mas lalong lumalabas yung ganda mo pag nakangiti ka eh. Kain ka lang pag malungkot ka para sasaya ka na agad."

"Oo na. Ano pang sasabihin mo? Para kang nagpapaalam ahh." She chuckled.

"Baliw hindi! Gusto ko lang na kahit wala ako, alam kong masaya ka. Wag kang magbabago ah. Bawasan mo narin pagiging masungit mo."

"Di naman ako masungit!"

I saw a guitar at the corner of her room. Tumayo ako at kinuha iyon sabay umupo na ulit ako sa harap nya. I started strumming and singing 'dating tayo' ni TJ Monterde.

Taking RisksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon