Jilliane's POV
"Break na muna tayo" di ko alam ang sasabihin ko sa sinabi niya. Bakit, bakit parang wala akong masabi. Basta ang nararamdaman ko nalang ngayon? Sakit.
Wala na kong sinabi sakanya. Dumeretso nalang muna ko sa coffee shop na lagi kong pinupuntahan para makapag isip isip. Di ko alam kung ano mararamdaman ko ngayon. Para na kong sasabog sa sinabi niya.
Maya maya lang. Umuwi na ko sa bahay. Di ko na pinansin si ate na may tinatanong sakin. Diretso na ko sa kwarto para dun na umiyak.
"Josh, bakit!? Ha!? Bakit mo ginagawa to!? Paano mo nasabi yun ng ganung kadali!?" Sinasabunutan ko na sarili ko sa inis, ang nafefeel ko ngayon parang nagkulang ako sakanya, parang di pa sapat lahat ng ginawa ko para sakanya.
*knock knock*
"Bes? Nanjan kaba? Buksan mo naman o? Usap tayo" si shia. Tama! kailangan ko ng makakausap sa sitwasyon ko na to.
"Sh-shia? Bukas yan, pumasok ka" at narinig ko bumukas ang pinto
"Jilliane! Ano kaba!? Ano nanaman ba ang nangyari?"
"H-hindi, W-wala na kami shia, ang sakit" (T.T)
"Sabi ko naman kasi sayo, tama na, tigilan mo na habang maaga pa, kasi kaka break lang nila ni megan diba? Tas naging kayo agad? Di kaba nagtataka" tama si shia, bakit ganun kadali naka move on si josh kay megan? o baka naman ginamit lang niya talaga ko para makalimot? :-(
"Ewan ko na, basta ang nararamdaman ko lang ngayon? Nasasaktan ako, sa sobrang sakit ayoko ng may maramdaman pa" niyakap ako ni shia ng mahigpit, ramdam ko yung pag comfort sakin ni shia, at siya nalang talaga yung taong totoong nagmamahal sa akin.
*before break up*
"Oy panget, bat ang panget mo?" Hays yan nanaman siya nangiinis. Bat ba naman kasi magkatabi pa kami sa seating arrangment?
"Manahimik ka pa" at buti naman tumahik siya. Nakakainis talaga kasi tong lalaking to. Apaka ingay.
"Psst" Hays.
"ANO BA!?" Nakakainis na siya ah. Ang ingay ingay jusko.
Teka, bat biglang tumahimik?
Lagot, nakatingin samin si Ms. Santos. Tsk, Josh naman kasi e.
"Both of you, get out of my class" and yan, pareho na kaming lumabas ng room.
Urgh, pahamak ka talaga."Tignan mo nga, ang ingay mo kasi" sabi ko na nakatingin ng masama sakanya. Habang siya tawa ng tawa sakin.
"Kung nakit mo lang pagmumuka mo kanina, so redish, ampanget!" Aba lintek to ah, hanggang ngayon iniinis ako.
"Bahala ka nga jan"
"O san ka pupunta?"
"Maglalakad lakad. Wag ka susunod ah!" At nagsimula n nga ako maglakad, habang sa di kalayuan, naramdaman ko na may sumusunod sakin. Tumingin ako sa likod ko, at dun ko nakita ang napaka gwapong muka ni josh. Hays, lintek bat ba ko ganito!?
"Diba sabi ko wag ka sumunod?" Sabi ko ng pairap sakanya.
"Tsk just protecting you"
"Protecting!? Saan!? Sa ka swertehan!? Kung ganun lang wag na" Nakakainis urgh!
"I love you"
"Ha?"
"Bingi mo naman. If something happends, just trust me okay? Mauna na ko" at diretso na siyang naglakad palayo sa akin.
*end*
YOU ARE READING
Not So Revenge
Fanfiction"Di naman talaga kita minahal, naawa lang ako sayo kaya kita pinatulan" Pano kaya kung darating sa oras na sasabihan ka niyan ng taong sobrang importante sayo? Makakaya mo bang i-handle ang ganyang sitwasyon? Malamang hindi. Pero may isang tao na s...