1 week after

35 3 3
                                    

*knock knock*

"Jill? Labas na jan kakain na tayo" sabi ni mama sakin.

"Opo ma, bababa na po ako. Maliligo lang" ewan ko ba kung may gana pa kong kumain dahil sa nangyari samin ni josh. Oo 1 week na nakalipas pero nandito parin yung sakit e.

Hays, dapat di ako magpaipekto sa nangyari. Tapos na nga diba? Kung para sakanya kaya niya edi kaya mo rin. Tanga tanga mo naman.

*knock knock*

May kumatok nanaman at alam ko na kung sino..

Si ate.

"OY BABAENG PULUBI TAGAL MO MALIGO, BUHAY KA PA BA?" Kahit kelan, ewan ko ba kung bakit ko to naging kapatid -.- di naman ako ganyan kaingay ah. Hays!

"Oo na, teka lang eto na. Nagsasapatos nalang ako" at narinig ko na ang paglakad paalis ni ate sa pinto. Salamat naman, KATAHIMIKAN.

Pababa na ko ng hagdan nang makita ko na may tao sa living room. Parang pamilyar siya? T-teka s-si JOSH!?

"Josh!? Ano ginagawa mo dito?" Kaya naman napahinto si josh sa pagbabasa niya sa magazine.

"Your mom texted me"

Mom?! Shit. Di ko pa nga pala sinasabi kay mommy ang nangyari samin ni josh pati kay ate. Hayst! Pano yan? Di pa nga ako nakakapag move on tas.. eto!? Eto!?

"Oh yes anak, dito muna si josh for a month. Aalis kasi kami ng ate mo papuntang batanes for a buisness meeting. Kaya si josh ang magbabantay sayo"

"Ma, kaya ko naman sarili ko. Besides.." tumingin ako kay josh na parang walang pakielam sa pinag uusapan namin.

"... baka may gagawin si josh"

"Jill, I trust josh. Ang tagal tagal niyo na diba? Tsaka its only for a month okay?" Hays mama kung alam mo lang.

"Okay fine. Mag ingat nalang kayo dun. Mag uwi ka ng strawberry ma!" Hihi favorite ko talaga ang strawberry. Kaya kahit saan man sila pumunta yun ang gusto kong pasalubong.

One time nga, pumunta sila sa Macau ni papa, ang hiniling ko parin na pasalubong e strawberry.

"Jill! Strawberry nanaman!? Apaka childish mo. Too old for that" Sabi nanaman ng ate ko na pakielamera. Gusto ko naman si ate pero madalang. Napaka bungangera kasi niyan e.

"Both of you! Tama na. Okay sige, uuwian ka namin. Take care too and ikaw rin josh" Di ko na tinignan  si josh after sabihin ni mommy yun. After nila kumain, umalis na nga sila ni ate. Hays gusto ko mung matulog. Besides saturday naman ngayon.

Paakyat na sana ko sa kwarto ko na naalala ko na nandito si Josh.

"Josh? Aakyat muna ko. Kailangan ko matulog. Uhm, kung nagugutom ka may food sa ref" Wala akong natanggap na sagot sakanya. Siguro nga, ganito nalang dapat kami. Walang sagutan. Walang kibuan.

Paakyat na ko ng hagdan na naramdaman ko na may humawak sa braso ko.
S-si josh.

Hindi ko makayanan yung hawak niya. Lalo ko lang siya gusto ipaglaban. Miss na miss ko na siya.

" Saan kwarto ko?" Tinanong niya sakin na nakatitig lang sa mata ko. Di ko makayanan na ganto kami sa isat isa. Nakakailang >,<

"Ah, teka dito. Sumunod ka sakin" Saan ko ba siya dadalin? Saang kwarto? Yish. Nalilito na koo! Teka.. ah dito nalang.

"Uhm josh, dito ka nalang" Tumingin nalang ako sa sahig dahil baka mahalata niya ang pagkabalisa ko.

"Ganyan ka ba kagalit sakin?"

Not So RevengeWhere stories live. Discover now