Prologue

5.6K 112 3
                                    

"Ang ganda dito sa university nyo. Daming chicks." asik nitong tumabi sakin dito sa bench. Bigla bigla na lang 'to nagsasalita.

"Aahhh" ang nasabi ko na lamang. Pinansin ko ang suot nitong uniporme at napagalaman kong hindi ito taga rito. Mula siya sa isang kilalang State University sa Ermita. Nangunot ang noo ko, oo nga pala at may ibat- ibang studyante mula sa ibang unibersidad ang narito dahil sa gaganaping Java Cup. Kasali kaya ito mamaya?

"Bakla ka ba bro?" bigla niyang tanong na ikinagulat ko naman. Well, di naman yung gulat na parang hindi totoo yung sinabi niya, gulat kasi di naman kami close at kung makapag-sabi 'to eh kala mo taga-rito ito. Pero nainis ako. Talaga.

"Say....what?" sabi ko rito at tinaasan ko pa ng kilay.

"Bakla ka nga" mahinahon nitong tugon na mas lalo 'kong kinainis.

"Aba't! Alam mo ikaw mister. Unang una, wala kang pake kung bakla ako. Ikalawa, hindi ka taga- rito so hindi mo ako kilala ng lubos. At ikatlo, nayayamot ako sa'yo so...." natigil ako nang bigla itong magsalita na ikinagulat ko.

"How to be yours?"

//papiken

How to be Yours? (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon