HTBY- 10 "The Truth?"

2.6K 75 19
                                    

KAYL'S POV

Nandito ako ngayon sa kwarto ko at lutang na lutang. Hindi ko na alam gagawin ko mga maaamsh! Nung narinig ko ang mga katagang iyon, muntikan na ko mahimatay pero nung sinabi niya na nadaan lang sya sa bugso ng damdamin, parang may kumirot sa puso ko. Naloloka na ba kayo mga friend? Ganito kasi yung ganap namin kagabi ni Zie.

Flashback

  " Sa akin ka sumabay Kayl, please lang. Please Tan-tan."  

Nang marinig ko iyon, ay hindi ko talaga alam ang gagawin ko. Tinawag nya ko sa childhood name ko na isang tao lang ang nakaka-alam. At si Mm yun. Tinignan ko siya at nang magtagpo ang aming mga mata, may kung ano sa sarili ko at napapayag nya akong sumama sa kanya. Bumaling ako ng tingin kay Seb at tumango na lamang ito na nagsasabing okay lang sya. 

Naglakad na kami ni Zie papuntang Baywalk. Malapit lang naman ito sa kung saan kami kumain kanina. Naghanap kami ng mauupuan at para duon magpalipas ng oras.

"Sino ka ba talaga Zie?" tanong ko rito nung pagka-upo na pagka-upo namin. Tumingin sa akin ito na tila gulat.

"Ha? Ano ba yang sinasabi mo Ta-K-Kayl?" sagot nito sa akin na muntikan nya banggitin ang palayaw ko.

"Bakit Tantan ang tinawag mo sakin kanina?" deretsahang tanong ko dito. Hindi siya naging komportable sa tanong ko, hindi makatingin sa akin at sobrang tagal nya sumagot.

"Ha? A-a eh. Diba Kayl Christian pangalan mo? So I assume na Tantan ang palayaw mo. Bakit tama ba ko?" sagot nito na akala mo eh kung sinong nakahula ng tamang sagot sa exam. 

"Okay" sagot ko nalamang dito.

"Bakit? Sino ba ang naaalala mo nung tinawag kitang Tantan? Parang napaka- espesyal naman ng taong yun sa'yo?" tanong nito habang nakatingin sa dagat at nakangiti.

"Ha? Ano bang pake mo? Wag ka mangielam sa buhay ko."

Ngumiti lang ito lalo habang nakatingin parin sa maaliwalas na dagat at mapayapang langit. "Napakaswerte nya para alalahanin mo parin siya. At masasabi kong sobrang saya nya siguro ngayon. Kasi yung taong mahal nya ay parating iniisip siya." sagot nito na medyo nagpa-gulo sa isip ko. May alam ba sya tungkol sa kabataan ko? May alam ba siya tungkol kay Mm?

Tumingin nalang din ako sa dagat at ngumiti. Hindi ko namalayan na bigla na lang ako nagsalita. "Sobrang saya ko nung araw na pumunta sila ng daddy niya sa bahay namin. Kasi for the first time, magkakaroon na ako ng kaibigan nung mga panahon na iyo. Ayaw kasi sa akin ng ibang bata kasi bakla daw ako, pero sa kabila nung mga pangiinsulto nang iba, nagawa nya akong tanggapin, nagawa nya akong gawing isang kaibigan- mabuting kaibigan. Lagi kaming naglalaro tuwing pumupunta sila sa bahay. Mag- best friend kasi yung tatay namin kaya ganon. Tapos ang pinagtataka ko pa, ang yaman yaman nila tapos wala silang pake kung pumunta man sila sa bahay namin na sakto lang naman ang laki para sa aming tatlo? Pero ayos lang pala sa kanila yon dahil wala naman daw sa estado ng buhay ang pagkakaibigan. Hindi ko talaga masabi kung gaano ako kasaya habang kaibigan ko ang taong yon na nagdala sa akin ng matinding kalungkutan." tumigil ako at huminga muna.

"Bakit siya nagdala ng matinding kalungkutan sayo?"

"Bakit matinding kalungkutan? Nagpaalam lang naman siya sa akin na aalis sila ng bansa at dun na maninirahan. Para sa isang bata, iisipin mo na ayaw nya na sayo makipag- kaibigan. Pero para sa akin, hindi yun simpleng pagkakaibigan. Yun ang masakit eh. Bata palang ako, alam kong may gusto na ko sa kanya kaya sobrang hirap para sa akin na iwanan niya ako kahit ba sinabi niyang hahanapin niya ako. Oh tapos ano? Nasan na siya ngayon? Hinahanap niya kaya ako?" patuloy ko at di ko namalayan na tumulo na pala ang luha ko.

How to be Yours? (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon