HTBY- 9 "First Date?"

2.1K 68 26
                                    

KAYL'S POV

Ano ba ang dapat kong maramdaman? Tuwa? Kilig? Hiya? Anooo? Kainis kasi itong Seb na to eh. Pero ako naman itong si landi, gora naman. Landi Kayl ah? Jusko. Ano na ba nangyayari sakin? Pansin ko lately ang landi landi ko na talaga dahil sa Seb na to. Huhu. "Hahanapin kita Tantan" Mm? Pumasok nanaman sa isipan ko yung binitawan niyang salita bago niya ko iwan nung bata pa kami. Alam ko na sa mata ng iba, simpleng pagpapaalam lang yun ng dalawang batang mag- kaibigan. Pero kung tatanungin nyo kung ano ang epekto sa akin nun, isa yung pagpapaalam ng pag- bitaw at pag- iwan ng taong mahal ko sa akin. Ganun yon, ganun kasakit. 

"We're here!" napabalik ako sa reyalidad at bumaling kay Seb na masayang nakangiti sa akin. Maaliwalas na mukha, mapungay na mga mata, mapupulang mga labi na ang ngiti ay waring wala nang bukas. Gwapo mumsh! Charms.

"ano? natulala ka na sa ka-gwapuhan ko?" dagdag nito. Ang hangin naman talaga oh?

"Anu ba yan. Ang hangin naman! Parang nawalan ako ng gana kumain." pagiinarte ko dito. Hihi.

"Hala uy joke lang." pagsusumamo nito na akala mo eh iniwan ng taong mahal nya.

"Hahaha tara na nga. Nagugutom na ko eh." pag- aya ko dito. Lumabas na ko ng sasakyan nya at sumunod narin sya. Andito kami sa isang fine dinning resto na siguradong ngayon ko lang napuntahan. Masasabi ko sa lugar, napaka- cozy and I think na kung mahal man ang pagkain dito, it gives justice. Oh pak, food critic ako mga mumsh! Hihi.

"Welcome sirs here in Aviore! Any reservations?" bati ng isang receptionist sa amin.

"Hi! Yes, under Ezekiel Buenvenida." sagot ni Seb. Teka? Bakit pangalan ng papa nya?

"Reservation confirmed sir! This way pls." magalang na sabi nito.

Naglalakad na kami papunta sa aming table ng may mahagip ang mata ko na isang pamilyar na pigura ng lalaki. Sino kaya to? Nakayuko kasi siya at busy sa kanyang cellphone na waring may tine-text. Well, i dont care kung sino man siya. Hahaha

"Heres the menu sirs. Kindly call for an assistance if you are ready to order!" 

"Yes, thank you." pag- sagot ni Seb. "Choose what you want Kayl." dagdag nito.

Upon looking the menu, maglalaway ka na agad! Mga mumsh, ang sasarap ng pagkain! Pictures can be deceiving Heh! Basta feeling ko masarap dito. Hihi.

"You ready to order Kayl?" tanong sakin ni Seb na tinanguhan ko nalang. Iminuwestra niya ang kamay nya pataas para makatawag ng atensyon na siyang napansin agad ng isang waiter.

"Your order sirs?"

"Give me a Red Wine Glazed Fillet Mignon, medium served with mashed potato please." sagot ni Seb.

"Noted sir. How about you sir?" baling nito sakin.

"Ahhm. Itong Pan Grilled Pork Belly served with mashed potato rin please." sabi ko rito.

"Noted sir. I will repeat the orders, one Red Wine Glazed Fillet Mignon, medium and one Pan Grilled Pork Belly. Both served in mashed potatoes. Anything else sirs?"

"Oh give us sparkling wine please. Thank you!" dagdag ni Seb.

"Sure sir. Your entree will be served for 20 minutes. Thank you!" magalang na sabi nito sabay alis.

Nagkwentuhan lang kami ni Seb habang hinihintay ang orders namin. Masayang kasama itong lalaking ito. Bukod sa ma- kwento, eh mahahawa ka rin sa aura nya dahil sa lagi siyang naka-ngiti. Edi mapapangiti ka rin. Hihi. Ang landi diba? Hahaha

Dumating na yung food namin. Ang masasabi ko lang, ANG SARAP MGA MUMSH! Wala yung 'pictures can be deceiving' nyo. Heh! Grabe, kain na kain ako. Iba eh. Sobrang sarap talaga. Actually, mabilis ko itong naubos. For real, ubos ko na talaga. Hahahaha

How to be Yours? (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon