Chapter 4

628 16 3
                                    

Nakaisang linggo na din si Kath sa mga Gil. Ni hindi na nakahingi ng sorry si Quen, dahil kinabukasan noon ay tinawag na siya sa taping. Si Ann naman ay umuwi pansamantala sa probinsya nila at namatay ang isa sa tiyahin niya. Kaya madalaa na si Javy lang ang kasama niya dahil maaga ito umuuwi galing Katipunan.

"Kath, saan ka punta? Bakit ang dami mong dala?" tanong ni Javy

Tinaas naman ni Kath ang bag niya "Ah eto po ba, Sunday po kaya ngayon sir. Uuwi po muna ako sa bahay namin. Babalik nalang po ako bukas"

"Ah ganon ba. Sige wait" at walang anu ano'y tumayo si Javy at kunwa'y may dinukot sa bulsa

"Oh eto, para may ibibigay ka sa pamilya mo" iniabot niya ang dalawang libong pisong kanina pa nasa bulsa niya

"Naku sir! Ang laki po niyan, wag na po!" agad na tanggi niya at parang nag no no deal pa

"Sige ka, kapag hindi 'to kinuha kikilitiin kita!" pagbabanta pa ni Kath

Iiling iling lang ang babae sa sinabi ni Javy. Hindi naman niya akalain na seseryosohin ni Javy iyon. Kiniliti nga siya nito at hanggang sa mamatay matay na siya sa tawa at nakahandusay na siya sa floor..

"Oo na, sir! HAHAHA! Oo na, kukunin ko na po" tawang tawa pa rin talaga ito

"Oh yan!" iniabot na niya ang pera kay Kath

"Sige sir, mauna na po ako.. Thank you po ng marami dito" lumabas na nga si Kath ng bahay

Hindi naman mapigilan kiligin ni Kath sa nangyari. Napakabait at gwapo naman kasi ni Javy. Kahit naman kasi mas gwapo talaga si Quen ay napakasungit, yabang at palautos ito. kaya dun na siya sa mabait diba, gwapo din naman.

Javy just smiled too..

--------

"Oh anak, kadadating mo lang ah? Saan ka nanaman pupunta?" puna ni Jenny sa tila bihis na bihis na anak

"Okay lang ako ma, ano kaba! May part time job lang po ako sa starbucks.. Oh eto po pera pangdagdag sa pambili ng gamot kay papa" sabay abot sa pera

"Magpahinga ka naman anak, mukhang pagod kana. Kumita naman ako sa paglalako kaya sakto na yung pera para sa gamot ng tatay mo" alalang alala naman ang mama niya

"Kaya ko 'to ma, ako pa! Sige po aalis na po ako.. Bye me!" humalik pa siya sa pisngi nito bago tuluyang umalis

-------

"Chocolate Chip cream for Quen!" sigaw niya matapos gawin ang inumin.. Agad naman siyang naalarma dahil sa pangalang binanggit kaya agad siyang nagyuko ng ulo

"Kath?" alam na alam niya na boses ni Quen yon

Tsaka lang siya nagangat ng tingin, at imbis na ngitian niya ito ay iniwan lang niya.

"Hey Kath!" tawag pa niya muli pero hindi na siya pinansin nito at bumalik na sa trabaho

Tatawagin pa niya dapat ito ng magpapicture na sakanya ang mga fans niya. After ng picture taking ay inintay niya pa din si Kath na matapos sa trabaho. Hindi niya alam na makakatulog na pala siya kakaintay.

Pagkatapos naman magligpit ni Kath at pauwi na sana siya ng makita niya si Quen na tulog.

Inalog niya ito para magising "Sir, gising po"

Naalimpungatan naman si Quen at agad nagpunas ng mukha.

"Kanina kapa dyan?" tanong ni Kath dito

I Love My Yaya (KathQuen)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon