Chap. 7

10 0 0
                                    

(3rd person's POV)

Nang maglakad paalis si Nikky ay sumeryoso na ang dalawa...

At nag usap muli...

" Alam mo... mahal na mahal ko yang kapatid kong yan... kaya hanggat maaari ayoko syang nasasaktan... pinoprotektahan ko sya gaya nag pag protekta ni mama't papa sa kanya... yung papa kasi namin.. pumanaw na, sundalo kasi... pero bago sya pumanaw pinagbilinan nya ako tungkol sa kapatid ko... wag ko daw hahayaang may manakit sakanya... dahil emosyonada kasi sya e..."

Di umiimik si Seph sa sinasabi ngayon ni Nicka.

"Alam mo, kilalang kilala ko na yang kapatid ko... para na nga akong pangalawang ina nya e. alam ko tanggap lang sya ng tanggap sa mga problemanv hinaharap nya... sinasabi ko ko ito hindi para maguilty ka... gusto ko lang malaman mo kung anong klaseng tao ang kapatid ko... hindi sya bayaran lang... Sige." papaalis na sana si Nicka ng pigilan to ni Seph...

Huminga muna sya ng malalim... "sige. sasama na ako..." hindi alam ni Nicka kung anong magiging reaksyon nya pero alam nyang matutuwa ang kapatid nya sa nalamang ito.

(Nikky's POV)

"Pa, nandito po ako sa paborito nating tambayan nung maliit pa ako.. hindi ko ho kayo mabisita kada linggo papa kasi naging busy po ang anak nyo... Pa, wag po kayong magagalit kung nging pabaya po ang anak nyo...

Buntis po si Nikky pa, buntis po ako.. anong gagawin ko papa. naaawa ako da magiging anak ko... pero wag kang mag alala papa... ipapangako kong magiging isang mabuting ina ako balang araw... alamo naman papa na kahit minsan hindi ako humiling ng ganito diba? hahaha... pa, miss ko na po kayo... sana balang araw basahan nyo ho ulit ako ng paborito kong kwento.. tska papa nasaakin parin pala yung regalo mong libro... yung Cinderella... hanggang ngayon nakatago padin... kung magiging babae man ang anak ko papa, babasahin ko din iyon para sakanya... alam mo na pa, yung ama ng dinadala ko... galit na galit sya dito... di ko alam kung bakit e... nakakaawa sya... pero hinding hindi ko sya tatalikuran kahit ang mundo pa ang tumalikod sa kanya... mamahalin ko ang batang ito gaya ng pagmamahal nyo sakin... Hindi ko po hahayaang may manakit sakanya na mahit sino... pa iloveyou po..." hindi ko na mapigilang mapaluha ulit...

Ang pangako ay pangako...

Maya maya biglang may nag text sa phone ko...

From: ate.

Nikky umuwi ka na dalian mo...

••••

Pag kabasa ko non ay tumayo ako kaagad at nag ayos ng damit..

" Pa, aalis na ho ako... "

••••

Nang pagdating ko sa bahay ay may nakita akong kotseng nakaparada sa garahe...

"Mukhang mamahalin to, kanino to? may bisita ba?" pagtataka ko...

Tinignan ko ng maigi ang sasakyan... pero diko talaga mahagilap kung kanino... kaya namay pumasok na ako sa gate... at nang pag pasok ko...

"WALANGYA KA BAKA SAKTAN MO LANG ANG ANAK KO HA?! TATANDAAN KO YANG MUKHA MO AT PAPAPATAY KITA SA MGA ALAGA KO! HUH!"

"Ang brutal naman ho non..."

Mga boses na naririnig ko sa loob ng bahay habang nag lalakad ako papasok...

"Teka, parang pamilyar yung boses na yun ah? WAG MONG SABIHING!?" Dali dali akong tumakbo papunta sa loob ng bahay

At tama nga ang hinala ko kung sino ang naduon.

"SEPH?"

bigla silang lumingon sakin at nakita ko ang ate ko na ngitinv ngiti. yung tipong akala mo nanalo sa lotto Hahaha

Ewan ko pero.. parang napawi ang lungkot ko at napaligan ng saya ng malaman kong andito ang ama ng dinadala ko..

"Ang ibig sabihin ba nito..." -ako

"Mag usap tayo mamaya.." -seryoso ang mukha niya ng sabihin nya to sakin

"Osya sya! dito ka na matulog ha?!" sabi ni mama kay seph

"ANO?! DITO SYA MATUTULOG?!" -Ako

"ANO?! DITO AKO MATUTULOG?!" -seph

Sabay naming sabi..

Tinignan kami ng masama ni mama at "BAKIT?! MAY ANGAL KA?!" nanlilisik ang mga mata nya ng titigan nya si Seph

Ngumisi ako dahil natatawa ako at the same time natutuwa ako... grabe...

"Thankyou lord... thankyou papa..." bulong ko sa sarili ko habang nakangiti at nakatingin sa ulap na matatanaw sa bintana..

"HOY! ANONG PANGALAN MO?!" -Mama

"Kaylangan pa ba nun?!" -seph

"ABAT SASAGOT KA PA! NICKA! ASAN YUNG PAMBAMBU KO! SABIHIN MO BABAMBUHIN KITA!" (hahampasin/bambuhin) -mama

" SEPH HERNANDEZ! -.-"

Hindi ko mapigilan hindi matawa sa kanila grabe.. nakakatuwa sila panuorin.. :)

••••

Medyo more on "Nikky's POV" to kesa kay Seph at sa iba pa. hahaha yun langs :) Author's Note.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 26, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

You've Fallen for Me (O-G)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon