Kabanata 1

1.6K 52 0
                                    


*Naezy*

"Here you go milady " sabi sakin ni Jena habang pinapaikot ako sa isang life size mirror dito sa loob ng kwarto ko..

"Is this really me Jena? " sabi ko habang tinitignan ang babaeng kaharap ko, which is me.

"Yes.. And besides ikaw lang naman ang alam kong nagtataglay ng ganiyang ganda dito sa Pilipinas Ate Naezy" sabi niya tapos binigyan ako ng malapad na ngiti..

"Tama ka nga naman diyan. Ako lang at nag iisa. I want him to freak out , para naman ma realize niya na mali sya ng taong iniwan" ako

"Yes Sistah" sabi pa nya. Pero agad din naman kaming nagtawanan.

Ngayong araw na ito ay pupunta kami sa isang elite party dito sa pilipinas. Of course pwede ba namang mawala sa isang exclusive na party na 'to ang isang sikat na Designer sa BUONG ASIA. Well kung may magtataka man. Mga taong bukid lang 'yun.

Kaming dalawa ni Jena ang pupunta doon, well she's my secretary that I treat like my emotou Chan.(Little sister)

At heto kami pinaghahandaan ang party, well it's been 8 months narin simula nang iwan ako ng bastardong 'yun..who cares... Mahal ko sya oo, but he wasted my love and effort, sayang lang ang oras na ini-alay ko sa kanya, mahal na mahal ko siya pero 'di ko kayang mag paka-martyr para lang sa pesteng pag ibig nya.

Kung nag sawa na siya sa'kin sana sinabi niya ng deretso.. 'di ko naman kasi siya hahabulin, 'di ako gano'n ka desperada para sa pag-aasam ng pag ibig nya. Pero ang mas kinagagalit ko, na pinakita nya mismo sa'kin na ayaw na nya sa pamamagitan ng ibang babae..

Asan ang hustisya run? Ngayon mas nawalan na ako ng gana sa kaniya, napatunayan ko na wala talaga siyang kwenta, napaka sama, 'di hamak naman na mas maganda ako do'n sa babae.. Mas sexy pa.. Sinayang niya lang ako..

Plus.. 'di man lang nya ko hinabol. Nakaka-asar talaga.. Sinaktan niya ang inosente kong puso.. Kaya heto sa walong buwan namin na hindi nagkikita, sisiguraduhin ko na babaha ng laway niya...

Ang sama sama man ng pinag iisip ko, well wala lang talaga akong magagawa, ayaw ko kasi sa mga ganiyang tao. Mga Paasa at manloloko..

Naiinis rin ako sa mga taong kahit alam na nga nila na ayaw ng tao sa kanila... Pinag pipilitan parin ang sarili. Kung ayaw sayo then be it. Umiwas mag move on then find someone else better than that person..

Huwag dapat hayaang umikot ang mundo mo sa iisang tao na walang ibang ginawa kundi saktan at pahirapan ka...

Oo, alam kong nagalit... Hindi... galit na galit ako kay Hiro dahil sa GINAWA NYANG PANLOLOKO, oh well wala akong pakialam... MAHAL NA MAHAL ko siya.. Pero dahil mukhang ayaw na niya... Ede pakawalan na.

Pero dapat, kung ikaw ang nasaktan, at alam na alam mo sa sarili mo na wala kang ibang ginawa kundi ang mahalin sya... Hindi naman pwedeng mag let go lang ng ganon-ganon...

You need to have your revenge.. You need to avenge yourself, because he's not worth it, he just take you for granted..

Dapat mong ipamukha sa kaniya na mali siya ng taong iniwan.

Na mali siya ng taong sinaktan. You need to avenge your heart. Your broken heart. Ganyang kasi ako mag mahal. Hindi ako nag papatalo, malinis akong mag laro. Wala akong dinadaya...

Hindi ko rin dinadaya ang puso ko. Mahal ko siya, pero niloko nya ako. Sinaktan niya ako. Kailangan niyang mag bayad.

Kailangan niyang panagutan ang nasira kong puso. Kailangan niyang ayusin ito... Siya lang, si Hiro lang ang lalaking minahal ko ng ganito. Pero ginawa nya parin akong lokohin.

Hindi ko ito matatanggap.

"Ate Naezy, tara na po.. Nandyan na po ang driver sa baba.. " sabi ni Jena

Tumango lang ako at nag lakad na palabas....

Hindi rin nag tagal pa ang biyahe at agad na kaming nakarating doon. Mag s-stay daw kami ng isang gabi rito.. Sabi no'ng organizer. Total may ari naman daw ng hotel ang mag paparty...

Well wala akong idea kong sino ang mag pa-party, ayaw ko ng mga spoilers.. Kaya ako na mismo ang aalam kong sino..

And I think it's a big surprise for me....

Vengeance (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon