*Naezy*Pumasok nako sa loob ng isang engranding hotel na ito..
Suot ko rin ang pinaka bonggang dress na ako mismo ang gumawa, sumusunod naman si Jena sa akin..
Pagkapasok namin, ay agad kaming sinalubong ng isang waitress at agad na inalalayang makaupo. Pero hindi naman kasi ako bad, konte lang XD, ay agad akong nag tanong doon sa magandang babae na tantiya ko'y isang modelo, kung sino ang mag pa-party
May kasama rin kasi siyang cute at gwapong kambal tapos isang hot na lalaki na baka asawa nun.
Who cares anyway..
Agad ko syang nilapitan then ngumiti ako ng half... HALF PLASTIC, HALF REAL.. Sobra na nga siguro 'tong pagka bitter ko kasalanan niya 'to eh.
Pero okay naman, para naman wala nang magkakamali pa na lokohin ako, at sisiguraduhin ko na WALA NA TALAGA...
"Hi! " masigla kong bati doon sa babae na maganda.
"Hi" bati niya pabalik, well ang ganda niya nakaka insecure, pero alam ko namang maganda rin ako... Pareho kami XD
"Naezy nga pala" sabi ko sabay beso
" Ah Neysha" sabi niya naman, at ayon nag beso-beso na kami ni Neysha.
" Alam mo ba sino 'yung mag paparty? " tanong ko
" Uhm yeah Miss Naezy, ang may ari nitong hotel ang mag paparty, Cynthia ata name non? " sabi nya
"Yeah" ani ko
Ngumiti siya sa akin then, kita ko yung dalawang batang kambal na ang sama ng tingin sakin... Anong problema ng dalawang paslit na ito...
Tinaasan ko lang ng kilay...
"Ugh sorry sa mga babies ko, sadyang ganyan lang sila "
"Okay lang " sabi ko
"Moma who's that mean girl? " sabi n'ong batang naka blue
Agad namang pinandilatan ni Neysha ang mga anak nya..
Kaya naman nag salita na ako.. Tsk mga bata nga naman..
"Sheinaezy Visca Emerald , 22 years of age, I'm living at Quezon City Manila" sabi ko ang kaso
" Ppffttt hahahahahaha ppft Moma wahahahahaha "
Tumawa 'yung dalawang bata abat!! Nang iinsulto ba itong mga bubwit na ito?? Nakuuuu kung hindi lang 'yun mga cute na bata baka hinampas ko ng ng pelemoda kong bag..
Agad na'kong umalis doon, nakakabanas lang ang atmosphere doon... Kaya nga ayaw ko sa mga bata masyadong BULLY pati ako ginaganoon? Ano naman kaya'ng masama doon?
Maya maya pa ay lumapit sa akin si Jena pero ganoon din ang timing no'ng
Naka-fucos na 'yung spot light sa stage kung saan nandoon 'yung...BABAENG KABIT NG MALANDI KONG PESTENG EX!
"May maibubuga naman pala 'tong hampas lupang haliparot na ito" bulong ko ng may diin
Agad na siyang nag pakilala Cynthia Jemenez daw pangalan niya... Marami siyang sinabi at hindi ko maiwasan ang pagngingitngit ko sa aking ngipin.
Marami pa siyang speech doon sa taas at nanood lang ako, wala kasi akong ibang magawa, I'm just a freaking visitor here..
Natapos na 'yung speech at doon narin natapos ang pag papantasya ko na sinasaksak na siya hangang sa mabali na ang buto niya sa katawan at namatay, walang hiya..
Pagkatapos na pagkatapos niya ay agad niya akong tinignan.. At nag ka eye to eye contact pa talaga kami.. Abat nananadya 'tong pesteng 'to at ang mas malala nag smirk pa, ano? Feeling niya cute na siya dun?
Then bigla nalang niyang niyakap ang kaharap niya which is.......... Hiro..
Tanggap ko sa sarili ko na 'di pa talaga ako nakaka move on. Ang saket parin pala na malaman mo na ang taong mahal mo ay may kasama ng iba... Pareho sila... Bagay sila... MALALANDI..
Asa namang mag momokmok ako duh~ he's not worth for my love... Agad akong ngumisi pabalik sa kanila... Humarap sakin si Hiro at nakita ko sa mukha niya ang pagkagulat, paghanga at iba pa... Wala akong pake.
Lumapit silang dakawa sa'kin... At agad namang tumikhim si Jena dahil hanggang ngayon hindi parin natatanggal ang eye to eye contact namin ni Hiro...
Agad akong ngumiti.. Yung 'di halatang plastic..
"Oh nandito ka pala BITCH" sabi pa nya
Hindi ako sumagot at nanatili lang.. Sayang kasi laway.
" Stop it Thia " sabi pa ni hiro
Pero 'di parin nag paawat ang babaeng haliparot na to.
" Tss pa'no nakapasok ang may kapansanan dito" sabi niya nang nakangiti
"ANONG SABI MO!! SINONG MAY KAPANSANAN! " sigaw ni Jena
"Tsk fuck you bitch" sigaw ni Cynthia
Akmang hahampasin niya si jena pero pinigil ko ang mga kamay niya
" Sinong may kapansan? " kalma pero may pusok kung tanong
Agad naman siyang nagulat, at marahas na binawi ang kaniyang kamay, tss kala niya mag papakumbaba ako sa kaniya.. Never... Walang bait-baitan dito.. Masama laban sa mas masama..
"Bitch" sabi niya, wala na siguro siyang ibang maisip na word kondi bitch
"Hindi ka lumalaban o nag sasalita kasi duwag ka" sabi pa niya, mabuti naman at nadagdagan ang learning niya.
Lumapit ako sa kaniya
" I believe that, if people push you on your limits, and finally you snap and fight back Then you're the bitch, ayaw ko namang maging katulad mo na takas sa mental kung makipag away, ngayon sabihin mo sa'ting dalawa kong sinong bitch." sabi ko sasagot pa sana siya pero hinila na ni Hiro..
Tss walang binatbat, matagal pa bago nag over ang party ang finally we're in our suit magkatabi kami ni Jena, malaki kasi ang hotel na naka assign sa'kin..
"Ex mo 'yun di ba? " sabi ni Jena
"Oo, pero wag na nating pagusapan"
"Pero ate, mahal mo pa ba? "sabi niya
"Pagod nako matulog kana " sabi ko, pilit iniiwas ang mga posibleng tanong ni Jena... Ayaw ko nang maalala pa yun. Past is past
Tsaka, mahal ko pa ba siya? Oo o hindi? Ewan ko basta isa lang ang sigurado ako, hate ko siya. Lalo na 'yung babae niya.
BINABASA MO ANG
Vengeance (Completed)
Short StoryR18 I love him I trusted him I gave him everything But I was left broken. Until, I met him again. There, my revenge begins.