Chapter 1:The Beginning

2 0 0
                                    

MAVEN JOSH's POV

What a day! Naglalaro ako ng basketball ngayon bago umuwi sa mansion. Wala din naman akong maaabutan dun eh, panigurado wala na naman ang mga busy parents ko.

Abala ako sa pag sho-shot ng bola ng may bigla na lang pumalakpak, kaya napalingon ako at saktong may papalapit sa aking isang babae.

"Ang galing galing naman ng gwapo kung best friend" and yes, you heard it right. She's my best friend, childhood bestfriend. She's Aika Lecille Agustin.

"Why are you still here? Gabi na"

"I know, duuh. Ano ako tanga?" Sabi niya sabay irap.

Hindi ko siya pinansin at nag shoot na lang uli. Minutes have passed ng bigla na lang may sumigaw.

"JOSH! ANO BA, HINDI KA BA UUWI?!"

Huh? Bakit nandito pa 'to?

"Hindi ka pa umuwi?"

"ANONG SA TINGIN MO?!"

"Hahahaha! Chill, okay? Let's go madam."

"Tsee" sabay walkout. Haaays. Kailangan ko na namang suyuin yun.

Pumunta na ako sa bench kung saan ko nilagay ang mga gamit ko,dali-dali ko yung inayos at tumakbo na palabas ng court. Nang maabutan ko si Aika inakbayan ko ito kaagad.

"Asuuus. Nagtatampo na naman ang mahal na prinsesa."

"Tumigil ka nga. Baklang 'to"

"Bakla? Who? Me?"

"Sa tingin mo?"

"Hah. Kung ligawan kaya kita?" Sabi ko sabay lapit sa mukha niya.

Bigla naman niyang iniwas ang tingin niya at naglakad papalayo.

"Ewan ko sayo"

"Hahahaha! Wait for me!" Sabay habol at inakbayan uli siya. Nagkulitan lang kami papuntang parking lot, hanggang sa bahay.

PRINCESS ANGELIQUE NADYA's POV

"Ano ba, wag ka nga'ng magulo!" Sigaw ko sa babaeng nasa harap ko ngayon.

"Alis dyan. Hoy!"

"Ano baaaaaaaaaaa!"

"Pan-pan, would you please shut up?! Ang ingay mo hah!" Sigaw niya rin sa akin habang magkadikit ang kilay. Akala mo kung sinong maganda, mas maganda naman ako.

"At tsaka ikaw. Matuto kang gumalang sa mas nakakaganda sayo!" Sabay lapit sa kinauupuan ko.

"Kaya nga matuto kang gumalang sa akin, okay?"

"Whaaaat?! Ikaw'ng bata ka!" Sabay pingot ng tainga ko.

"Araaay! Isusumbong kita kay mama, ano ba ate"

"Ano na namang kaguluhan yan, hah?"

"Kuya ohhhh. Si ate!" Sumbong ko sa lalaking pababa ng hagdan.

"Ano, ano hah?" Sigaw ni ate sa akin sabay bitaw ng tenga ko.

"Si ate pangit" sabay takbo at nagtago sa likod ni kuya.

"Aba! Hoy! Magkapatid tayo, kaya kung pangit ako, mas pangit ka." Sabi niya habang dinuduro ako.

"Itigil niyo na yan Nadya, Paulina"

"Ewwwwww" halos sabay naming sigaw ni ate.

"Mukha mo." Sigaw ko sa kanya sabay irap.

"Mukha mo rin!"

"Kuya naman. Tatlo ang pangngalan ko, Paulina talaga pinili mo?"

"At tsaka kuya, tatlo din yung pangalan ko. Bakit Nadya pa yung binanggit mo?" asik ko din sa kanya sabay suntok sa braso niya.

"Tinatanong ka?" Sabi ng bruha kung ate.

"Tinatanong ka rin?"

"Tama na. Kayong dalawa talaga. Umayos na kayo, darating na si mama mamaya." At iniwan na kaming dalawa sa sala.

Bago pa kami masunog sa pagtitig sa isa't isa, dumating na si mama at naghapunan na kami.

Kami lang ni kuya, ate at mama ang nasa bahay. Hindi naman kalakihan ang bahay namin. 3 lang ang kwarto. Share lang kami ni ate. At yung papa ko nasa abroad, construction worker siya dun. Once a year lang siyang umuuwi, kaya miss na namin siya.

By the way, ako nga pala si Princess Angelique Nadya Cruz. Pan-pan ang nickname ko. Badoy ng name ko,noh? Ewan ko ba kung anong trip ng nanay ko. Hahaha! At tsaka yung kaaway ko kanina, ate ko yun si Paulina Angeline Nathalie Cruz, never kaming nagkasundo nun pero love namin yung isa't isa hindi lang talaga maiwasan ang bangayan. At tsaka yung kuya ko, yes siya yung panganay sa aming tatlo siya si Timothy Elijah Cruz. Mas pormal noh? Papa ko kasi nag pangalan niya eh.

"Hoy Nadya'ng pangit, halika na dito, hindi mo ikakaganda ang pagtitig diyan sa picture frame." Sino pa ba ang may sabi niyan? edi yung ate kung bruha.


"Ma oh, si ate ang pangit!"

"Tigilan niya na yan, umupo ka na dito pan-pan."

"Nako ma, kanina pa po yang dalawang yan." Sabi ni kuya.

"Sige na, kumain na tayo."

At yun nga, kumain na kami ng hapunan. Puros tawanan, kulitan at asaran ang maririnig mo sa bahay namin. I'm happy to have this kind of family. Simple yet full of happiness.








Sitting Next To YouWhere stories live. Discover now