Chapter 1: Unseen Change

1.8K 44 10
                                    

Hello Loves!

Eto na ang start ng The One. This is Maxene's side of the story. Ito yung bubuo ng tatlong taon na nawala sa Fate of Love. :)) What really happened? Who must be blamed?

Gusto ko lang idededicate ang chapter na to sa one of my sweetest loves! :> Mhee! :))) Thanks sa support! Kahit nasa bakasyon ka inaalala mo parin ang Fate of Love. Wow naman, nakakatouch yun! :"> Mwaa :*

Happy Reading,

Raiiinn <3

PS: Add my account on facebook. Click external Link! :)) Thanks!

_____________________________________________________________________________

"1,2,3 Charge"

"Unstable doc"

"1,2,3 Charge" 

Malabo kong nakikita ang lahat dahil sa luha na namumuo sa mga mata ko pero kahit ganun sigurado ako na si Warren yung taong nasa hospital bed at pinipilit na iligtas ng doktor. Ang daming dugo at wala ng malay si Warren.Napapalibutan na siya ng mga nurse. Gusto kong lumapit sa kanya kaso pinipigilan nila ako.

"Warren! Warren!"

"Mam hanggang dito na lang po kayo"

"Bitawan mo nga ako! Ano ba?!" sunod sunod na ang tulo ng luha ko at ginagamit ko narin ang lakas ko para makalapit man lang kay Warren.

"Mam, bawal po talaga."

"Give way. Warren! Gumising ka diyan"

"Mam, pasenya na po talaga kailangan niyo pong lumugar para makatulong na rin po sa pasyente" sabi nung babae. Bigla naring lumapit yung isa pang nurse at nagtulungan sila na palabasin ako ng emergency room. 

"Ano ba?! Sabi ng bitawan niyo ko!" wala ng nagawa ang paghahampas ko sa pinto dahil naisara na nila yun.

Lumugar?

Lord naman. Alam ko na naman po kung saan lulugar. Hinahayaan ko na nga po siyang bumalik kay Elise diba?

Eh ano tong nangyayari?

Bakit kailangang umabot sa ganito?

Inaasahan ko pa naman na matatapos ang araw na ito na masaya para kay Warren. Magiging sila ulit ni Elise

Bakit nung sinusubukan kong gumawa ng tama eh nangyari pa to?

Bakit si Warren pa?

Pag anong nangyari kay Warren hindi ko mapapatawad ang sarili ko.

Kasi ako ang nagudyok sa kanya na balikan si Elise.

Pero mas matindi ang mabubuong galit ko kay Elise.

Kung hindi dahil sa kanya hindi mangyayari ito kay Warren. Kung pinakinggan niya lang si Warren edi sana hindi siya maaksidente ngayon.

Kung mas pinili niya lang pakinggan ang puso niya kesa ang paninisi nung pinsan niya.

Pero ano pa nga ba ang kwenta ng blood is thicker than water kung papatawarin agad ni Elise si Warren.

Sabi ko naman kasi kay Warren eh, mali na si Elise ang ginusto niya. Mali na iyon ang minahal niya.

F*ck sh*t!

Why do she have to be in our lives?

Lalo na sa buhay ni Warren.

That bitch. 

Inagaw niya si Warren sa akin.

Simula ng araw na yun.

Fate of Love Side Story: The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon