Chapter 11: A Change for Tomorrow

185 3 0
                                    

Tinulak ko si Andrei at halatang nagulat siya sa ginawa ko. 

"Tama na ang mga laro Andrei" tumalikod ako sa kanya at umalis.

Pagkalabas ko ng bahay ay nilagpasan ko yung kotse ni Andrei. Wala akong balak na sumakay dun at makasama pa siya.

Napayakap ako sa sarili ko kasi malamig ang simoy ng hangin at ganito pa ang suot ko. Screw Andrei!

This is the first time in my life I felt so helpless. Akala ko nung binubugbog pa ako ng tatay ko ay yun na ang pinakamatinding downfall ng buhay ko pero andun si Warren. He rescued me with all those shit. Ngayon ako na lang magisa. Hindi ko alam ang pasikot sikot dito o kung ano mang mangyayari sa akin pero wala na akong paki, kagaya nga ng sinabi ko kay Andrei, my life is already been fucked up anyway.

Nakalayo na ako nung bigla na lang may umilaw sa may unahan ko. Nung tinignan ko kung saan nanggagaling yun eh nasilaw ako kaya napahinto ako. Nung pinatay yung ilaw eh nakita ko ang mukha ni Andrei. Agad-agad akong lumayo sa kotse niya.

Pero kung anong layo ko ay siya namang lapit sa akin ni Andrei.

Agad niya akong nahabol dahil naramdaman kong may pumatong sa aking likod.

Napatingin ako kay Andrei. Nakita kong nilagay niya sa akin yung blazer ko sa akin.

"Iuuwi na kita"

"Sinabi ko ba na sasama ako sayo? Kaya kong umuwi magisa."

Hinawakan ako ng mahigpit ni Andrei sa may braso.

"I brought you here kaya ako ang maguuwi sayo"

Napahinga ako ng malalim. "Pwede bang kahit ngayon lang eh hayaan mo muna ako? Gusto ko lang huminga."

"You can tell everything to me" mahina niyang sabi sa akin.

"Para ano? Para pagkatuwaan pa ako? Hindi pa ba sapat yung nangyari kanina?" Napataas ang boses ko. "Ah, alam ko na. Pupunta ba tayo sa isa pang party? You could tell me now so I would be ready" ngumiti ako ng mapait sa kanya.

Hinawakan ni Andrei ang mukha ko at pinunasan niya ang mga mata ko.

"Wag ka na umiyak. Please." Halatang halata ang lungkot sa mukha niya "Alam kong mali ang ginawa ko pero gusto ko lang na maging totoo ka sa sarili mo. Magulo ang pinasok mo Maxene. Ayokong sa huli ay masasaktan ka lang"

"Well, news flash Andrei, nasasaktan na ako ngayon. I just want to be with Warren."

Naramdaman kong huminga ng malalim si Andrei. "You can be with Warren while being true to yourself. Ayokong mawala ang Maxene na nagustuhan ko nung simula pa lang"

Para akong nabingi sa narinig ko "Anong sabi mo?"

"Hanggang kailan ko ba sasabihin na sayo na may gusto ako sayo?"

Tumingin ako ng nagtataka sa kanya. "Ano na namang laro to Andrei?"

"This is not a game. Gusto ko lang na maging totoo sa sarili ko." 

Dahan-dahan siyang lumapit sa akin. Nakatingin na naman siya sa mga labi ko pero ngayon halatang maingat na maingat siya sa ginagawa niya. Sinarado ko ang bibig ko nung naramdaman ko na malapit na malapit na ang labi niya sa akin. Napaatras siya sa ginawa ko. Akala ko kakalas na siya pero agad niyang hinalikan ang noo ko. 

"Uuwi na tayo"

Agad niya akong inalalayan pabalik ng kotse. Hindi na ako nagpumiglas pa. Natanga ako sa ginawa ni Andrei parang nagaalangan siya sa muntik niya ng ginawa sa akin.

Pagkapasok ng kotse ay agad pinatakbo agad ni Andrei yung kotse. Halatang halata sa mukha niya ang pagsisisi sa nangyari kanina. Binaling ko ang tingin ko sa labas ng kotse. 

Kung ano man ang plinaplano ni Andrei ngayon, ayoko na lumaban pa.

Hindi ako masama. Ang gusto ko lang mahalin ako ng taong mahal ko. Alam kong hindi maganda ang mga ginawa ko para lang makasama ngayon si Warren. Sabi ko sa sarili ko hindi ako magsisisi pero ngayon parang napapaisip na ako sa mga ginagawa ko. 

Ayoko din naman na makita na mawawala na ako sa sarili ko. Hindi ako si Rachel. Alam ko naman yun. Masyadong magulo na nga itong napasok ko.

Tumigil yung kotse sa may tapat ng bahay namin. Agad akong bumaba. Masyado na akong pagod sa mga nangyari.

"Maxene" mabilis na tawag sa akin ni Andrei.

Liningon ko si Andrei "Good night Andrei". I gave him a faint smile.

Nung di siya nagsalita eh agad na akong pumasok sa kwarto ko at sinarado yun. Dumeretso ako sa kama ko at humiga. Niyakap ko ang unan ko at pinikit ang aking mga mata.

Hindi ko akalain na makakatulog agad ako sa mga nangyari. Hindi sa nagrereklamo ako. Pinagpapasalamat ko pa nga iyon. Bumangon ako sa kama at lumabas sa kwarto ko para uminom ng tubig.

Papunta na ako ng kusina nung may bigla akong nasipa. Dahil medyo madilim ay agad kong binuksan ang pintuan ng kwarto ko at binuksan ang ilaw nito.

Nakita ko na nakaupo sa gilid ng kwarto ko si Andrei. Tulad ko ay hindi pa din siya nagpapalit ng damit at dito na siya nakatulog. Umupo ako ng malapit kay Andrei. Alam kong ayaw niyang maikumapara kay Warren pero parehas silang matulog. Maaliwalas. Nakita ko biglang kuminang ang hikaw ni Andrei.

I want to believe that he is not really that bad.

Tumayo ako at agad kong hinubad ang blazer ko para ikumot kay Andrei.

Sinubukan kong hawakan yung hikaw niya nung biglang akong tinignan ni Andrei.

Nagulat ako sa ginawa niya. "Sorry" mahina kong sabi sa kanya pero bago pa man ako makatayo ay hinila niya na ang kamay ko para maupo. Hinawakan niya ang kamay ko.

"Everything will change tommorrow, Maxene. Trust me"

Bago pa man ako makasagot eh tumayo na si Andrei.

Tumayo din agad ako kasi hawak hawak parin ni Andrei ang kamay ko.   

Dahan dahan na binitawan ni Andrei ang kamay ko at hinawakan niya ang blazer na pinang-kumot ko sa kanya. Kinuha niya iyon at ipinangtakip niya sa akin yun.

"Good night Maxene"

He gave me a sweet smile and I swear I just felt the butterflies in my stomach.

Fate of Love Side Story: The OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon