Okay, KQs so this chapter will be tagalog. Susubukan ko lang hahaha, after reading this chap. comment if should continue with the english one or should I do tagalog or both
hahahaha. You guys will decide :) !
Sana magustuhan niyo ito :D
~S♡
Fourth Chap.
Hindi ako nakatulog kagabi. Ang malalim na boses ng lalaking iyon ay naririnig ko pa rin. Paulit-ulit ang sinabi niya sa aking isip.
"you are just a girl with a demon."
Alam kong hindi ito totoo. Alam kong hindi ako papabayaan ng Diyos. Pero yung nangyari kagabi ay napaka totoo. Tuwing na aalala ko yun ibang klaseng pakiramdam ang umiikot sa aking katawan. Isa na dun ang takot, naninikip ang dibdib ko at sumasakit ang pinagsaksakan sa akin. Mayroon din isang pakiramdam na hindi ko maintindihan, may dumadaloy na kuryente sa aking braso nung hinawakan niya ako at sa tuwing iniisip ko ito.
Ang kanyang pabango na aamoy ko pa din. Sa totoo lang, pakiramdam ko nga nasa tabi ko lang siya. Gusto ko siya sa makatabi. Gusto kong hawakan niya ulit ako. Gusto kong maramdaman ang presensya niya. Teka, anu ba tong iniisip ko.
Tinakpan ko ang mukha ko ng aking kamay at umiling. Sinampal sampal ko pa ang aking mukha.
"Anu ba yan Chandria. Kung anu-ano iniisip mo. Tandaan mo masama siyang tao. He might be a killer or a drug addict." tumayo ako sa kama at tumingin sa orasan. 10:30am. Pumunta ako sa banyo para mag tootbrush at mag hilamos.
"Woaaah !" gulat ko ng makita ko ang sarili sa salamin. Ang itim ng ilalim ng mga mata ko at ang putla ko. Bakit ako maputla? Epekto ba yun ng pagkapuyat? Tapos ang gulo gulo ng buhok ko. Nag hilamos na ako at tootbrush.
"Goooood morning my friend." kanta sa akin ni Crystal. Nakapag luto na siya ng almusal. Minsan talaga masipag siya, minsan naman hindi. Depende siguro sa mood niya. "Kumain ka ng madami at sigurado akong gutom ka."
"Huh? Panu mo naman nasabi?" tanung ko sakaniya habang kumagat sa grilled cheese sandwich. Masarap ang gawa niya.
"Kagabi kasi nakita ko na hindi mo kinain un dinner mo na nasa microwave. I thought pa nga na baka may sakit ka eh. You look pale kasi when I got home." sagot niya sa akin habang nag titimpla ng juice. Malaking tshirt na pang lalaki ang suot niya, siguro may nakasama na naman to.
"Hindi naman." sabi ko. At dahil sinabi niya yung tungkol sa kagabi. Binaba ko ang sandwich at tumingin sa kaniya. Itlog at bacon ang niluto niya para sakaniya. Umupo na siya at kumain. "Where were you last night?" tanung ko.
"Im at the welcome party for the new students. Kasama ko si Martin." sumagot siya kahit puno pa ang bibig. "Mababait naman sila, except dun sa isa."
"What about him?" curious na tanung ko. Ang tamis masyado ng juice. Tumayo ako at pumunta sa ref.
"Well, you know me naman. I was so curious about him, not only me but also the whole school girls. The guy was very mysterious. Pero gwapo siya Chandria. Mukhang mayabang nga lang. Naka simangot eh. Spoiled brat ata. Hahaha. Pero gwapo talaga siya." may pataas taas pa ng kutsara itong si Crystal. Bumalik ako sa lamesa.
"Anu ginawa niyo nung nag brown-out?" tinanung ko habang dinadagdagan ng tubig ang matamis na juice.
"Huh? Walang brown-out na nangyari." napatigil ako sa sagot niya. Napuno ako ng pag tataka. Sigurado ako na nawalan ng ilaw kagabi. Nakita ko kung paano namatay ito at kung paano sumulpot ang lalaki sa harapan ko. Kinilabutan ako ng maalala ko yun.
BINABASA MO ANG
The Girl with a Demon
FanfictionAll of us have Guardian Angels, but one person in a thousand has a Guardian Demon. What will you do if you are that unlucky person, are you gonna hide and run or are you going to stand still and face him. What will be your decision? ~~~~ My back is...