Chap. IV - Mrs. Carol's Dead

298 12 0
                                    

"Good morning class, you have a new classmate, please come in and introduce yourself ija"


Agad na napaangat ang ulo ko, at napatingin sa paligid. Ngayon ko lang narealize na nakatulog pala ako. "Mabuti naman at nagising ka na," dinig kong sabi ni Felix sa tabi ko. Inirapan ko lang siya.



Pagkatapos akong mapahiya sa klase kahapon dahil sa kaniya, makikipagusap siya diyan? Bwiset.

"Sorry na" nagsalita na naman si Felix na nagpakaba sa dibdib ko, bigla kasi iyong bumilis. Nagsosorry ba talaga siya? "Balita ko close na kayo ni Cassandra" tumingin ito sa akin at tumingin din ako sa kaniya.




"And so?" mataray kong tanong dito. "Mabuti naman at may close na ang kapatid ko, pero ba't ako? Hindi mo ako kinakaibigan?" kung alam mo lang. Siya pa ang may ganang magsabi niyan after kong tanggapin ang kamay niya 'nung nakaraang araw.



"Nadala lang ako, pasensya na" huling sabi niya dahil nagsalita na iyong taong nasa harap. Nakita ko ang babaeng inosente habang naglalakad papuntang gitna at sa tabi ni Mrs. Carol.


"Hello new classmates, I'm Yuri Sandoval, nice to meet you" sabi nito. Nakatingin lang ang mga tao sa kaniya na parang wala lang, hindi naman na kasi iba ang may bagong estudyante, parang ako.


"Doon ka umupo ija," sabi ni Mrs. Carol sa kaniya habang tinuturo sa tabi ni Cassandra. Parehas silang inosente, tiyak na magkakasundo sila.


***

"Tara na kain na tayo," biglaang sabi ni Cassandra sa harapan ko. Inaantok pa kasi ako, parang gusto ko pa matulog 'e.

"Yayain mo muna iyong new transferee, inaantok pa ako. Wala akong ganang bumaba," sabi ko sa kaniya. Nakita ko naman na inirapan niya ako, mataray din pala itong si Cassandra.


"Okay" sabi niya sa akin at saka bumaba. Pakonti nang pakonti ang mga tao, habang ako nalang ang natira. Hay sa wakas, matutulog na sana ulit ako nang makita ko si Felix at Lesbi papalapit. Woah? Shipper na nila ako, nagkasalubong tuloy ang kilay ko.

Lumapit sa akin si Felix habang wala namang imik na pumasok lang si Lesbi, I don't know if she's still mad at me, and I don't care anyway. Tsh.

"Sorry na, pansinin mo na ako" agad napaurong ang dila ko nang makita ko na si Felix sa mismong harapan ko. Tumayo ako at akma nang aalis pero biglang may humawak ng kamay ko. Napaharap tuloy ako at nakita ko si Felix, ng mas malapitan.

Revenge Of A Bully VictimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon