Prologue

734 24 3
                                    

Don't trust people and their kindness, they might kill you, hindi man biglaan pero unti-unti. Don't act like you care for them, 'cause it's okay to be a bitch, than to be plastic.

Don't hesitate to kill them, kasi kapag nahuli ka, ikaw ang mapapatay. Paunahan para sa patayan, at kung sino ang hindi makakuha ng hint bago mahuli ang lahat, siya ang mamamatay.

Diskarte, at utak ang panlaban, dahil kung hindi, makikita mo nalang ang sarili mong katawan na duguan. Ang siyang akala mong inosente ang siya pang aatake sa'yo, at ang maaari pang kumampi sa'yo ay ang taong kinasusuklaman mo.

Isang tao, o isa nga lang ba, ang siyang maghihigante para sa kaniyang/kanilang sarili? Sino ba siya? At ano bang nangyari at gusto niya ng dugo ng mga taong sumira ng buhay niya?

***

"Nasasaktan ako," sigaw ko, kung sino man ang nagtali sa akin sa pesteng lugar na ito at ang taong pumapatay sa akin ngayon. "Sssshhh" Pamilyar ang boses niya pero hindi ko pa rin maalala kung sino ba talaga siya.

"Mrs. Carol.... I miss you, the old you" nagulat ako sa pagsasalita niya, nakilala ko na ang boses na iyon. Nanlamig at nangatog ako sa nalaman ko, para bang ayokong paniwalaan, pero bakit siya? At paanong siya?

"Ikaw?" hindi ko tanaw ang mukha niya, dahil kanina pa nakatakip ang mga mata ko sa lugar na 'to, paggising na paggising ko pa palang nandito na ako. I can't remember anything, the only thing I can remember is, nagbabanyo ako noon tas may naramdaman akong bagay na tumama sa ulo ko at nawalan ako ng malay.

"Yes. Your favorite student, na tinraydor mo." and then I feel the anger inside her, I don't know but I can feel it. She was my favorite student, 'cause she was too innocent and kind. Kampante ako sa kaniya dahil napakabait niya, sa lahat ng estudyante ko, siya ang pinakaclose ko.

Pero hindi ko siya tinraydor, hindi niya naiintindihan. "Hindi kita tinraydor kailanman" Tugon ko habang unti-unting bumabagsak ang mga luha ko. Ayoko, ayokong umiyak sa harap ng batang ito. "Hindi? Talaga ba?" tumawa ito, hindi ko man siya makita, marinig ko lang ang boses niya, nanginginig na ako.

"You were my favorite teacher, yes favorite. Siyempre, I didn't know your true colors, nakamaskara ka pala 'nung nakilala kita so sorry, my bad. Hindi ko alam na iba pa pala iyong tunay mong anyo, alam mo ba sa lahat ng pinagsisihan ko? Iyong inakala kong iba ka sa lahat" her words are breaking my heart. I don't know why I feel this, pero nanghihina ako.

Narinig ko ang ngisi niya na mas nagpakaba pa sa dibdib ko. "You're too young, you won't understand everything that I'll tell you" naglakas loob akong magsalita kahit ang totoo, hinang hina na ako. "Wala akong paki kung bata pa ako o kung ano pang edad ko, may feelings din ako gaya mo, gaya ng iba, gaya ng kahit sino. Really will tell? No need, magsasayang ka lang ng laway mo, ihanda mo nalang iyan sa isisigaw mo mamaya" mas lalo yata akong kinabahan sa huling niyang sinabi.

"Ano ba talagang nangyayari sa'yo?" sigaw ko. Hindi ko na siya maintindihan. "I just want to thank you for making my life miserable, all of you, all of fucking damn you, who just betrayed, belittled, insulted, putted down, and wrecked me." tumawa ito pagkatapos niyang magsalita.

Magsasalita pa ako nang may maramdaman akong matulis ng bagay na nadikit sa pisngi ko, nadikit lang siya ng saglitan pero nasugatan na ako. "Goodbye, I don't need your explanation, or your words of wisdom and all of your lies,"

Hindi na ako makapagsalita dahil sinampal niya ako. Hindi ko siya makita, hindi ko tanaw ang hitsura niya at ang mga kamay niya.

Unti-unting tinutusok sa akin ang matulis na kutsilyo, ang sakit, sobrang sakit.

Hindi na ako makapagsalita, sa halip hinayaan ko na lang siya. Tinusok naman niya ang paanan ko. Napasigaw ako ng sobra, sobrang sakit. Mamamatay na yata ako.

Pagtapos 'nun, inalis niya ang isa kong kuko, na sobrang bilis, at sobrang sakit. Ang kamay ko naman, pinutol niya iyon. Dama ko ang matulis na bagay sa mukha ko, hanggang sa ngipin ko.

Kinuha niya ang dila ko, puro dugo, sobrang daming dugo. Humalakhak ito at dinig ko ang kaniyang bungisngis. Ibang iba na siya sa nakilala kong siya.

Sinabunutan niya ako at inuntog sa kung ano man na bagay, sobrang sakit. Sobra sobra. Hindi na ako makapagsalita, wala na akong dila. Naramdaman ko naman ang kutsilyo sa leeg ko.

Unti-unti at pabaon nang pabaon, pinupugutan niya ako ng ulo. Hindi ko na makayanan ang sakit, I just feel sorry for her.

Tanggap ko na ang kamatayan ko.

Revenge Of A Bully VictimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon