Chap. XII - Gio

225 8 3
                                    

Yuri's POV

“Ready ka na ba ija?” inihanda ni mommy ang lahat ng gamit ko at uuwi na kami. Isang linggo na rin akong wala dahil sa patayan na nagaganap. Hindi ko rin iyon sinabi sa mga magulang ko dahil hindi naman sila maniniwala.

Tinango ko ang ulo ko at saka sumakay na sa kotse. Ewan ko kung naalala pa nila ako o talagang busy lang sila. One week before Faye and Rhea died. Hindi ako mapakali, nahuli ako sa balita pero nang umakyat kami sa SB para tingnan kung anong nangyari, may nakita akong nakahood na nakablack. Hindi ko siya maaninag masyado dahil para siyang nakatingin lang sa'kin.


Kinilabutan ako kaya ayun, hindi ako pumasok. Halos 'di ako makatulog kakaisip sa susunod na mangyayari. May namatay kaya ulit? At sino-sino naman? Napalunok ako. Huwag naman sana.

Casy's POV


“Miss ko na si Yuri, kailan ba ang balik ng babaeng iyon?” tanong in Cassandra sa akin. Hindi ko nga rin alam 'e. Nitong araw na wala siya natigil ang pagpatay, nagtataka rin tuloy ako pero maganda na nga iyon.

“Hindi ko rin alam.” sabi ko naman sa kaniya. Linggo ngayon pero magkakasama kami sa bahay namin. Oo tama, sa bahay namin. Pumayag naman kasi si Kuya, mabait naman 'yon, saka bati na rin kami kahit naiinis ako sa kaniya.

Hindi ko naman na dapat pa iyon isipin 'e. Usapan dito, usapan doon ang puro topic namin. Pero hindi pa rin ako mapakali, 'di ako komportable. Ano ba ito? Hays. Kailangan kong kumalma.

Inayos ko ang sarili ko. Naglaro lang sila, at 'di ako sumali. Sila Felix, Cassandra, Gio at Mark. Para bang may tumutulak sa akin na huwag silang lapitan. Ewan ko ba.

----------

Uuwi na kami. Ingat," tugon ni Gio at saka ngumiti sa akin. Nginitian ko nalang din sila at saka hinatid hanggang gate.


Gabi na pero hindi ako makatulog. Nagiisip pa rin ako at sumasakit na ang ulo ko kakaisip dito. Bukod pa 'ron, para akong aatakihin sa puso pag naalala ko iyong nangyari sa mga namatay. Sino ba talaga ang puwedeng gumawa nito?

----------+----------+---------------

Casyyyyyyyy. I miss ü” bungad ni Yuri sa akin pagpasok ko. Agad ko siyang niyakap nang mahigpit. Namiss ko siya. Saan ka galing?” tanong ko sa kaniya. Umalis kami ng pagkakayakap at saka tumingin sa isa't-isa. Nagbakasyon lang ako saglit. Ikaw ba?”

Tanong nito. Sinabi ko naman na paulit-ulit lang ang nangyayari pero simula nung nawala siya, tumigil na rin ang patayan. Nagtataka kami kung bakit ganoon pero nagyakapan na rin sila ni Cassandra at sinabing miss na miss na nila ang isa't-isa.

Sumunod ang oras bored na bored kami nang biglang may nagsalita sa speaker. Tumaas ang mga balahibo ko sa narinig.

“Long time no see Yuri. Babalik ako ulit, good luck sa inyo,” ang sabi nito sa speaker. Hindi ko makilala ang boses. Sobrang taas at makatindig balahibo talaga iyon.

Nakita ko naman na kinabahan si Yuri, babalik? Sinong babalik? AAAAAHHHHHmay narinig akong sumigaw. Kaya dali-dali kaming tumakbo.

Nang makita namin iyon, halos lumuwa ang mata namin. Si..... Si Gio patay na...

Ang bilis. Halos mapaurong ang dila ko sa nakita. Halos hubad ang katawan nito habang may sugat at laslas sa kaniyang mga katawan.

Hindi maaari. Paano nangyari 'to?

Gio's POV

“Sure ka ba diyan brad?” tanong ko sa kaniya. Sinabi niya kasing may chicks kaming makikita kapag sumama ako sa kaniya. Weird nga lang dahil 'di niya sinama ang isa sa mga tropa.

Pero pagpunta ko 'ron, bigla akong nasuka, literal na nasuka. Bakla ka pre?” tanong nito. Kumunot tuloy bigla ang noo ko. Ang gulo niya ngayon. Paano ba naman?

Tangna ano 'yan? 'Di pa Halloween ah. Gumising ka nga diyan,” hayuf 'tong lalaking 'to, tatakutin pa ako. Kitang kita ko si Lesther na nakahiga sa sahig habang may pekeng dugo na nakapalibot dito. Parang totoo dahil sa make up na sugat nito sa katawan. Panigurado, pinagtitripan na naman ako nitong kasama ko.

“Patay na siya tanga!” sambit ng kasama ko. Napaurong ang dila ko, gago talaga 'to, akala niya yata maloloko niya ako.

Pinagsisipa ko si Lesther para ipakita sa kanilang alam ko na pinagtitripan lang nila akong dalawa nitong Lesther na 'to. Lesther is my cousin, since elem, siya na ang lagi kong kasama, iyon nga lang nalayo ako dahil sa tropa, sila Felix.

“Hoy. Tangina mo gumising ka na diyan,” sambit ko sa kupal na si Lesther habang tumatawa naman ang kasama ko. Gago 'to ah.

Sinipa sipa ko pa siya.... Tangina patay na nga iyan gago ka ba?” napalunok ako.

Bahagya pa akong lumuhod at sinuri ang dibdib ni Lesther kung timitibok pa. Halos masuka ako, tangna ang baho ng dugo. Ayaw mo maniwala?” tumayo ako't nagsalita na naman siya.

Mga kalokohan talaga, nagsasali pa e. Aalis na sana ako ngunit bago pa ako makaalis may naramdaman akong humawak ng braso ko. Napasinghap ako at humarap sa kaniya. “'wag mo akong isali sa kagagu....” bigla niya akong tinusok sa braso ko. Tangina ang sakit, napahawak ako sa braso ko dahil doon niya ako tinusok.

Sabi kasing patay na. Papatayin na rin kita,” napalunok ako. Pagtapos 'non, bigla niya akong sinuntok at ang nalaman ko nalang ay napahiga ako dahil sa masakit niyang atake.

Paggising ko gulat na gulat ako dahil nakatali ako at puno ng pasa sa katawan. Ang gagong iyon. “'O gising ka na pala Gio,” napaangat ang ulo ko nang makita ang taong hindi ko inaasahan. Babae ang nasa harapan ko ngayon kaya't napalunok ako.

Anong ginagawa mo rito?”  tanong ko sa kaniya. Ngumisi nito ng nakakaloko, tumaas ang mga balahibo ko.

Ano pa? Edi para patayin ka namin.”


------------------+-----------------

Nakaupdate din sa wakas. Lol. Nawriter's block ako at sobra ang pagkatamad plus wala pang WiFi. Huehue.

Revenge Of A Bully VictimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon