[A/N: Nasa gilid po yung picture ni Carl.]
* * * * * * *
Kaira's POV
Nagising nalang ako ng may naramdaman akong natalon talon sa kama ko. Pagkita ko kung sino ang hinayupak na talon ng talon sa kama ko. Napasapo ako sa noo at....
"KKUUYYAAA!!" Sigaw ko. Sino ba naman hindi magagalit sa pinag gagawa ng abnormal kong kapatid.
"Good morning." Bati niya pa saken at may ngiting mapang asar. Argh!
"WHAT THE HELL ARE YOU DOING!!?" Inis na Inis kong tanong sa kanya. Nilock ko naman ang pinto kagabi bago ako matulog. Siguro, kinuha na naman niya sa office ni daddy ung duplicate key. Sa mansion kasi namen may office dito si daddy.
"Ginigising ka. Anong oras na kasi di ka pa gising may pasok pa tayo. Tska saken ka hinabilin nila dad at mom. Maaga sila umalis." Sabi niya.
"AARRGGHH!!!" Yan nalang ang nasabi ko sa sobrang Inis at inirapan siya.
"Go to your bathroom and take a bath." Sabi niya. Ginawa pa akong bata. -__-
"Itigil mo nga yang ginagawa mo kuya." Sabi ko sakanya. Hindi paden kasi siya natigil kakatalon sa kama ko. May kama naman siya. -__-
"Maligo kana at mag ayos. Sasabay ka saken." Sabi niya at tumigil na sa pagtalon at bumaba na sa kama.
"Tss. *Rolled Eyes*" ako.
"Mag bibihis na den ako. Intayin nalang kita sa baba." Sabi niya at umalis na sa kwarto ko.
Ako naman ay naligo na.
* * *
"Kaira!!" Tawag saken ni kuya habang kinakatok ang pintuan ng bathroom ko. Hindi na nga ata katok ang ginagawa niya eh. Medyo malakas kasi kaya parang kinakalampag na niya.
"Why!?" Tanong ko habang nakababad sa bathtub.
"Anong why! Kailan ka bang matatapos dyan? Kanina kapa jan. Bilisan mo baka malate tayo sa katagalan mo maligo." Inis na sabi niya.
"Wait lang naman!" Sabi ko.
Narinig ko ng nagsara ang pinto ng kwarto ko simbolo na lumabas na si kuya. Ako naman ay tumayo na at umahon sa pagkakababad sa bathtub ay nag patuyo muna ako gamit ang twalya at pagkatapos non ay lumabas na ako ng bathroom at bago ako mag bihis ay nilock ko muna ang kwarto ko. Baka biglang pumasok si kuya eh. Gago pa naman yon. Joke lang, Shempre kahit alam kong lagi akong iniinis non ay mahal ako non. Minsan kasi may pagka sweet side den yan si kuya. Strict den yan minsan pag dating saken. Minsan na den yang nagmahal kaso nasaktan at iniwan. Nakoo. Kapag na aalala ko yung babaeng nang iwan sa kuya. Gustong gusto kong turuan ng leksyon. Tss. Ang pogi naman ni kuya, Sweet, basta lahat ng gusto nung babaeng non binigay ni kuya, Minsan na nga den akong nagselos eh. Pero malalaman ko nalang na iniwan niya ang kuya para lang sa ibang lalaki. Tsk. Tsk.
Bumaba na ako at hinanap si kuya. Pumunta akong garden baka kasi doon siya nag aantay. Nasa may pinto palang ako papuntang garden ay...
"Boooo!!" Pang gugulat niya saken.
"Kyaaaaaaaaaaaaah!!" Tili ko at pinag papalo siya. Shit!
"Hahahaha! Aray! Tam- Hahaha! An- oy! Hahaha!" Tawa paden siya ng tawa habang iniilagan ang paghampas ko sakanya.
"Epal ka! Bwiset! Letche ka!" Bawat salita ko hinahampas ko siya. Nahawakan niya ang kamay ko kaya natigil ang pag hampas ko.
"Pfft! Tara na nga pumasok." Sabi niya at hinila na ako papasok sa kotse. Halata ko namang pinipigilan niyang tumawa eh. *pout*
BINABASA MO ANG
Campus Badgirl (#Wattys2016)
NezařaditelnéCampus Badgirl ang tawag sakanya dahil sa kamalditahan niya. Pero sa hindi inaasahang ang ating Campus Badgirl ay maiinlove sa isang Badboy? Let the story begin. Sa isang relasyon hindi pwedeng hindi ka iiyak. hindi ka magiging tanga at hindi ka ma...