Loreen's POV
Di pa rin talaga mawala sa isip ko ang mga narinig ko kahapon.. Feeling ko si Zion talaga ang pinag-uusapan nila eh pero ang sabi sakin ni Zion hindi pa daw siya nagkaka-girlfriend eh kase problema lang daw yon. Tss nagsisinungaling ba sya? Kung nagsisinungaling siya...eh bakit kailangan nya pang itago?.....itago sakin...:(
Habang naglalakad ako pabalik ng room may narinig akong isang lalaki at babae na pamilyar ang mga boses nila lalo na ang boses ng lalaki....
Nung sinilip ko sila..laking gulat ko ng si Zion iyon at ang babae kahapon sa gazebo.. Hindi kaya......
"Zion..look at me please.. Mahal na mahal kita sorry kase nabigla lang naman ako eh...tsaka si Mark? Kaibigan ko lang yon. Wag ka na magalit please..please?"
"Kaibigan? Eh kung makadikit sayo parang siya ang boyfriend mo eh.. Hindi mo pa ko sinisipot sa lunch kapag inaaya kita----" hindi na napagpatuloy ni zion ang sinasabi nya dahil........
Hinalikan na nya si Zion..then Zion kiss her back....:'(
Parang naiiyak ako. Alam kong wala akong karapatan. Kaibigan lang ang turing nya sakin. At ang mas masakit pa.. Nag-assume ako...masakit...
Sinungaling ka Zion...sabi mo wala kang girlfriend...sabi mo problema lang sila..akala ko ayaw mo ng komonikasyon..
Nagkamali ako ng unang minahal.. Sana hindi na lang ikaw... Ayoko na... Ayoko sa mga sinungaling na tao...
Lalayuan na kita Zion...
Tumakbo na ko ayoko nang makita ang pag hahalikan nila duon ng puno ng pagmamahal..
Aww shit ang sakit ng ulo ko...
"Loreen!"buti nandito na si Sarah.
"Bakit ganyan ang mukha mo? Para kang nalugi sa sabungan hahahaha"tinignan ko lang sya ng masama."kidding!"
"Tell me. May problema ba?"tanong sakin ni Sarah sabay upo sa tabi ko.
"Pagod lang tsaka medyo masakit ulo ko, puyat ako eh"palusot ko. Ayoko kaseng may nakakaalam sa nararamdaman ko eh. Hinawakan nya ang noo ko.
"Gosh Loreen ang taas ng lagnat mo, mabuti pa umuwi ka na ako na bahalang magsabi kay prof. Magpahinga ka na lang sa bahay nyo. Puntahan na lang kita mamaya pagkatapos ng klase."tumango lang ako sa kanya.
YOU ARE READING
My First True Love
Teen FictionNagka-crush ka na ba? Or naranasan ma-inlove ng dahil lang sa mga mapanukso mong barkada? So let see!!