Prologue

440 5 1
                                    

“ANO ANG BALITA? Napasok ba ninyo ang palasyo ng reyna? tanong ng isang tinig mula sa madilim na bahagi ng templo. 

“Oo. Nanganak na ang reyna at kambal nga ang ipinanganak niya.”

Narinig niya ang paglapat ng kamao nito sa matigas na pader ng palasyo. Maririnig din ang mabigat nitong paghinga. Ramdam niya ang tensyon mula rito.

Naiintindihan niya ito. Kahit siya ay natetensyon rin. Ilang buwan rin nilang sinubaybayan ang pagbuntis ng reyna simula nang lumabas sa punung-babaylan ang propesiya ng panganganak nito.

“Ano ang nangyari sa nakatatandang kambal?”

Hindi siya agad nakasagot. Naalala niya ang kanyang nakita sa palasyo ng reyna. Hanggang sa mga sandaling iyon, hindi pa rin maalis sa kanyang alaala ang kanyang nadatnan.

Masusi nilang pinag-aralan ang dapat gawin para mailigtas ang kapalaran ng nakatatandang kambal pero hindi niya maintindihan kung bakit iba ang kinalabasan ng lahat

“Hindi na namin nakita ang unang sanggol. Ang tanging naiwan nang dumating kami ay ang prinsesa ng buwan. Pero ang hindi namin inasahan ay ang mahal na reyna.”

“A-ano ang nagyari sa kamahalan?”

“Patay na siya ng dumating kami.”

Isang nanlulumong ungol ang narinig niya mula rito. Naramdaman rin niyang nanghihina nitong isinandig ang katawan sa pader na kumukubli dito.

Nanatili siya sa kanyang kinatatayuan. Hindi siya maaring lumapit dito. Isa nang malaking sugal ang pagkikita nila. At alam niyang sa gitna ng kadiliman, may mga matang nagmamatyag sa kanila. Naghihintay lang sa kanilang maling hakbang.

The Moon's FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon