Chapter V - Wielders

114 2 0
                                    

=Claude’s POV=

 “Ah, ang sarap talaga ng hangin kapag nasa bundok ka. Malamig at sariwa.” Hindi ko mapigilan ang damhin ang simoy ng hangin ng Lunaria. Na-miss ko ang kaharian. Ilang taon din naman akong nanatili sa mundo ng mga mortal.

I’m Claude Strike. Nagmula ako sa mundo na kung tawagin ay Alter Earth. Parang Earth rin naman ang mundo ko kaso altered nga lang. At mortal ang tawag namin sa taga-earth. Hindi dahil immortal ang mula sa Alter Earth. Namamatay rin naman kami kaso nga lang hindi kasing bilis tulad ng mga mula sa Earth. Napaka-ikli ng mortality rate nila kaysa sa amin.

Siguro dahil may espesyal na kapangyarihang taglay ang aming katawan kaya napapabagal namin ang aming pag-tanda. Pinuno kasi ng magic ang aming katawan. Kaya nga huwag niyo nang tanungin kung ilang taon na ako. Malulula lang kayo. Hayaan nyo na lang na ma reveal sa mga susunod na chapters. Hehehe!

 “Ano ang ginagawa mo dito, Claudio? Bakit iniwan mo ang tore?”

Hindi ko maiwasan ang mapangiwi nang marinig ang boses ng pinakamatalik kung kaibigang si Gareth. Okay na sana eh, ayun na oh pasok na sana kaya lang bakit pa niya babanggitin ang buong pangalan ko? Nakakasira sa magandang mood.

“Ikaw naman Gareth ilang ulit ko bang sasabihin na Claude na lang ang itawag mo sa akin. Mas-in ‘yun.”

Nilapitan ko siya at inakbayan. Matalim naman na tingin ang iginanti sa akin.

“Anong in ang pinagsasabi mo dyan at bakit ko naman babaguhin ang pangalan mo. Eh sa Claudio naman talaga ang ibinigay sa ‘yong pangalan.”

“’Yun nga kasi ang tawag sa akin sa mundo ng mga mortal. Para sa kanila matatanda lang ang may ganoong pangalan. Kaya please lang kaibigan, Claude na lang ang itawag mo sa akin.”

“Eh sa matanda ka naman talaga ah.”

Inihilamos ko ang aking mga sa mukha. Napu-frustrate na ako sa kaibigan kong ito. Hindi talaga siya marunong makaintindi ng nararamdaman ko.

“Yun na nga e. Matanda na nga ang edad ko, pang-matanda pa ang pangalan ko. Hindi naman bagay sa guwapo at bata kong mukha. At isa pa dagdag na din sa pagpapasikat kung astig ang pangalan di ba? Saang banda naman kaya astig pakinggan ang Claudio?”

“Ah basta kahit ano pa ang mangyari hindi kita tatawaging ‘Claude.” Nagmamatigas pa rin siya. Ang kaibigan kong ito na ang may pinakamatigas na puso at ulo.

“Hay, naku pasalamat ka at maganda ang pangalang napunta sa ‘yo. Kung sa ‘yo kaya napunta ang pangalan ko matutuwa ka kaya?”

“Ano ba sa tingin mo? Malalaman mo rin naman kung ano ang iniisip ko di ba?” Humalukipkip pa siya sabay tingin sa akin na nakakaloko.

“Aaaaaaahhhhhh!!! Masisiraan ako ng bait sa ‘yo!” sigaw ko na agad namang natigil. Nakalimutan kong na nasa templo pala kami. Nakakatakot pa naman kung magalit ang pinaka punung sage ng templo.

“Claudio, hindi ito mundo ng mga tao nasa Lunaria ka. At dito, isa kang tinitingalang sage ng templo ni Luna, ang diyosa ng buwan.”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 03, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Moon's FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon