Chapter IV - PHOENIX

82 1 0
                                    

Naitukod niya ang kanyang dalawang kamay para suportahan ang kanyang bigat nang maramdaman ang muling pagdaloy ng tila kuryente sa buo niyang katawan. Sa pagkakataong iyon mas lalo pa iyong lumakas. Inangat niya ang kanyang paningin para humingi ng saklolo sa ina pero wala na ito sa harap niya.

Napalitan ng nakakatakot na kadiliman ang kanyang paligid. Ang tanging liwanag na nakikita niya ay mula sa isang maliit na butas sa itaas. Ang monggong niluluhuran niya ay naging malamig na bato na unti-unting sumusugat sa kanyang mga tuhod at mga kamay.

“Ate!”

Huh? Di ba dapat ang ina niya ang kanyang tatawagin? Paanong napunta siya sa katawan ng isang maliit na bata? At bakit nasa ganoong lugar na siya? Gugustuhin pa niyang lumuhod sa asin bilang parusa huwag lang siyang makulong sa isang madilim na lugar.  Muli niyang tiningala ang maliit na liwanag sa taas.

“Diyan sa lugar na iyan ka nababagay, Saige.”

Uy, magkapangalan pa pala kami nito.” Nagawa pang mag-biro ni Sandra.

“Ate!” tinangka niyang tumayo pero lalong bumabaon ang mga matutulis na bato sa kanyang tuhod. “Huwag ninyoakong iwan dito!”

Wala nang sumasagot sa taas. Tanging ang alingawngaw na lang ng kanyang boses ang maririnig niya sa guho. Tuluyan na nga siyang iniwan ng kanyang mga kapatid sa guho. Wala rin ngayon sa kanila si Haru para tulungan siya.

Pinakiramdaman niya ang kadiliman hindi niya pinapansin ang takot na umaahon sa puso niya. Ayon sa kanyang amain, pinamamahayan ng mga makamandag na ahas ang guho. Hindi siya mamatay sa sugat niya, mamatay naman siya sa kamandag ng ahas sa guho.

“Ina.”

Mula nang magkaisip siya hindi na siya umasa sa pagmamahal ng kanyang ina. Batid niyang sadya nitong nilalayo ang loob sa kanya sa hindi niya malamang kadahilanan. Pero nang mga oras na iyon ito lang ang alam niyang makakatulong sa kanya.

Pero paano? Malayo sa kanilang bahay ang guho kung saan siya nandoon. At gumagabi na. Hindi nito mamamalayan ang pagkawala niya sa kanila.

Gusto nang mag-panic ng isip ni Sandra. Hindi na niya alam kung ano ang nangyayari. Bigla na lang nag-iba ang kanyang paligid nang maramdaman ang kirot na dulot ng monggo nang lumuhod siya. Ayaw pa naman niya ng masisikip na lugar. At nakukulong pa siya sa katawan ng isang paslit na hindi na makagalaw dahil sa sugat nito sa tuhod at kamay. Marami rin itong galos sa katawan. Marahil nakuha nito iyon nang mahulog ito sa maliit na butas sa itaas.

She felt the little body froze. Naging alerto ito sa paligid. Gusto nang panawan ng ulirat si Sandra nang maramdaman ang malamig na bagay na sumagi sa paa niya. Kahit hindi niya nakikita ang paligid alam niyang ahas iyon. Mumultuhin talaga niya ang Guidance Counsellor niya kapag hindi siya makabalik sa kanila ng buhay.

“Matapang ka. Matatag ka. Hindi ka iiyak.” Narinig niyang binibigkas ni Saige. “Sabi ni ama hindi ka pangkaraniwan katulad nina ate kaya magiging matatag ka.”

Naiintindihan niyang pinapalakas lang nito ang loob para manatiling kalmado. Hanga rin si Sandra sa tapang ng bata. Siya kasi gusto na niyang maiyak sa takot. Pero kung hindi ito tatahimik mas lalo silang mapapahamak.

Napasigaw siya nang may gumapang sa paa at braso niya. Ahas! Nakakapanghilakbot sa pakiramdam ang malamig na katawan ng ahas sa kanyang balat. Hindi lang isa, tatlo pang ahas ang nagsimula na ring gumapang sa katawan niya.

Hindi naman halatang gutom kayo, ano?Napangiwi siya nang may bumaon sa kanang braso niya. Hindi naman siya makagalaw ng malaya dahil nakakulong nga siya sa katawan ng maliit na bata.

The Moon's FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon