Chapter 1

35 2 1
                                    


Stay in si Daniel sa pinagtatrabahuhang school.Janitor siya roon .Dahil may kayuan,lingguhan siya kung umuwi sa tinutuluyan, sa bahay ng kanyang Ninong Dante.

Pinayagan si Daniel ng principal na gamitin tulugan ang isang bahagi ng bodegang tambakan ng mga siyang gamit ng paaralan.Mahigpit lang ang bilin na magiging maingat daw siya sa pagluluto.

" Baka mmmasunog itong school,malaking disgrasya.pati ako'y baka magkakaso"

" Mag-iingat ho ako,sir huwag kayong mag-alala"

Di kalakihan ang sweldo roon ni Daniel bilang janitor. Pero sa isang gaya niyang mula sa isag malagim na trahedya, malaking bagay ang nagagawa ng sahod niyang tatlong libong piso sa isang buwan niyang pagtatrabaho. Itinatawid niya sa gutom ang kanyang ina,tatlong kapatid at ang kanilang lola.

Mula nang sagasaan ng lahar ang kanilang lugar ay hindi na nila nakita ang kanyang itay. Marahil ay kasamang nalibing ng iba pang di rin nakita ng mga kapamilya.

Noong mga unang linggo ng pag-i-stay-in nya sa bodega ng eskwelahan,wala namang kakaibang naramdaman si Daniel.Nakakatulog siya nang mahimbing.

Ngunit nitong huli,may kakaiba syang nararamdaman.Sa mga pagkakataong naglilinis siya sa kubling lugar sa loob ng school compound,pakiramdam niyay tumatayo ang kanyang mga balahibo!

At nagagambala siya sa ganoong pakiramdam.Lagi kasi nyang naaalala ang kuwentuhan ng matatanda sa lugar nila. Oras daw na tumayo ang mga balahibo mo tiyak daw na may lihim na nagmamasid sa iyo. O' di kaya'y katabi mo lang ang isang di nakikitang nilikha !

Hindi nakikitang mga nilikha?posibleng mga lamang-lupa ,maligno, o multo.

Pero magalang naman si Daniel kapag naglilinis sa mga parte ng school compound na sa palagay niya'y pinamamahayan ng mga lamang-lupa. Lagi niyang sinasabi ."Makikiraan po.Maglilinis lang po.Tabi-tabi po."

Sa kanilang probinsiya ,mabisang pananggalang ang ganoong pagpapasintabi upang di maka-offend ng mga nilikha na di natin nakikita.

Panigurado wala rin siyang nalalapastangan sa mga naninirahan sa loob ng school compound.Pero bakit lagi siyang kinikilabutan?

At isang gabi'y napalikwas ng bangon si Daniel dahil may naaninagan siyang nakaputi.

Isang batang babae na sa tantiya niya'y mga dose anyos .Bigla na lang niya itong nakita sa sulok ng bodega ,malapit sa paanan ng papag na tulugan niya.

Pagbalikwas niya'y biglang nawala ang batang babae!

Minumulto ba siya?

Napasigaw siya sa takot!

"Aba,walang multo rito!"medyo paasik pang tugon sa kanya ng isa sa mga guro sa paaralang iyon,Si Mr. Bernardo Sandoval.Mahigit 30 years old na ito pero binata.

"Baka naman namamalikmata ka lang?"

"Hindi, sir eh..kitang-kita ko"

Iwinasiwas nito ang isang palad.

"Naku,kalimutan mo yan!Sigurado ako,namalikmata ka lang!"

Ngunit tiyak din si Daniel sa kanyang nakita. Alam niyang di lang siya namalikmata. Isang dalagita ang nakita niyang nakatayo sa sulok ng bodega, na bigla na lamang nawala pagbangon niya.

Naulit ang ganoong eksena makalipas ang ilang araw. Gabi rin, alinsangan ang panahon at nagpapahangin si Daniel sa labas ng bodega.

Tahimik ang gabi. Hugis suklay ang buwan na natatakpan pa ng ulap. Naglalaro sa isip ni Daniel ang gabing iyon na,rinagasa sila ng baha mula sa dalisdis ng MT. MAYON, bahang may kasamang putik. Mabuti na lamang at nakaligtas ang kanilang pamilya,maliban sa kanilang-ama na di na nila nakita.

Gusto maluha ni Daniel sa alaalang iyon ng trahedya. Winalis niyon ang munti nilang kabuhayan. Winalis niyon ang pangarap ng marami nilang kabuhayan.

Ngunit bago pa tuluyang tumulo ang liha ni Daniel ay nabaling ang pansin niya sa isang imaheng nakita niya sa dilim.

Batang babae. Nakaputi.

At hindi ito nag-iisa, naging dalawa ang batang babae natanaw niya. Naglalakad patungo sa talahiban!

Naging tatlo.

Ano ito, sa isip-isip ni Daniel. Sa kalaliman ng gabi, may matino bang grupo ng mga dalagita na mamamasyal sa ganoong talahiban?

"Hoy!" Hindi nakatiis si Daniel kaya tinawag ang pansin ng mga ito. Sabay-sabay lumingon ang tatlo. Pagkuwa'y sabay-sabay ring kumaway.

Hindi kaway ng pamamaalam kundi parang kaway na nagtatawag.

"Gabi na"sigaw uli ni Daniel

"Magsiuwi na kayo sa bahay niyo,baka magahasa kayo riyan!"

At sa minsang pagkurap ni Daniel, bigla na lang nawala ang tatlo sa kanyang paningin.

Pakiramdam niya'y mas lumamig ang dampi ng hangin sa kanyang balat. Nakaamoy siya ng halimuyak ng bulaklak. Na nasabayan ng amoy ng kandila.

"Diyos ko!"napa antanda siya.

Dali-daling pumasok si Daniel sa bodega at nagtalukbong ng kumot!

The 3 students!!! ( Short horror story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon