Mula sa Bicol, sumama si Daniel sa kanyang ninong pa puntang bulacan. Pagkatapos ng trahedyang nagpalubog sa kanilang lugar sat mga karatig na bayan sa palibot ng Mt.Mayon, mas magiging madali ang pagbangon kung siya'y mangingibang lugar.
Parang natabunan din ng lahar ang lahat ng oportunidad sa kanilang bayan sa albay.
"Sumama ka nalang sa akin at baka sakaling maipasok kita sa kahiy anong trabaho,"sabi ng kanyang ninong Dante .Taga-bicol din ito sa nakapag-asawa ng taga-bulacan.
Hindi alam ni Daniel kung ano ang magiging kapalaran niya sa Bulacan. Pero atleast, nakatanaw siya ng katiting na pag-asa. Kung di siya aalis sa kanilang lugar, wala siyang aasahan.
Naipasok siya ng kanyang ninong sa eskuwelahang iyon bilang janitor."Pagtiyagaan mo muna yan," sabi nito.
"Ang mahalaga ,may trabaho ka kahit paano. Makapagpapadala ka ng pera sa nanay at mga kapatid mo."
"Okey ho sa akin ang trabahong ito, ninong sa kalagayan ko, wala akong karapatang mamili. High school lang naman ang natapos ko."
"Pansamantala lang yan.Pag nagkaroon ng bakante sa pabrikang pinapasukan ng ninang mo, doon kita ipapasok."
Hindi muna niya iniisip ang trabahong iyon sa pabrika. Para sa kanya, ang ngayon ang mahalaga. Ang tatlong libo isang buwan niyang suweldo ay mas praktikal kaysa minimum na sahod sa pabrika na pangako pa lang.
Wala namang problema sa kanya sa trabahong iyon. Mabait sa kanya ang mga teacher. Magaan ang loob sa kanya ng matandang principal, na marahil ay lalong naawa sa kanya nang malamang isa ang kanilang pamilya sa biktima ng landslide sa albay.