SINABI na lamang ni Daniel sa sarili na hindi na siya magpapahangin sa bahaging iyon ng eskuwelahan kung gabi. Maiiwasan niya sa ganoong paraan na makakita uli ng kababalaghan kung multo ba iyon o ano.
Ngunit mukhang nagiging agresibo ang mga "nilikha" na iyon sa pagpapakita kay Daniel. Hindi na namimili ng oras.
Isang tanghaling tapat, pagpasok ni Daniel sa bodega para magpalit ng damit ay nagulat siya, nasindak nang makitang nakaupo sa gilid ng kanyang papag ang tatlong nakaputing dalagita!
Sa pagkakataong ito, nakatungo pare-pareho ang tatlo at pare-parehoring umiiyak.
Napasigaw si Daniel, sabay takbo palabas. Nakasalubong niya si Mr. Bernardo Sandoval na noon ay nanggaling sa comfort room."Bakit, Daniel?"kunot ang noong tanong nito sa kanya.
"Sir, may tatlong dalagita sa bodega! Pang-ilang ulit ko na silang nakita, Sir!"
"Sus!"tugon ng guro na tila nainis.
"Halika,tingnan natin."
Sinamahan siya ng guro pabalik sa bodega wala silang inabutan.
Nanunuri ang tinging inihagod sa kanya ng binatang guro."Hindi ka ba nagda-drugs?"
"Naku, sir...hindi po!"
At dinuro pa siya nito ng daliri.
"Tigilan mo ang mga kalokohan mo, ha? Baka ipatanggal kita sa trabaho mo!"At iniwan na sya nito pagkasabi niyon. Kinagabihan ,malakas ang pakiramdam ni Daniel na muling magpapakita sa kanya ang tatlong dalagita. Kilabot na kilabot kasi siya. Hindi mawala ang kabog ng kanyang dibdib.
Ngunit nabigo sya . Hindi lumitaw ang tatlo. Sa halip ,may nakita siyang nakasulat sa sirang blackboard na nakatambak nang patayo sa isang sulok ng bodega.
SA TALAHIBAN NAROON KAMIKinabukasan ,nasa opisina ng principal si Daniel, nagkukwento.
![](https://img.wattpad.com/cover/88480327-288-k885058.jpg)