Prologue

7 0 0
                                    

"Hay." Pinunasan ko ang aking noo dahil sa mga pawis na tumutulo mula rito. Ilang oras na ba akong nakabilad sa araw? Lima? Anim? Pito? Nag bebenta ako ng mga kakanin dito sa may tapat ng simbahan. Kung gugustuhin ko, pwede naman na akong umuwi at magpahinga pero hindi maaari dahil wala kaming kakainin mamayang hapunan ni Lily.

"Sandra, aba kanina ka pa riyan ah. Umuwi ka na muna at magpahinga baka magkasakit ka niyan aba ang init-init. Di ka ba napapagod?" Sita sa akin ni Aling Martha. Si aling Martha ay isa naming kapitbahay na nagtitinda rin dito malapit sa pwesto ko, masasabi kong isa siyang mabait  na kapitbahay dahil kung minsa'y binibigyan niya kami ng pagkain ni Lily.
"Nako, aling Martha ayos lang ho ako. Salamat na lang po, kaya ko pa naman ho. Makikisuyo na lang po, pakitignan si Lily sa bahay at baka ano na naman po ang ginagawa nun."
"Ocia, sige. Kumain ka na ba? Wag ka papalipas ng gutom baka magkasakit ka. Una na ako, Sandra." Paalam niya sa akin.
Ngiti na lamang ang aking naging sagot. Nakakatuwang isipin na kahit wala na kaming pamilya ni Lily ay mayroon pa ring mga taong nandiyan para magmalasakit sa amin. Nakakataba ng puso. Tumingin ako sa pinto ng simbahan, tanaw na tanaw ko mula rito ang malaking krus kung saan nakapako ang estatwa ng Mahal na Kristo. Pumikit ako saglit at dinama ang huni ng mga ibon, ingay ng mga tao at ugong ng mga sasakyan na dumaraan dito sa simbahan.
Pagkamulat ko ng aking mga mata, kulay asul na kalangitan ang bumungad sa akin. Napangiti ako dahil bata pa lamang ako manghang mangha ako sa kalangitan, hanggang ngayon na labing siyam na taong gulang na ako.
Minsan nakakapagod na rin ang ganto, yung isang kahig isang tuka. Kailan naman kaya kami uunlad ng kapatid ko?

Bumuntong hininga na lamang ako at niligpit na ang mga aking paninda. Malamang iniintay na ako ng kapatid ko.

Naglalakad na ako sa may eskinita ng biglang may bumangga sa aking lalaking kalbo na kumakaripas ng takbo at nadapa pa sa harapan ko, nakita ko naman na may tumatakbong gwapong lalaki sa likod niya na animo'y hinahabol siya. "Miss, wag mo patakbuhin yan." Sabi nung lalaking humahabol sa kalbo. Pag lingon ko na lamang sa kalbo, wala na ito at kumaripas na ng takbo.
"Tsk." Sabi sakin ng lalaki at umiling pa sabay takbo para habulin ulit ng kalbo.
Ako nama'y nakasunod lang ang tingin sa lalaking iyon, dahil ang gwapo niya. Anong kayang pangalan niya?

FortuityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon