Hindi ko mawari ang kagalakan na aking nararamdaman sa mga oras na ito. Kung para sa iba ito'y napakaliit na bagay lamang, pero para sa akin napakalaking tyansa nito para saming magkapatid.
Alas-otso pa lamang ay ligo na ako. Tinimplahan ko ng gatas si Lily at pinakain muna bago ako naghanda para sa pag-alis ko mamaya.
"Ate, saan ka pupunta? Sama ako, ate." Sabi ni Lily.
"Lily, di pwede maghahanap si ate ng trabaho para mapag-aral ka. Mamaya doon ka muna kina aling Martha para may kasama ka. Hahatid kita doon. Okay ba yun?" Sagot ko. Tango lamang naman ang kanyang ganti.
Alas-nwebe ay nahatid ko na siya kay aling Martha. Sobrang laki ng utang na loob ko kay aling Martha dahil para na ring pamilya kung ituring niya kami ni Lily. Agad na akong nagpunta sa simbahan dahil ayaw kong ma-late. Nakakahiya.
Nang makarating ako sa simbahan, pumasok muna ako rito upang magpasalamat sa biyayang ibinigay niya sa araw na ito.Melvin's POV
"Melvin, hijo. Saan ka pupunta? Kumain ka na ba?" Sabi sa akin ni Nanay Rosing. Simula bata pa lamang ako ay kasama na namin siya sa bahay at maituturing ko na rin siyang aking pangalawang ina.
Inakbayan ko si Nanay Rosing at hinalikan sa noo "Nay, opo. May pupuntahan lang po ako. Titignan ko kung okay ba yung tumawag sakin kahapon na nag-aapply bilang kasambahay para may katulong ka na rito." Ngiting-ngiti kong sagot. "Tigas ng ulo talaga nitong batang ito oh, di ko kailangan ng katulong. Malakas pa ako, hijo." Sermong sagot niya sa'kin.
"Nay, di ako papayag. Ocia alis na ako nay. Baka nag iintay na yun doon. Bye, nay." Sabay halik ko ulit sa noo niya. "Ingat ka, nak." Sabi niya at ginantihan ko naman ng ngiti. Dalawa lang kasi kami sa bahay. Ang magulang ko ay nasa Canada dahil sa trabaho, wala naman akong kapatid kaya mahal na mahal ko iyan si Nanay Rosing.Tinext ko ang numerong tumawag sa'kin kahapon.
"Andiyan ka na ba?" Sabi ko.
Ibinalik ko naman ang atensyon ko sa kalsada at baka maaksidente pa ako, mahirap na. Maya-maya' tumunog ang cellphone ko na hudyat na may nag text.
"Opo, sir." reply nito.Di ko na sinagot pa dahil malapit na rin naman ako.
Nang makarating ako sa simbahan, hinanap ko kaagad ang babaeng nakasuot ng asul na damit dahil iyon ang sabi niya sa akin kahapon. Pinaikot-ikot ko ang mata ko sa paligid nang wala akong makita, tinext ko ulit si Sandra. Sandra nga ba iyon?
"Andito na ako, nasaan ka? I can't find you." Pinidot ko ang send.
Nag-reply din naman agad.
"Ay, sir pasensya na. Nagbanyo lang po ako. Papalabas na po ako ng simbahan. Pasensya na ho." Tsk.
Itinuon ko na lamang ang mata ko sa may labasan ng simbahan para makita agad siya.
Ilang segundo pa ay may natatanaw na akong naka-asul na damit na babae.Tadhana nga naman. Eto yung babaeng nasa eskinita kahapon eh. Baka naman hindi siya, baka nagkataon lang. Nag-intay pa ako ng ibang naka-asul na babae. May nakita akong iilan pero parang may mga sarili-sarili silang pupuntahan.
Itinuon ko ang aking tingin sa babaeng nasa eskinita kahapon. Napinsin kong animo'y may hinahanap ito. Siya na nga ata si Sandra. No choice at nilapitan ko na.Sandra's POV
Naku, nakakahiya. Andito na pala yung magiging amo ko tapos wala pa ako sa labas ng simbahan. Agad-agad akong lumabas at hinanap siya. Eh di ko naman alam itsura niya, paano yun? Naghintay pa ako ng ilang minuto ng may lumapit sa aking pamilyar na lalaki. Siya yung humahabol sa kalbong lalaki doon sa eskinita!
"Miss, excuse. Ikaw ba si S-Sandra?" Tanong niya. Di ako nakasagot agad, dahil ang gwapo niya. Di ko namalayan na napatulala na pala ako sa kanyang kagwapuhan. "Miss?" pukaw niya sa aking atensyon. Nagbalik naman agad ako sa ulirat ko at ngumiti ng nahihiya sa kanya at sinabi kong ako nga si Sandra. Ilang segundo niya pa akong tinitigan na parang kinikilatis na siyang ikinayuko ko naman dahil parang tumatagos sa kaluluwa ko ang mga titig niya.
"Tara na, may ilan akong katanungan sa'yo." Sabi niya at nauna nang maglakad. Nakakahiya ang nangyari kanina. "Haaaaaaay." Malalim na buntong hininga ko at sumunod na rin sa kanya.Lord, help me.