Kabanata 1

5 0 0
                                    

Nang makarating na ako sa bahay, nabungaran ko si Lily sa may pinto na nakapangalumbaba.
Yumuko ako at kinausap siya."Bakit ang lungkot ng kapatid ko?" Tanong ko.
"Ate, naiinggit ako sa mga bata kaninang dumaan kase napasok sila sa iskul tapos ang saya-saya nila. Kailan ako papasok sa iskul, ate?" Malungkot niyang saad sa akin. Di ko alam ang isasagot ko. Wala akong maisip na sagot dahil naiintindihan ko ang nararamdaman niya sapagkat naranasan ko na rin ito noon. Pakiramdam ko napakasama kong kapatid sa kanya dahil di ko man lang siya mapag-aral. Pero ano bang magagawa ko kung kulang na kulang na talaga ang kita ko sa isang araw? Pinakamataas na ang 300 na kinikita ko sa isang araw. Pagkain namin, pambayad ng kuryente, tubig. Kulang na kulang. Mabuti na lamang at bago pumanaw ang itay, nakagawa siya ng maliit na bahay na ito na gawa sa mga tira-tirang kahoy at yero. Kung wala ito, saan kami pupulutin?
"Lily, tumayo ka nga muna diyan. Upo ka rito." Umupo naman siya sa tabi ko. " Patawarin mo ang ate at di ka napag-aaral. Hayaan mo, hahabol tayo. Pag-aaralin kita. Gusto mo ba yun? Pero dapat lagi mataas ang grades mo ha, intay lang Lily. Mapapag-aral din kita ha. Mahal ka ni ate." Sabi ko sa kanya sabay yakap sa kanya ng mahigpit at tuluyan ng tumulo ang kanina ko pang pinipigilan na luha. "Ate, mahal din kita." mahinang bulalas ng aking pinkamamahal na kapatid.
Napag isip-isip ko na hindi ko siya mapag-aaral sa pagbebenta lang ng kakanin. Kailangan ko maghanap ng bagong trabaho.

Melvin's POV

"Hahahahaha, nanakawan ka nanaman? Alam mo minsan naiisip ko, may balat ka ba sa pwet? Kawawa ka naman." Maluluha-luha habang natawa na sabi sakin ni Ivan.
Imbes na damayan ako, wala tinatawanan lang ako.
"Hoy, Ivan tumahimik ka nga diyan. Babatuhin kita." Bulalas ko.
"Hahahha, pang-ilan mo na kase yan. Baka sa susunod, kotse mo na ha. Ingat, bro." Saad ni Ivan.

Hay. Nanakawan ako ng wallet doon malapit sa simbahan. Bumili lang ako sa may kanto doon sa eskinita ng kendi aba pagtingin ko sa bulsa ko wala na't nakita ko yung kalbong lalaki hawak na ang wallet ko at kumaripas ng takbo. Hinabol ko siya hanggang eskinita, at nakita kong nadapa ito sa harapan ng babae. Sinabi ko pa sa babae na wag patakbuhin pero nakatakbo pa rin. Ano ba namang klaseng babae yon, di marunong makiramdam sa sitwasyon. Sayang maganda pa naman kaso, wala di marunong makinig. At ayun lumayo na ang kalbong magnanakaw. Di ko na nahabol pa.

"Oo nga pala, may kilala ka bang pwedeng kuning katulong? Di na pabata si Nanay Rosing. Medyo nahihirapan na sa gawain sa mansyon, humahanap ako ng pwedeng makakatulong sa kanya." Sabi ko kay Ivan.
"Katulong? Wala, bro eh. Ayan may tindahan magpaskil ka jan tapos lagay mo, "WANTED KASAMBAHAY" tapos cel no. mo para tawagan ka na lang ng may interesado. Dibaa? Tsk talino ko talaga." Mayabang na sagot sakin ni Ivan.
May mapapala rin naman pala ako sa lalaking ito kahit papaano. Ayun na nga kinausap ko ang may-ari kung pupwede magpaskil sa tindahan niya at di naglaon, pumayag naman siya.
Nagpaalam na kami sa isa't-isa ni Ivan at may pupuntahan pa daw siya. Ako naman ay uuwi na.

Sandra's POV

"Sandraaaa, Sandraaaa." Gulat ko ng mabungaran ko si aling Martha sa may pinto namin.
"Hala, bakit ho aling Martha? Anobg problema?" Nag-aalala kong tanong.
"Ano ka ba naman, walang problema. Diba gusto mo ng bagong trabaho? May nakita ako nakapaskil sa tindahan ni kumareng Maya nakalagay "WANTED KASAMBAHAY" baka interesado ka? Eto kinuha ko ang number." Masayang balita niya sa akin.
Di ko alam pero bigla akong nabuhayan ng dugo sa aking narinig. Dali-dali kong kinuha ang number at sinave sa aking nokia 3210 na cellphone. Napaglumaan na ito ng aking kaibigan, itatapon niya na dapat pero kinuha ko dahil sayang. Maayos pa naman.
"Salamaaat ng marami, aling Martha. Maraming salamat ho talaga." Nayakap ko pa si aling Martha ng wala sa oras. Agad akong tumakbo sa tindahan at nagpaload upang matawagan ko na ang numero na binigay sa akin ni aling Martha.

Hinihintay ko ang pagsagot sa kabilang linya, sa ika-limang ring tsaka lamang ito sinagot.
"Hello." Sabi ng nasa kabilang linya. Boses lalaki ito.
"A-h hello. Kayo ho ba yung naghahanap ng kasambahay? Interesado ho kase ako? Pwede pa ho ba?" Nakapikit kong sabi.
Ilang segundong katahimikan ang sumunod. Sa segundong iyon ay grabe ang panalangin ko na sana'y pwede pa.
"Oo, pwede pa. Pwede ka bukas? Taga-saan ka ba? Para ma-interbyu kita." Sabi ng nasa kabilang linya. Bigla akong nabuhayan nang sinagot ng Panginoon ang aking panalangin."Opo pwede ako, taga malapit lang ho ako sa simbahan sa may bayan." Masigla kong sagot.
"Alright, susunduin kita doon sa simbahan. Itext mo na lang sakin isusuot mong kulay ng damit para di ako mahirapan sa paghahanap." Seryoso namang sabi nito.
"Ah opo, kulay asul ho ang suot ko bukas. Salamat po!!" Aking sagot.
"Teka, miss. Ano bang pangalan mo?" Ani niya.
"Sandra ho, Sandra po ang pangalan ko sir." Aking ganting sagot.
"Okay, Sandra. See you tomorrow. Alas-diyes ng umaga sa simbahan."

Sobrang saya ko sa araw na ito, sa wakas ay mapapag-aral ko na rin si Lily. Salamat, Lord.

FortuityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon