Prologue

978 42 1
                                    

" Paul, kain na biliiiis~ late na tayo " , nagmamadaling sabi ni Angel. Sa pito na magkakaibigan, si Paul ang palaging nahuhuli sa pagkilos. Ang anim na sina Bea, Gino, Pauline, Angel, Anthony at Bianca ay tapos na sa pag aayos at handa ng umalis samantalang si Paul ay kakain pa lang.

" Sorry na hahaAng aga niyo naman kasiii -_- masyadong excited " , sumbat ni Paul. Nagtinginan ang anim at tumawa.

" Wow Paul. Maaga pa? FYI, 6:45 na! Sasakay pa tayo ng bus para makarating sa Red State University " ,  sumbat ni Pauline.

" Oo nga. Bilisan mo na pre, wag kang pabebe " , sabi ni Anthony at tumawa ang anim na katao.

" Oo na eto na haysss "

Dali daling kumain si Paul habang ang lima ay naghihintay sa kanya. Unang araw ng pasukan sa Red State University at masaya ang pitong magkakaibibigan dahil magkakasama sila sa isang paaralan. Pare-pareho din silang kinuhang kurso na ABM(Accountancy Bussiness and Management).

Umalis na ang pitong magkakaibigan at nag abang ng bus na paparating. Mga ilang minuto ay nakasakay na din sila. Nakaupo si Bea sa may bintana at naalala niya ang kababalaghan na nangyari sa kanila makalipas ang isang taon.

Ang unti unting pagkamatay ng kanyang mga kaklase at ang paghiganti sa kanya ni Alice. Hindi pa rin siya makapaniwala na magagawa yun sa kanya ni Alice. Tinuring niya ito na parang kapatid pero isa palang taksil.

Ayon sa mga pulis at imbestigasyon, nawala ang katawan ni Alice. Kinabahan ag magkakaibigan nung araw na iyon pero pinabayaan na nila kasi naniniwala silang patay na sila Alice.

Pero noong simula ng tumawag si Alice kay Bea, hindi pa rin naniwala ang magkakaibigan at inisip na ito ay isang kaluluwa na lamang ni Alice. Base kasi sa kanila, kitang kita nila mismo ang maraming sugat na natamo ni Alice kaya naniniwala silang patay na si Alice.

Pakatapos ng kababalaghang iyon ay wala ng gumambala sa kanila. At umaasa silang hindi na iyon mauulit pa.

" Um....bea? Andito na tayo " , napaalis niya ang kanyang pagkatulala sa labas ng bintana nang nagsalita si Gino. Bumaba na ang mga magkaibigan at halos mapanga nga sila sa sobrang laki at ganda ng paaralang papasukan nila.

Sa mismong gate pa lang ay kitang kita na ang nakatatak na RED STATE UNIVERSITY at kulay pula.

Hawak kamay silang pumasok at tila nabighani sila sa napakaganda at napakalinis na paaralan. Marami na din ang mga estudyante sa may school grounds.

Sa bawat hakbang nila ay nagtitinginan ang mga estudyante sa kanila. Ang iba ay nakangiti at ang iba ay tinatarayan sila.

Nagpatuloy silang lumakad at nagsalita si Bianca, " Ang talas naman makatingin nung ibang babae parang mangangain ng tao hmp (¬_¬)ノ "

" Canibal ata yun haha (≧σ≦) " - Pauline

" Tusukin ko eyeballs niya haha " - Angel

" Ang lala mo naman hahaha " - Anthony

Dumaan sila sa hallway at nakita nila ang mga classrooms at napansin nilang puro air conditioned ang mga ito. Kung tutuusin, pang mayaman ang paaralang ito . Kaya lang naman sila nakapasok dito ay dahil scholar sila. 

" Saan kaya ang room natin? " , tanong ni Gino. Bawat isa sa kanila ay wala pang pagkaalam sa paaralang ito kaya napamasid masid na lamang sila.

" Uso magtanong noh? Haha " , sabi ni Anthony

" Wait. Teka " - Bea

" Nasayo yung papel! " , sigaw ng lahat kay Anthony

" Papel? " - Anthony

" Dun nakalagay yung room number natin " - Bea

" Ayy oo nga pala haha ✌ " -Anthony

Kinuha ni Anthony ang papel sa bag niya at tiningnan ang nakasulat.

ROOM 313

" Oh sakto 305 na tong room na to. Una unahan na tayo "

" Tara na "

Naglakad sila at nadaanan nila ang ibang classrooms. Lahat ng estudyante ay nasa loob na nito. " Shit . Late na tayo bilis! " , sabi ni Pauline at nagsitakbuhan ang magkakaibigan.

Nakarating sila sa room 313 at lahat tila ata sila na lang ang nasa labas. Nakita sila ng professor nila kaya sumigaw ito , " BILISAN NIYO NA! PASOK NA! DIYOS KO PO! FIRST DAY OF SCHOOL MAY LATE?! NAKAKALOKA! "

Dali dali silang pumasok at may pitong bakanteng upuan sa likod at doon sila umupo.

" Pst. Kaaga aga badtrip si manang haha " , pabulong ni Paul kay Angel

" Sshh tumigil ka nga. Ikaw kasi ang bagal mo nalate tuloy tayo " , pabulong na sabi ni Angel

" SA SUSUNOD AYOKONG MAY MALALATE SA KLASE KO NAKUHA?! " , sigaw ng kanilang professor at nag-opo na lamang ang lahat.

" Ako nga pala si Professor Katrina Mendoza . Ako ay magtuturo sa Mathematics . Unang araw palang ng pasukan kaya hindi muna ako magsisimulang magturo. Get to know each other muna NAKUHA?! " , sigaw ng kanilang professor

" Opo! "

" Pagbalik ko, dapat kilala niyo na isa'isa . Sige goodbye students " , sabi ng kanilang professor

" Goodbye Professor Katrina "

" Oh wait. Nakalimutan ko......

WELCOME TO RED STATE UNIVERSITY ! "

~~~

Hello mga readers (^o^)/  i'm baaack~ so here's the prologueee

Yaaass alam kong maraming nagabang nito....ng book 2.....ienjoy niyo to guys.

And as I was saying, mas magiging malala at thrilling ang book 2. I swear. Mas magiging maganda pa to kaysa sa book 1

Geeeh thank you po sa mga nagbabasa luv ko kayo~❤

You're Next [Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon