🔪Chapter 4

312 27 0
                                    

" No matter what happens, GOOD memories can never be replaced and BAD memories can never be forgot. No matter how much you try to forget it, you cant. You even cant escape through it. "

Bea's P. O. V

Ilang minuto na lang, magsisimula na ang first subject namin. Pagtingin ko sa schedule ko, Chemistry.

Hindi ko makalimutan ang mga nangyari saakin kahapon. First day na first day, puro kababalaghan ang nangyari saakin.

Una nung sa washroom. Takot na takot ako kahapon. Siguro guni guni ko lang yun. MATAGAL ng patay si Alice.

Pangalawa ay yung sa may tulay , sino ba yung nakahood na yun na nangsisitsit saakin. Hindi ko masyadong nakita mukha niya kasi nakahood nga siya at nakacap. And madilim pa.

Hindi ko na nga alam gagawin ko nun. Nakakatakot boses niya. Dahil takot ako sa baka niyang gawin saakin, tumakbo ako.

Pangatlo ay yung sa may pinto. Sinong walang puso ang papatay ng aso at ilalagay sa may pinto namin? At nagiwan pa ng isang papel na may nakasulat.

Sa pangatlo ako mas kinakabahan. Sino siya? Nakakakaba kasi alam niya pangalan ko. Ibig sabihin kilala niya nga ako. Pero sino siya?

Kinakabahan ako. Pakiramdam ko sa bawat hakbang ko ay may tumitingin saakin.

No matter what happens, GOOD memories can never be replaced and BAD memories can never be forgot. No matter how much you try to forget it, you cant. You even cant escape through it.

Natigilan na lamang ako nang pumasok na ang Professor namin sa Chemistry.

" Good Morning everyone " , bati niya saamin at tumayo kami

" Good Morning Professor " , bati namin at umupo.

" Before we start our first lesson in Chemistry, I would like to introduce myself. I am Professor Aira . Just call me Professor Ai " , sabi niya at sumunod na lamang kami.

" Class President please check the attendance " , sabi niya at tiningnan niya kung may absent at meron nga.

Yung nakaupo sa katabi ni Ann. Di ko alam kung sino siya. Di ko pa kasi sila lahat kilala.

" Professor Ai, si Kyra lang po ang absent " , sabi ni Kristel, our class president.

" Okay thank you " , sabi ni Professor Ai.

May kaklase pala kaming Kyra ang pangalan. Di ko alam. Nung narinig ko ang pangalang Kyra, kumunot ang noo ko.

*flashback*

( 2 years ago..... )

Nagkakagulo ang room namin na para bang market store. Basura ay kalat kalat . Puno ng ingay ang room dahil sa mga sigaw at daldal ng iba.

Bawat isa ay may kani kanilang ginagawa. Nagchichismisan. Nagmamake up. Nagcecellphone. Nagsusulat sa blackboard. Nagbubully. Naglalaro.

Habang ako, nasa gilid lamang ako. Tinitingnan ko sila. Hindi ako nararapat dito. Ayoko sa ganitong paaralan.

Naagaw ang attensyon ko nang makita ko si Barbie na binubully ni Kyra.

Si Kyra ang pinakakainisan ng lahat. Siya ang Campus Bully. Hindi siya nakikick out kasi, ang mama niya ang may ari ng paaralan.

" Amaah Barbie girl~ in a barbie world~ Life's fantastic. You're a plastic " , kanta niya at ang iba ay tumingin at tinapunan ng tubig ang mukha ni Barbie.

Basang basa na ang damit ni Barbie at hindi siya makapaglaban. Umiiyak siya at tumatawa ang lahat. Gusto ko siyang lapitan at tulungan.

Sumusobra na si Kyra!

" You can brush my hair, undress me everywheeere~ " , kanta ulit ni Kyra at sinabunutan si Barbie.

At tinulak niya si Barbie kaya nahulog ito sa kanyang upuan. Tumawa naman silang lahat.

Naiinis na ako.

Nilapitan ko si Barbie at natahimik ang lahat. Pinatayo ko siya at umiiyak siya.

" S-salamat " , sabi ni Barbie

" Well well what do we have here? Trying to save her? You stupid. Wag kang mangingialam dito! " , sigaw saakin ni Kyra at tinulak niya ako at napaupo ako sa sahig.

" Ano bang problema mo sa kanya?! " , sigaw ko.

Napatingin saakin ang lahat at tiningnan ako ng masama. Mas kinampihan pa nila si Kyra! Hmp!

" None of your business. Kaya wag ka na mangialam " , sumbat niya

" Hindi. Hindi ako makikinig sayo. Sumosobra ka na Kyra! " , sigaw ko.

" How dare you raise your voice at me! If thats what you want, then I wont disturb Barbie anymore. Instead, you'll be the one who will take her place " , sabi niya at kinabahan ako.

Pero kailangan kong magsakripisyo. Ganun akong tao. Ayokong may nakikita akong taong nasasaktan. Di bale ako ang masaktan wag lang ang iba.

Hindi na lamang ako umimik at simula ng araw na yun, ako na ang b in binubully niya. Kung ano anong ginagawa niya saakin. Minsan pinapahiya pa ako.

Hindi ko naman kayang lumaban. Duwag ako eh. Isa lang akong babae na may salamin at puro pag aaral ang ginagawa. In short nerd ako.

Napakaduwag ko. Hindi ko kayang lumaban. Masyado kasi akong natatakot sa mga susunod na mangyayari. Ganun ako.

*end of flashback*

Yan ang naalala ko nung marinig ko ang pangalan ni Kyra. 3rd year high school ako nun kaya nga nagtransfer na ako nun ng ibang school. Di ko na kinaya. Masyado na akong nagiging duwag dahil sa kanya.

Pero mas malala pa ang nangyari saakin nung 4th year high school. Last year. Ayoko ng balikan yun. Napakasakit ng mga pangyayari sa kababalaghang iyon.

Habang nagcocopy akong lectures sa notebook, natigilan ako ng biglang may nagsalita.

" Professor. I'm so sorry if I'm late. " , sabi ng isang boses babae at parang kilala ko ang kanyang boses.

" So you must be Kyra right? " , tanong ni Professor Aira.

" Opo. Kyra Gomez " , bigla kong nahulog ang hawak kong pen.

Inangat ko ang aking ulo at nanlaki ang mata ko nang makita ko siya. Haysss. Sa lahat ba naman na pwede niyang pasukan, bakit doon pa sa kung nasaan ako?!

" Sige na. I'll let it pass this time pero sa susunod , hindi na kita papapasukin " , sabi ni Professor Aira.

" Opo Professor Aira " , sabi niya at bago siya umupo, our eyes met.

Nag smirk siya at ngumiti saakin ng kakaiba. Agad naman akong kinabahan. Arrrgh!

Gusto ko na po Lord magkaroon ng tahimik na buhaaay! Ayoko na siyang makita.

Ayoko na din pong mabully. Arrrrgh. Bakit kasi ang duwag ko? Bakit hindi ko siya kayang labanan? Haysss.

" My life will be ruined. Again. Haysss. Welcome To Hell Bea " , I whispered and I layed my head on the chair.

********************************

You're Next [Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon