🔪Chapter 2

420 29 1
                                    

" Not all scars show.  Not all wounds heal.  Sometimes you cant always see,  the pain that someone feels "

Amanda's P. O. V

" Hahaha grabe magkamukha talaga tayo " , sabi ni Amenda at tumawa.  Nagseselfie kasi kami. At hinihintay namin si Bea na nasa loob ng washroom. 

" Ang creepy.  Parang copy paste lang mukha natin eh haha " , sabi ko. 

Magkambal kasi kami ni Amenda.  Magkamukhang magkamukha talaga kami.  Minsan nga nagugulo na saaming dalawa si mama haha.

" Pero mas maganda ako of course haha!  " , sumbat niya

" Oo na lang haha " , sabi ko

" Hahaha oo naman talaga I'm so pre--- " , naputol ang kanyang sasabihin nang biglang may sumigaw.

" AAHHHHH!!!!!  "

Rinig na rinig namin at galing ito sa loob ng washroom.  Kinabahan ako bigla.  Napatingin kami ni Amenda sa isa't isa.  SI BEA.  Nasa loob si Bea!  Sh*t

Pagbukas namin ng pinto,  nakita namin si Bea sa nakaupo at nakasandal sa may pader.  Nawalan siya ng malay kaya dinala namin siya kaagad sa school clinic. 

" Anong nangyari sa kanya?  " , tanong saamin ng school nurse

" Hindi po namin alam basta nawalan na lang po siya ng malay kanina sa loob ng washroom " , sabi ni Amenda

Ano kayang nangyari kay Bea?  At bakit siya sumigaw kanina sa loob ng washroom?

Haysss....

Kawawa naman si Bea. Sana maging maayos na ang kanyang pakiramdam pag nagising na siya.

" Kailangan niya munang magpahinga dito.  Pagkagising niya,  saka ko siya papainumin ng gamot " , sabi ng school nurse.

" Sige po " , sabi namin ni Amenda at umalis na kami ng school clinic.

Habang naglalakad, hindi ko mapigilang maging tahimik.  May mga tanong sa isip ko na gusto ko may makuhang sagot.

" Amenda,  sa tingin mo bakit nawalan ng malay bigla bigla si Bea?  " , tanong ko.

" Baka may nakain siya kanina " , sabi niya habang hawak niya ang kanyang phone

" Wala naman ata. " , sabi ko.

" Or baka naman nadulas lang siya kanina sa loob?  "

" Hmmm..... maybe " , sabi ko

" Anyway Amanda,  huwag masyadong magisip isio ng kung ano.  Tanungin na lang natin siya mamaya. Tara balik na tayo sa room " , sabi ni Amenda at tumango na lamang ako.

Pumasok na kami sa loob ng classroom at pumunta kami kay Pauline. 

" Ohh hi twiiins!  " , sabi niya na nakangiti. 

Nag-hi din kami sa kanya at mukhang mabait naman siya.  Medyo mataray lang.  Pero konti lang naman hihi.

" Nasaan pala si Bea?  I thought kasama niyo siya " , sabi niya.

" Nasa school clinic siya Pau--- "

" WHAAAAAAT?!  " , naputol ang sasabihin ni Amenda nang biglang napatili si Pauline. Napatingin tuloy saaming tatlo ang mga classmates namin.

" Ssssh.  Oo nasa school clinic siya.  Nawalan kasi siyang malay kanina sa loob ng washroom. Basta narinig na lang namin siyang sumigaw sa loob at pagpasok namin,  wala na siyang malay "

You're Next [Book 2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon