Samantha's POV
"Samantha !"- narinig kong may sumigaw.
Sino naman magtatawag sakin? Eh alam ko hindi pa nauwi galing ibang bansa si farah yung lintek kong bestfriend then aside kay farah wala na akong ibang kaclose. Pfffft--
Paglingon ko si??? FARAH?!! 0_0
kelan pa yan bumalik dito?!
"RARA ! IKAW NA BA YAN?!"- tanong ko sakanya ngumiti lang siya sakin.
"Kelan ka pa dumating? At bakit wala pang pasabi? Pasukan na bukas ah? Nag enroll ka na ba? O babalik ka ulit sa states tap--"- naputol yung sasabihin ko dahil sumabat na siya.
"Hep ! Hep ! Hep ! Pwede isa isa lang? Mahina kalaban teh ! Ano ka!"- sabi niya.
"Ah ? Hehehe o bilisan mo sagutin mo yung nauna kong tanong"- sabi ko.
"Una, kahapon lang aki dumating, pangalawa,hindi ko sinabi para masurprise ka, pangatlo, OO nakapag enroll na ako, at pang apat, hindi na ako babalik ng states dito na ako for good dito na ako mag aaral"- masiglang sabi niya.
Shocks ! Namiss ko talaga yung kaisa isa kong bestfriend eh.
"Infairness sayo sam ah ! Ang ganda ng welcome mo sakin naapreciate ko talaga yung I MISS YOU MO EH"- sabi niya sakin.
Napatawa naman ako. Eh sa nagulat ako na nandyan na pala siya.
"Nagulat lang ako ra ! Akala ko kasi hindi ka pa babalik eh.. Pero NAMISS talaga kita !!! Waaah !"- sabi ko tapos niyakap ko siya...
"Waaah ! I miss you too sam ! Grabe ilang years tayong hindi nagkita and dito na ako for good gosh !"- sabi niya.
Ang saya ko na nakabalik na yung kaisa isahan kong besftriend. Waaaah !!! ^_
"Sam? Kailangan ko munang umalis ah ! Kasi mamimili pa kami eh may pasok na bukas"- sabi niya at nagwave na ng kamay tapos umalis...
Ay teka? Nalimutan ko nga pala tanungin kong anong school siya nag enroll?? HAY NAKU SAMANTHA JAVIER !!! KAHIT KELAN KA TALAGA!!
naglakad nalang ulit ako pauwi sa bahay.
"Mama ! Nandito na ako!!"- sabi ko with full of energy WAHAHAHAHA ! Hyper talaga ako hindi lang halata...
"Oh? Nanjan ka na pala eh at saan ka naman galing bata ka? Wala ka pang paalam ah?"- sabi ni mama sa masungit na way. Ayan na galit na. -_-
"Nagjogging po ako. Hehehe tulog pa kasi kayo kanina eh hindi na ako nag paalam baka magalit kayo eh"- sabi ko sabay kamot sa ulo. Hehehe.
Galit nanaman to si mama. ^.^
"O siya kumain ka na nagluto na ako ng almusal"- sabi ni mama.
Nakakaamoy ako ng champorado tae ! Ito talaga yun eh...
"Hmmmm ! Shet nakakagutom"- sabi ko at nagsandok ng champorado na niluto ni mama.
"Mama ! Nakauwi na pala si FARAH"°- Sabi ko.
"Kelan pa? Bat parang di tayo nainform nak?"- tanong ni mama.
HAHAHAHA ! Nainform eh. Feeling dalaga din eh. ^^
"Su-surprise niya daw kasi ako eh nakita ko siya kanina habang nag jojogging ako."- sabi ko :>
"Ah ganun ba? Nasurprise ka ba?"- tanong ni mama. Pfft -- dabes talaga to si mama eh.
"Syempre naman ma ! Ilang years din kaming di nagkita nun no"- sabi ko.
At nagpatuloy na kami sa pag kain ganito kami ni mama. Para lang kaming magbestfriend wag niyo ko sabihan na walang galang ah.. Yan kasi sabi niya sakin. Ituring ko daw siyang paramg bestfriend pero dapat hindi nawawala yung pag galang. :)) .
"Nak? Bukas na pala yung pasukan ah? Ready ka na ba?"- tanong ni mama.
Aba? Oo naman excited na nga ako eh.
"Opo ma hehehe"- sabi ko.
"Naayos ko na lahat ng kailangan nandun na sa kwarto mo yung bag mo."- sabi ni mama habang nakangiti. The best talaga si mama ko. Hihihihi :> ang swerte ko. Kahit nangaliwa yung napakawalang hiya kong tatay. Aiish. Alisin na siya sa topic.
Nagpatuloy lang kami ni mama sa pagkain hanggang sa matapos hinugasan ko yung pinagkainan namin.
"Anak ! Aalis na ako baka mahuli na ako sa meeting ko"- sabi ni mama.
Kiniss niya ako tapos umalis na.. Haays ! Ang swerte ko talaga sa mama ko. :) kahit may trabho siya hindi pa rin siya nawawalan ng oras saakin. :) mag isa nanaman ako sa bahay. Shets !
Farah's calling....
Oh ano naman kailangan neto?
"Hello?"- sagot ko.
[Hi bes ! Pwede ka ba manayang 3 pm sa bahay?]
"Bakit ano meron?"-
[Nag paparty kasi si mama kasi nga daw dumating kami alam mo naman]
"Ah sige pero saglit lang ako ah baka kasi hanapin ako ni mama eh"-
[Sure mamayang 3 pm asap yan]
"Okay"-
[Bye ! See you later]
Sabi nya tapos binaba na niya yung tawag...
3 pm ano oras na ba?
8:46 a.m
Maaga pa pala. Hehehe makakapag hanap pa ako ng damit.....3pm? Hayyss bat parang ang aga naman ata nung party diba kapag ganun? Gabi ginaganap ? Ay bahala na nga... Makapag hanap na muna ng damit...
*Fastforward*
Finally nakahanap na ako ng susuotin okay lang ba to? Isang simpleng purple dress lang to. Okay na to. Hindi ko naman na kailangan pang mag pabongga eh. -_- so bumaba na muna ako para kumain nang lunch sa dinami dami kong hinalungkat dun din bagsak ko HAHAHA... Habang kumakain ako nagring naman phone ko. Sino naman kaya to? Pag tingin ko unknown number?"Hello?"-
[Hi miss]
"Sino to?"-
[Yung lalaking para sayo]
"Huh---"
Shet sino yun? Fck. Babaan daw ba ako? Hindi ko nalang pinansin at nagpatuloy nalang sa pagkain... Pag tapos ko kumain. Hinugusan ko syempre yung pinagkainan ko. .
Naalala ko nanaman yung boses nung lalaki sa tawag ang lalim lalim sino naman kaya yun?...
/an/ sorry kung sabaw HAHAHAHAHAHA
BINABASA MO ANG
I LOVE YOU, GOODBYE
Romance"pagnagmahal ka, dapat handa ka ring masaktan"- makahulugang sabi niya sakin "at kapag nagmahal ka matuto kang mag let go, because if you truly loves me then you can let me go."- dagdag niya pa bago ako iniwan....