Chapter 1

149 1 0
                                        


Dear messy diary,

Diary sinagot ko na si Marco Song yung heartrob/hot singer sa school namin.  ang saya-saya ko nga eh . biruin mo yun nanligaw siya sakin onstage pa ang pag-propose niya sakin. Todo kilig talaga ako  Hayy, sana magtagal talaga kami. I hope it last forever hehe :) inlove talaga ako sa kanya diary.
Mabuti nalang natiis niya akong suyuin sa loob ng 3 buwan. Ang tibay at tiyaga niya. Gwapo, talented , caring at mabait.
Love,
Kelly Kate Go

*****************

Dear Messy Diary,

Matagal na rin di ako naka-pagkwento sayo , pasensya ka na diary busy sa school at sa love life.. Mag-aanim na buwan na kami ni Marco diary at still sweet parin siya sakin. Kaya lang nakakainis yung mga fans ng hubby ko  may bruha kasi na inaaway ako. Buti nalang superhero yung boyfriend ko to the rescue agad niya ako at proud pa siya na girlfriend niya ang isang tulad ko, ang sweet nga eh!  Hatid-sundo parin niya ako diary at lagi niya akong hinahatiran ng snack pag break time gusto kasi niyang tumaba ako diary kasi ang payat ko raw, sexy kaya ako. Hayy. si hubby talaga ang swerte ko talaga sa kanya.
God bless sa relasyon namin.

Love,
Kelly Kate Go

*****************

Dear Messy Diary,

Next Month na anniversary na namin ni Marco diary.  ang saya ko kasi ang tagal narin namin ano?  hehe
pero medyo sad lang kasi busy na ang hubby ko sa pagrerehearse sa upcoming showcase sa school namin singer kasi ang hubby ko eh.
Pero nakakainis lang diary kasi makaka-duet na yung ex niyang si Angelie Ong  ang balita ko pa eh may feelings pa raw siya sa hubby ko.
Nagseselos na nga ako diary kasi nung minsan pumunta ako sa may music studio sa school namin naabutan ko silang sweet na sweet sa isa't isa.. Hayy.. pero erase that! Mahal niya ko! at ramdam ko yun  positive lang sabi pa nga ni Hubby Marco di dapat ako magselos kasi ako ang ang mahal niya.
Pray mo ko diary to be strong  pls! i trust him naman pero nakaka-insecure lang kasi maganda talaga ang ex niya samantalang ako simple lang.
Love,
Kelly Kate Go

*******************

Dear Messy Diary,

Diary this is the day  .. our day pala hahaha  anniversary namin ni Marco ngayon. Natuwa naman ako kasi nagtext siya.
"Happy Anniversary Baby Kelly  Di kita masusundo ngayon pero babawi ako sayo mamaya.  Ingat ka  muah"
Yeeyy.. kilig naman ako.. pero walang I LOVE YOU parin.

Hayy  Oo diary di pa talaga siya nag-i love you sakin pero sabi niya mahal niya ko parehas naman yata yun eh.
Masigla akong pumunta ng school diary  , todo ngiti pa nga ako eh  inasar pa ko ng bestfriend ko na si Gelou Kim kaya inasar ko naman siya kay Jason para tumahimik .. effective naman  HAHA

Lunch break na diary di ko pa nakikita si Marco , busy ata ang mahal ko  pero ok lang . Break time na namin ng makatanggap ako ng text message galing kay Marco.

"So sorry baby di kita nasabayan kumain ng lunch busy kasi ako. Kumain ka ng snack huh. Ingat." Tama nga ako busy siya eh.
Tapos na ang klase namin at papa-uwi nako di parin nagtetext si Marco ng maalala ko na baka nandun siya sa may music room. Agad naman akong pumunta dun at di nga ako nagkamali nandun siya kausap si Jayson at Angelie.
Nagtago muna ako kasi parang seryoso ang pinag-uusapan nila. I know bad yung gingawa ko diary pero gusto kong malaman kung anong pinag-uusapan nila.

Angelie: Tigilan mo na ang pagpapanggap mo Marco at bumalik ka na sakin. Promise she will never know na ginamit mo lang siya.
(Huh? Praktis ba to sa drama -> Kelly)

Jason: Oo nga pare, nanalo ka na sa pustahan tsaka what the point pa alam na ni Angelie na ginamit mo lang si Kelly para pagselosin siya.
(Whaaaaat? naluluha nako . baka praktis lang to puro drama members pa naman at tatlo-> Kelly)

Marco:Ba't mo ba sinabi kay Angelie huh! Jason?

Angelie: Di niya sinabi sakin Marco di ko sinasadyang marinig kayo tungkol sa pustahan niyo. Isang taon na kayo ni Kelly diba? so panalo ka na!
Diba ako ang mahal mo Marco tama na, wag mo ng paasahin yung kawawang Kelly na yun.

Di ko na kinaya yung narinig ko agad na kong lumabas sa school at umuwi. Ang sakit-sakit diary !
Sinungaling si Marco! Ginamit lang niya ako. Wasak na wasak yung puso ko diary. Minahal ko siya eh!
Pero pustahan lang pala ako at puro laro lang pala para kay Marco ang lahat.

*********

Dear Messy Diary,

Nakatulugan ko na ang pag-iyak ko . Pag-gising ko agad kong tiningnan yung cellphone ko. 57 missed calls from Hubby Marco. 77 message na galing din sa kanya. Ang lalim ng eye bags ko  panget ko na. hayy  ang manhid ng feeling ko diary. Iniisa-isa kong binasa yung message ni Marco diary.

-Baby asan ka? (ang plastik mu marco!->kelly)
-Pupunta ako sa inyu baby mag-usap tayo.
-Baby nandito ako sa labas.
-Pls! lumabas ka na baby..
-pls! sagutin mo yung tawag ko baby.
-Baby may problema ba? galit ka ba?
Tsk! di mo nako maloloko marco! tama na.. gusto mo pa talaga akong paasahin huh! Damn you marco!
Ba't ba ako naniwala sayo! ang galing mong umarte.
Napaniwala mo talaga ako ,akala ko totoo ang lahat.
Diary help me to overcome this pain that I'm feeling right now.
Love,
Shattered Kelly Kate Go

**************

Dear Messy Diary,

Dalawang araw na ang lumipas di na ako nag pakita kay Marco weekend naman kaya walang problema sa school, pero bukas Monday na so mag-aaral na naman. Masakit parin diary Mahal ko kasi siya pero galit parin ako. Niloko lang niya ako at pinaglaruan. Nagtetext parin siya Diary at tumatawag di ako nag rereply hinahayaan ko nalang.
Ano naman ang sasabihin ko sa kanya ?
na alam ko na ang lahat! na alam ko niloloko lang niya ako sa loob ng isang taong relasyon namin.

Na alam ko mahal parin niya yung Angelie na yun. Na loser ako kasi naibigay ko na ang lahat sa kanya.  Totoo talaga na nasa huli ang pagsisisi.
Oo diary  naibigay ko na sa kanya. Na walan ako ng lakas na loob na pigilan siya. Mahal ko siya at ramdam ko naman na mahal niya talaga niya ako that time so walang pag-alinlangan naibigay ko. Huhu Ang sakit , di ko alam pero may pagkukulang ba ako para di niya ako mahalin ng totoo? Maghapun lang akong nagkulong sa kwarto diary.
Wala akong ganang kumain. Nagtetxt nga si Gelou sakin kinukulit raw siya ni Marco kung nasaan ba ako. Sinabi ko kasi kay yaya na sabihin kay Marco na umalis mo na ako para di niya ako hanapin sa bahay.
Para akong baliw diary tinitigan ko lang naman at kinakausap yung picture ni Marco. Hayy, 
Pupunta na ko ng school bukas bahala na si batman kung makita ko man silang dalawa ni Angelie.
Go go Kelly!  kaya ko to!.. Lord, help me.
Love,
Optimistic Kelly Kate Go :)

******
Abangan!
Vote and Comment..
©kimfabulous18

Dear Messy DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon