Napakalaking misteryo pa rin sa akin ang biglaang desisyon ng aking mga magulang. Feeling ko may tinatago sila sa akin. Malakas ang kutob ko na malaki ang parte ng hiwagang ito sa buhay ko.
Minsan ko rin kasing mapansin dahil na rin sa kyuryusidad ko. Yung bigla na lang pagtaas ng libro ko habang tinititigan ko ito ako nasa loob pa naman ako ng kwarto ko noon. Syempre nagulat ako nun. Sino ba naman hindi diba? May powers kaya ako? IMPOSIBLE! Diba? Sino ba namang tao na may powers. Baliw lang yata ang naniniwala roon eh.
Noong sinabi ko yung nangyari sa mga magulang ko, bigla na lang silang nagdesisyong ilipat ako ng paaralan. Haay. Wala naman kasi akong magawa. Sa bagay, nakakabagot rin naman kasi sa school ko na iyon. Pero ang tanong ko? Bakit? Anong rason nila?
Napakarami kong gustong itanong. Pero alam kong ako lang ang makakasagot doon. Sana lang walang masamang mangyari sa pamilya ko. Sana lang tama ang desisyon ng mga magulang ko.
See you soon Mysticus Academy!
YOU ARE READING
Mysticus Academy
FantasyHow would Walem deal with her life when she found out about the truth behind all lies? Will she find the answers she is finding? Will her stone heart beat to someone? Find out as you read this book