Chapter 1

48 1 0
                                    

Walem's PoV

"Anak, gising nandito na tayo" saad ng mama ko matapos nito ay huminto rin ang makina ng sasakyan. Bumaba na rin kami pagkatapos.

"Ang ganda" bulong ko. Ngayon lang kasi ako nakakita ng ganto kaganda at kalaking paaralan. Parang buong metro manila yata ang laki nito.

"Maganda talaga rito anak, dito kami nag-aral at nakapagtapos ng papa mo." Sabi ni mama. Narinig pala niya iyong sinabi ko. Tss.

"Talaga po bang school ito ma? Ang laki eh" sabi ko. Hindi ko mapigilang pagmasdan ang paligid. Mysticus Academy . Ayan yung nakasulat sa taas ng gate ng paaralan. Katulad nila mama, parang isang misteryo rin ang pangalan ng academy na ito.

"Syempre naman anak, kaya nga dito ka namin pinag-aral eh."pilosopong saad ni papa. Tss. Umiiral na naman iyong pagiging pilosopo ng tatay ko.

"Anak, hanggang dito na lang kami ha? Mag-iingat ka dito. Dumeritso ka lang sa registrar office para makapagtanong at makuha iyong susi ng dorm mo. Magpakatatag ka anak. Dadalaw kami ng papa mo rito kung may oras." Sabi ni mama. Haay maiiwan na naman ako. Sanay na rin naman ako eh kaya walang problema. Tumango na lang ako sa sinabi ni mama.

"Anak, wag ka sanang mabibigla sa malalaman mo dito ha? Mag-iingat ka palagi. Paalam anak, mahal ka namin ng mama mo."makahulugang sabi ni papa. Huh? Mabibigla? Bakit kaya? May tinatago ba sila sa akin?

Bago pa ako makapagtanong sa sinabi ni papa, nagmamadali na silang umalis ni mama. Huh? "Di man lang ako hinintay makapagpaalam."bulong ko. Ibang klase talaga iyong mga magulang ko. Tsss. Whatever.

Pumasok na ako sa gate ng academy. Nasa labas lang kasi kami kanina. Ewan ko ba doon kung bakit ayaw nilang pumasok at samahan man lang ako sa loob. Hello? Di ko kaya kabisado itong lugar na ito. Tss. Bahala na nga. Malaki na rin naman ako eh. Habang naglalakad, wala akong makitang estudyanteng palakad-lakad. Ang tahimik, iyong tipong pang madaling araw sa sobrang tahimik. Hindi naman ganoon kahirap hanapin ang registrar office. Deritsohin mo lang iyong napakahabang hallway tapos makikita mo na agad iyong opisina. Haaay atlast.

Kumatok ako at pumasok. May lalaking mga mid 30's akong nakita. Siguro siya yung pwede kong mapagtanungan. "Hmm, Miss Walem Layan right?"saad niya. Nagulat naman ako doon. Paano nya kaya nalaman kung sino ako? Tumango na lang ako bilang tugon.

"I'm Mart Loise. Ito na iyong susi ng dorm mo, schedule ng klase at mapa ng school. Kung may tanong ka, pumunta ka na lang dito sa opisina ko. " sabi niya. Tumango ulit ako.

"Salamat" sabi ko bago lumabas sa pinto. Haay. Pumunta na ako sa dorm ko. Bago iyon tiningnan ko mun iyong mapa.

Nasa gitna ng paaralan ang field na ginagawang training area ng school. Sa kaliwang bahagi ay ang dormitoryo ng mga lalaki at sa kanan naman ay ang sa babae. Ang mga laboratoryo naman ay nasa dulong bahagi ng paaralan at ang mga classrooms ay nasa unang bahagi ng paaralan. Bawat year ay may iba't-ibang buildings. May iba't-iba rin itong kulay base sa kung anong year iyon. Green sa mga freshmen, yellow sa mga sophomores, red sa mga juniors at of course, blue sa seniors.

Naglakad na ako patungo sa kanang bahagi kung saan makikita ang domitoryo ng mga babae. Ang ganda talaga ng paaralang ito. Kinuha ko yung schedule ko  para tingnan kung ano yung klase ko bukas. Ah, senior na pala ako. So sa blue na building ako papasok bukas. Obvious naman.

Booogshh

"Aray"sabi noong lalaki. Matangos ang ilong, mahaba ang pilik-mata at sobrang ganda ng kulay ng mata. Kulay blue ito.

"Sorry" sabi ko na lang. Tsss. Hindi kasi ako tumutingin sa dinaraan ko eh.

Tiningnan lang ako ng lalaki. "Tss" yun lang yung narinig ko. Matapos noon, umalis na sya.

Nasa tapat na pala ako ng girls dormitory. Pumasok na ako at hinanap ang dorm ko. #102 yung dorm ko. Mabilis lang naman hanapin kasi nasa pang 4 floor yung mga seniors. Eh ito yung last floor ng girls dormitory.

Pumasok na ako sa loob ng dorm ko. Parang mini house lang. Kumpleto na lahat ng gamit. Hinanap ko na yung kwarto ko. Inarangge ko yung mga gamit ko at humiga. Napagod ako doon ha. Makatulog na nga.

Mysticus AcademyWhere stories live. Discover now