Chapter 2

54 2 1
                                    

Walem's PoV

Alas syete na nung nagising ako. Tsk. Isang oras na lang klase ko na. Bumangon agad ako at naghanda. Wala namang required na uniform itong paaralan na ito kaya kumuha na ako ng black t-shirt at black jeans. Sinuot ko na ito agad. Kumaha rin ako ng black converse na sapatos para kumpleto na ang susuotin ko.

Hindi na ako nag-abalang kumain. Dumeritso na ako sa labas papuntang building ng seniors. Since madali lang naman hanapin kasi color blue yung building, mabilis agad akong nakarating. Tss. May instructor na sa loob. Ayun sa schedule ko, si Sir Allen Auman daw ang guro ko ngayon sa History. Air-conditioned lahat ng classrooms dito kaya naman kumatok na ako. Binuksan ko na rin ang pinto.

Nakatingin sa akin ang lahat. Parang ngayon lang nakakita ng maganda eh. Tss. Pagbigyan.

"Ahem, so we have a transferee, Ms. kindly introduce yourself."sabi ni Sir Auman. Tumango naman ako bilang tugon.

"Walem Layan" maikli kong sabi. Yung mga mata nila, parang nag-aabang pa kong may sasabihin pa ba ako. Tss. Ano sila sinuswerte? Pweh. Sayang lang sa laway.

"Okay, you may take yo--." Sabi naman ni Sir Auman.

"Anong powers mo?" Tanong nung babaeng may kulay pulang buhak. Mukha siyang maarte at maldita.

Huh? Powers? Baliw ba siya? Tss.

"None" maikli kong sagot sa tanong niya. Pagkatapos nun ang daming nagbubulungan. Huh?

"Paano kaya siya nakapasok dito kung wala siyang powers?!"

"Weak pa la yan eh"

"Kaya nga"

"Ibully natin mamaya guys!"

Ilan lang yun sa mga narinig ko. Tss. Bully? Seriously? Uso pa pala yun. Asa pa sila.

"Ahem, you may take your seat Ms. and  let's proceed to our discussion."pag-aawat ni Sir Auman.

Tinungo ko na ang bakanteng upuan sa dulo. Katabi nung lalaking nakaub-ob lang iyong ulo. Tss. Mabuting estudyante.

"So the history of Mysticus Acad---" naputol yung sasabihin ng guro namin dahil sa pagtunog ng bell hudyat na tapos na ang kanyang klase.

At gaya ng inaasahan, wala pang isang minuto, wala ng tao sa loob ng room pati yung lalaking katabi ko kanina nakaalis na rin except na lang sa babaeng may blonde na buhok. Patungo siya sa deriksyon ko.

"Hi ako nga pala si Jhanen Colbe at water na man ang power ko, kabilang ako sa mga elementalist ng academy na to , gusto mong sabay na tayong puntang cafeteria?"sabi niya. Tss. FC lang? Sa bagay okay na rin to kaysa naman wala akong kasama.

Siguro nga magical itong academy na to. Wait. Mysticus. Isang Latin word yun na kung sa English ay Mystery. Siguro nga mahiwaga itong academy na to. Naiexcite tuloy ako. Ano kayang powers ko?

"Walem" sabi ko naman sabay tango.

Lumabas na kami ng classroom. At nagtungong cafeteria. Habang naglalakad kami bigla na lang siyang nagsalita.

"Walem wala ka ba talagang powers?"tanong ni Jhanen. Tss. Paulit-ulit naman tong babaeng to.

"Di ko pa alam"sagot ko na lang. "Pwede bang wag na nating pag-usapan yan, gutom na gutom na talaga ako." Dugtong ko pa.

"Hah? Ahh sige." Sabi ni Jhanen.

Atlast nakarating na rin kami sa cafeteria. Ang layo naman kasi nito eh. Andami ng tao pero may mga bakanteng upuan pa naman. Umupo na kami sa may bintana banda, makikita mo iyong buong field pagtanaw mo sa bintana, ang lawak.

"Ano sa'yo Walem?, ako na lang mag-oorder." Sabi ni Jhanen.

"Kahit ano okay lang" sagot ko na lang. Tumango lang siya at umalis na.
May papalapit sa pwesto naming tatlong babae. Namumukhaan ko yung isa. Siya yung nagtanong kanina kung may powers ba ako. Tss.
"Look who's here" sabi niya sabay smirk. Tsk.

"Well, well, well, paano kaya nakapasok ang isang WEAK na kagaya mo rito?" Sabi niya. Tss. Pakealam ko ba. Tinaasan ko lang siya ng kilay. Duh. Di kami close.

"Aba't lumalaban ka pa ha?!" Sabay hila ng damit ko kaya napatayo na rin ako.

"Masyadong marumi ang kamay mo para humawak sa damit ko kaya bitaw."mahinahon kong sabi. Napabitaw naman siya bigla.

"Ohhhh" sabay-sabay na sigaw ng mga tao sa cafeteria.

"Pasalamat ka dahil di pwedeng gumamit ng powers ngayon, humanda ka sa akin!"galit na sabi nya sa akin. Tss. Sinong tinakot niya?

"Ano na namang kaguluhan ito Nicole?!"pagalit na tanong ng kakarating na si Jhanen.

"Pagsabihan mo yang kasama mo Jhanen?! Di ko gusto kung paano siya umasta rito. Kebago-bago!"sabi ni Nicole. Pagkatapos nun umalis na rin sila.

"Pagpasensyahan mo na lang yun ah? Tara kain na tayo." Sabi ni Jhanen.

Makakain na rin sa wakas. Ang dami pa kasing kadramahang alam ng mga tao dito eh. Tsk.

Pagkatapos naming kumain tumayo na rin kami.

"Tara punta tayong Gym, PE natin ngayon magpapalit pa tayo ng damit dun sa Gym." Sabi sa akin ni Jhanen.

"Mauna ka na. CR mo na ako."saad ko.

"Sure ka?"tanong nya. Tumango na lang ako bilang tugon. Then we parted our ways.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 29, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Mysticus AcademyWhere stories live. Discover now