Unang Kabanata : Misunderstanding (●__●)

1 0 0
                                    


Unang Kabanata : Misunderstanding (●__●)



Jane Yagami's Pov


"Ang kapal talaga ng mukha mong lalaki ka! Halika! Lumapit ka dito at bebetlogan ulit kita!" sigaw ko sa kanya at saka siya sinugod. Siya naman, kahit paika-ika, pinilit pa rin tumakbo pero naabutan ko pa rin siya. Pinagbabatukan ko naman siya.


"Ang kapal ng mukha mo! Boyfriend?! Kahit kailan di ko gugustuhing maging boyfriend ka! KAHIT SINO WAG LANG IKAW!" sabi ko habang pinaghahampas siya at siya naman, todo iwas.


"T-teka lang naman! Pagkatapos mo kong yayain na maging boyfriend mo, idedeny mo? G-grabe ka naman!" mas lalong kumulo ang dugo ko sa sinabi niya.


"Walanghiya ka talaga!" handa ko na dapat siyang tuhurin nang may narinig akong naggigitara at kumakanta papasok ng room.



May pumasok na limang naggwagwapuhang nilalang. Pero isa lang talaga ang nakaagaw ng atensyon ko. Yung lalaking may hawak ng gitara at siguro siya rin yung nakanta kanina.


"Anong nangyari dito?" takang tanong niya. Linibot ko naman ang mata ko sa buong room at napanganga ako. Gulo-gulo na pala ang mga upuan. Hay naku! Wala namang kwenta tong mga kaklase ko! Di man lang inayos, habang binubugbog ko yung alien na to?!


"Pffft! B-bakit g-ganyan itsura mo A-arv?! Hahahahaha" natawa ako sa tinuran ng isa. Hmm.. gwapo rin siya. Singkit ang mga mata niya at perfect ang jawline niya. Hindi siya ganong kaputian pero ayos na rin.


Napatingin ako sa lalaking may hawak ng gitara at nanlaki ang mata ko nang may marealize ako.


"Ikaw yun! Tama! Ikaw nga yun!" namamangha kong turo. At kita ko naman sa mga mata niya ang pagkalito.


"J-jace tama? Hindi mo ba ko nakikilala? Ako to si Jane!" Gosh siyaaaa ngaaaaaa (」゚ロ゚)」Nanlaki din ang mata niya at tiningnan pa ko mula ulo hanggang paa.


"Jane?! Ikaw nga! Mas maganda ka pa pala sa personal." lumapit naman siya sakin at ginulo ang buhok ko.


Argh! Namumula na siguro ang pisngi ko.


Si Jace kasi, nakachat ko siya ng mga first day of school. Nagvivideo call pa nga kami minsan. And yeah, crush ko siya. Hindi naman kasi ako nakikipagchat sa iba pwera na lang sa parents, kaibigan, pinsan o sa crush ko.


"Hindi ko alam na dito ka pala nag-aaral." sabi ko sa kanya.


"Hindi rin naman kasi natin yun napag-usapan eh." Shiz! Ang gwapo niya talaga. Napakagat na lang ako sa ibabakong labi.


"Amm J-jace y-yung promise mo?" sabi ko sa kanya.


"Aba syempre tutuparin ko yun. Mamaya, pagtapos ng klase, magdedate agad tayo." namula na ko ng todo-todo at narinig ko ang bulungan dito sa room. Pake ko sa kanila basta magdedate kami ni Jace my loves.


"Pagkatapos ako ang landiin mo, si Jace naman?" biglang nag-init ang dugo ko sa sinabi ng Unggoy na nasa tabi ko. Landiin?! WTF?!!


"Excuse me lang sayong alien na unggoy ka, tigil-tigilan mo na ang paninira sakin dahil di yan uubra. Malandi ako? Baka ikaw yun. Diba nga kanina, ikaw yung unang lumapit sakin?.Eh san ka nauwi? Sa paika-ika.Masyado ka kasing mayabang " mataray kong turan at natahimik naman siya.


Biglang nagring ang bell kaya nagsibalik kami sa kanya-kanya naming upuan. Yung iba naman, inayos na ang mga upuan.


May pumasok na na teacher. Si tita! Nakita kong nilibot niya ang paningin niya sa classroom at nang mapadapo ang tingin niya ssakin eh nginitian niya ko.


Napayukom naman ang kamao nang makita kong nagtataas ng kamay yung alien. Ano na namang kasinungalinga ang sasabihin nito?!


"Yes Mr. Dy? May sasabihin ka?"


"Nahuli ko ang babaeng yan" sabay turo sakin. (。・ω・。) ???


"Na nakikipaghalikan sa isang lalaki at halos may gawin na silang milagro Maam!" WHAY THE !!??? (●`・(エ)・'●)


And by that, napatayo ako at handa na siyang sugurin, nang pigilan ako ng magaling kung best friend hays (`Θ') langya talaga tong lalaking to .





Arvin Dy's Pov


Akala mo ha! Babaliwalain mo lang ako tapos papatol ka sa kaibigan ko di ako makakapayag. Mahuhulog ka din sa aking babae ka. ヽ( ̄(エ) ̄)ノ


Dumating na ang Professor namin at mukang tinitignan kung may bago, at nakita niya nga si Jane at nginitian niya ito. Ng may pumasok sa aking bright idea. Ha! Lagot ka ngayon babes (☆^O^☆) Nagtaas ako ng kamay.


"Yes Mr. Dy? May sasabihin ka?"


"Nahuli ko ang babaeng yan" sabay turo sa kanya, kita naman sa muka niya ang pag tataka. tataka


"Na nakikipaghalikan sa isang lalaki at halos may gawin na silang milagro Maam!" At yun na hahahaha her face is priceless.


Napatayo siya at handa na siyang sugurin ako, nang pigilan siya ni leina best friend niya. Gusto mo ng laro babe diba ? Eto na binibigay ko na sayo *wink* (^_-)WAHAHAHAHAHAHAHAHA XD















Hellow ulit sa inyoooooo!!! Mga readerssssssss kung may readera man poooo ako huhuhuhuhu patawad po kung nakakaumay ang update na to hahahaha ( ' ▽ ' )ノ iimprove ko pa po puwamisssss (≧∇≦)/



Comment naman kayo mga Ka alien ! Para alam ko naman ho ang damdamin niyo sa aking munting story hihihihi (^v^)



Salamat sa pagbabasaaaaa O(≧∇≦)O


JenuIroppoi (☆^O^☆)


Lablots ლ(́◉◞౪◟◉‵ლ)

UnexpectedWhere stories live. Discover now