Ikalawang Kabanata : Pagsusubukan (¬_¬)ノ

1 0 0
                                    

Ikalawang Kabanata : Pagsusubukan (¬_¬)ノ

Jane's Pov

"Maam hindi po yun totoo! "protesta ko, sa kasinungalingan ng lalakeng to.

"Mamaya mo na ipaliwanag sakin ang tungkol dyan. Pumunta ka sa office ko mamayang uwian."

Mamayang uwian?! Hindi pwede! May date kami ni Jaceeeee!

"Maam hindi po ako pwedeng mamayang uwian."

"At bakit naman hindi pwede Ms. Yagami? Meron bang mas mahalagang bagay na dapat mong unahin kaysa sa pakikipag-usap mo sa iyong guro?" I mentally rolled my eyes. Infairness, ang taray ngayon ni tita.

Nag-isip naman ako ng pwedeng idalihan. Hala wala akong maisip! Pinikit ko na lang ang mata ko ng mariin.

"Kasipomaydatekamini­Jacemamaya!" mabilis kong sabi.

Lupa! Lupa! Lamunin mo na ko ngayon din!

"Ano Ms. Yagami? Bagalan mo ang pagsasalita mo. Hindi kita naiintindihan." gusto kong tumili at maghalupasay para matapos nato. Pero syempre, di naman ako baliw para gawin yun.

"Lalabas po kasi kami ni Jace mamaya." sabi ko at ngumiti ng matamis.

Narinig ko naman ang bulung-bulungan sa room.

Napangiti naman si tita.

"You may now take your seat." napasinghap ang lahat nang sabihin yun ni tita.

"Gaga ka talaga!" bulong sakin ni Liva na ikinatawa ko ng mahina.

~BREAKTIME~

"Uy Ja-ne! Tara na breaktime na!"

"Ikaw na lang magbreaktime, may binabasa pa ko."

"Ano ba yan?" tanong niya sabay tingin sa binabasa ko.

"Kinuha ako ng isang grupo sa Pe tapos ako yung gusto nilang pagreportin."

"Hala! Sinong grupo kumuha sayo?! Dapat samin ka na lang! Ako ang bestfriend mo!"

"Eh sila ang nauna eh. Sa pagkakaalam ko, Candice ata ang pangalan ng leader namin?"

Bigla siyang napatingin sa isang tao.

"Siya ba?"

"Siya nga."

"Naku! Mag-ingat ka dyan ja-ne! Manggagamit ang ahas na yan!" Tiningnan ko naman yung Candice at ngumisi ako. "As if naman magpapagamit ako."

"Yan ang bestfriend ko! Oh! Tara na kain na tayo! Alam ko namang kaya mo yang ireport eh. Diba lagi ka namang nag-aadvance reading?" tumango naman ako.

"Oh halika na." tumayo naman na ko at sumunod sa kanya nang harangin kami ng Unexpected mga lalaking feeling feeling. Syemprw maliban kay Jaceeee (^.^)

"Sabay na kayong kumain samin." sabi ni Jace. Nginitian ko siya ng matamis pero naglaho ang ngiti ko nang mahagip ng mga mata ko yung alien na pangit na malawak na nakangiti.

"Huwag na. Baka mawalan pa ko ng gana." sabi ko habang nakatingin sa alien.

"Dali na Jane... please!!" napaigtad ako nang hawakan niya ang kamay ko kaya napatingin ako sa maamo niyang mukha.

"S-sige." parang nahypnotize na sabi ko.

Ngumiti naman siya at nagsimula na kaming maglakad. Bumaba ang tingin ko sa kamay naming magkahawak pa rin.

"Amm... y-yung kamay ko j-j-jace.." awkward na sabi ko. "Oh sorry sorry." sabi niya at binitawan ang kamay ko.

"Sus, sigurado namang gusto mo yan. Gusto mo ngang makipags*x diba?" napatingin ako kay Arvin.

UnexpectedWhere stories live. Discover now