Your Only Beki Bes

305 7 1
                                    

Hi!

I'm Jose Marie Viceral!

Pero sa umaga lang 'yan.

Kapag gabi naman...

JM pa 'rin. Ngunit pusong babae. ❤

Meron sana akong gustong ipakilala sa inyo. My one and only love.

I'm sure lalaki ang nasa isip niyo?
Doon kayo nagkakamali. Kasi hindi siya boy! My one and only love is a girl.

Hmmmm. Nagulat kayo no?

I want you to meet, Karylle.

Kung makikita mo siya, simple lang. Hindi masyadong maarte sa katawan. Matalino. Makulit. At higit sa lahat sobrang ganda.

Hindi ako nagkamali na siya ang nagustuhan ko. Kahit medyo babading-bading 'tong puso ko. Siya pa 'rin ang pipiliin ko.

Actually, magkakilala na kami simula nung pagkabata pa. Hanggang sa magdalaga na kami... este siya lang pala.

And I never thought na magugustuhan ko ang isang katulad niya.

Si Karylle ang lagi kong kasama sa hirap at ginhawa. Ang corny diba? Pero yun ang gusto kong iparating sa inyo na how much I love her.

Everytime we're togother, I can't explain. Iba yung pintig ng puso ko. At alam ko siya ang ka-red string ko. Ay! Born For You lang ang peg?

Dumating ang araw, umamin ako sa kaniya.


"Bes."


"Bes" kasi ang tawagan namin wag kayong ano diyan.


"Ano yun bes?" tanong niya.


"May gusto sana akong sabihin sa'yo"


"Oh sige. Ano yun bes?"


"Ahm. Sana walang magbago."


"Jusko naman. Daming pasikot-sikot. Straight to the point naman na bes. May ginagawa pa ako oh."


"I'm sorry. Pero ito na talaga. Natatandaan mo ba yung araw na sinaktan lang ako ni Baby Boy. Nandiyan ka para pagaanin ang loob ko. Yung araw na parang di ko na kayang mabuhay sa mundong ito dahil sinaktan lang ako ng First Love ko. Nandiyan ka para sabihing kaya ko 'to. Mga araw na gipit ako. Nandiyan ka para pautangin ako. Lalo na nung kailangan kong gawin ang pinakamahirap na karanasan ng isang lalaki, yung alam mo na. Nandiyan ka para pakalmahin ako. "


"Wait lang bes. Di naman ako na-informed na pang-MMK pala itong sasabihin mo sa akin. Eh di sana nakabili ako ng popcorn. Nahiya ako sa'yo eh."


"Teka lang muna kasi bes. Patapusin mo muna ako."


"Oh sige. Go ahead na bes!"


"Ayan. Let me continue. Bes, ikaw yung nakasama ko sa mga times na sobrang saya ko, at sobrang down ng buhay ko. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa'yo 'to. Pero sana hindi ito ang magpabago ng friendship natin."

Your Only Beki Bes! (A Vicerylle Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon