16 | narration

48 5 0
                                        


"Putangina, ayoko na talaga kingina." mura ko habang namimilipit sa sakit. "Uwaaaah ang sakit, bwiset!"

"Deyllan! Nasa baba si Ten!" agad akong napatayo. ANONG GINAGAWA NI SAMPO DITO!?

PAGKATAPOS NIYANG IPAGDAMOT ANG CHOCOLATE KAHAPON?! BUSET!

"Anong ginagawa mo dito?" mataray na sabi ko habang bumababa ng hagdanan. Mukha akong kontrabidang stepmother oh.

"Eleveeen, sorry na." sabi niya at iwinagayway ang mga chocolates. Nag sparkle ang mata ko.

"PENGE! UWAAAH! PAHINGI!" sigaw ko at akmang hahalbutin na sana kaya lang itinaas niya. "Patangkad ka muna, pandak mo eh." napa-roll eyes ako.

PAG AKO TUMANGKAD HU U KAYO SAKEN!!!!

"Pero joke lang hahahaha. Oh sayo na." hinila ko at sinimulang lantakan.

"Parehas lang namang chocolate yung inagaw mo saken kahapon ah!" sabi ko ng naaalala ko ang nangyaring pang-aahas niya sakin. Aba! Inagaw niya ang chocolate ko!

WALANG SAYSAY ANG PAGKAKAIBIGAN NAMIN! Chos.

"Bigay ni Jaehyun yun eh."  bulong niya pero di ko naman narinig. "Makontento ka nalang sa chocolate ko, naghahanap ka pa ng iba." hindi ko nalang siya pinansin.

"Nililigawan ka ba ni Jaehyun?" napalingon ako sakanya. Napa-shrug ako. "Ligaw pala yun?" pinitik niya ang noo ko.

"Minsan wala kang kwentang kausap." sus minsan lang-- "Palagi pala, hindi lang minsan." sinapak ko siya dahil dun.

stigmatophile || tenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon