Nanlaki ang mata ko ng makarating ako sa gym. May mga bulaklak at balloons tas andami pang tao. May birthday ba? Bakit may balloons?"Deyllan!" Agad akong napalingon sa tumawag saken. "Ba't ka naka-pink? Mukha kang tanga." inirapan ko si Jaehyun. "Deng.." napatitig ako sakanya. "Mahal kita, alam mo yun diba?"
Ay hala? Mahal niya ko?
"H-ha?" yun lang ang nasabi ko. Eh sa di ko nga alam na mahal ako nito! Ang alam ko lang nililigawan niya ko dahil gusto niya ko. Iba ang gusto sa mahal diba?
"Deyllan, gusto ko maging akin ka na." bigla siyang lumuhod na siyang ikinagulat ko. Hindi nag sink in saken ang mga sinasabi niya.
"Deyllan, can you be my girlfriend?" and for the nth time, nagulantang nanaman ako.
Pero bakit ganun? Walang paru-paro sa tiyan ko? Walang kabayong tumatakbo sa dibdib ko? Bakit wala akong nararamdaman para kay Jaehyun?
Kusang gumalaw ang mata ko para hanapin si Sampo. Taena kailangan ko siya dito!
"Deyllan.." rinig kong sabi ni Jaehyun pero si Sampo pa rin ang hinahanap ko. At nakita ko siya. Nakatayo.
Bakit nag-guilty ako na nandito ako at hindi ko siya kasama? Na hindi ako nakatayo sa tabi niya?
Huminga ako ng malalim bago tumingin kay Jaehyun, "S-sorry.." mahinang bulong ko.
Dahan dahan siyang tumayo. Kita ko ang sakit sa mata niya. "Ayaw kitang saktan pero.. sorry." ngumiti siya. Yung ngiting malungkot. "S-sorry Jae.."
________
ang lame :< medyo makapal mukha ni eleven, si jaehyun pa binasted aba
BINABASA MO ANG
stigmatophile || ten
Fanfictionstigmatophile (n.) lover of tattoos, piercings storyline by dyodolue cover by joiceandrea