Just in time

3.3K 61 15
                                    

"Okay girls that's it for today. Huddle!"

Grabe. Nakakapagod yung training ngayon sobra kahit malayo pa yung season talagang nagp-prepare na yung team lalo pa na ngayon maraming adjustments ang gagawin dahil wala na sila at Mika and at Ara kaya kailangan talaga may mag step up sa team. They're still here though, training with us since they're still under coach Ramil in the professional league.

But no worries, kaya namin to! Coach Ramil pa ba? Animo!

"Good job today girls, keep up the good work and focus lang, kuha ba?"

"Yes coach!"

"Animo!"

Nagc-cool down na kami ng narinig namin ang pag bukas ng elevator at iniluwa.. joke at nakita naming lumabas ang archers. Sila na nga pala sunod na gagamit ng court ngayon.

"Cobb!"

nag tilian naman yung teammates ko dahil sa pagsigaw nung kapreng yun sa pangalan ko. Alam mo yung ang ganda ng araw mo tas may taong balak sirain yun? NAKAKAINIS DIBA?

"Problema mo, Rivero?" Oo, si Rivero! the younger but taller and ehem hotter.. fine hot siya, oo pero nakakainis yung ugali niya eh! lagi akong pinagttripan like duh? Wala ka bang magawa sa buhay?

Naglakad siya papunta sakin habang nakaupo ako dito sa gym.

"Just wanted to give you Gatorade. Not sure kung ano gusto mo kaya yung common nalang. Oh!"

Sabay bato sakin nung gatorade pero yung mahina lang naman buti nga nasalo ko pa eh! Badtrip to! tapos umalis na siya at bumalik sa bench kung nasan yung teammates niya

Tumayo ako't hinabol ko siya kasi ba naman ang labo eh!

"Uy Ricci." kalamado kong sabi pero deep inside naiinis na talaga ko. Magbibigay ng something pero bakas sa mukha na labag sa kalooban niya edi sana di nalang ginawa diba? Aish!

"Huy! Ano ba! Bakit ba ayaw mo kong pansinin? HOY RICCI PAOLO RIVERO!"

Ay shocks! nakakahiya ang lakas ng sigaw ko na halos lahat ng tao sa gym napatigil sa ginagawa nila dahil sa lakas ng sigaw ko. Pero ang malupet, nagawa pang mangasar ng teammates namin. Hay ano ba to! Pero buti nalang tumigil na tong lalaking to sa paglalakad at hinarap na ko

"BAKIT BA, COBB?" nagulat ako ng sigawan niya ko..

bakit ba parang badtrip siya sakin ngayong araw na to? Samantalang dati natitiis naman niya ko, di nga nagsasawang asarin ako eh. Ba't ngayon parang pikon na pikon naman siya sakin?

Ayoko gumawa ng scene dito sa gym kaya hinila ko sya at mabilis na tumakbo papuntang fire exit. Di naman siya nagreklamo pa. Magtutuos tayo ngayon, Ricci.

Magkaharap kami ngayon at halatang ayaw niya kong kausapin. The heck?

"Ano bang problema mo? May nagawa ba ko sayo? Kung meron man, I'm sorry okay! Just please tell me, ano ba talagang problema mo? Why are you acting this wa-"

"IKAW! Ikaw yung problema ko! Okay na? Alam mo na? Masaya ka na? Tapos na ba tayong magusap Michelle?"

Now he's looking at me straight in the eyes with obvious frustration because of our sudden face to face confrontation. I'm surprised because of his answer.. Ako ang problema?

"B-bakit ako? D-diba dapat ako pa nga magalit sayo? Kasi lagi nalang ako yung trip mong lokohin! Tapos kanina pabigay-bigay ka pa ng gatorade pero halata naman na ayaw mo! Edi sana di nalang nagbigay kasi naramdaman kong napilitan ka lang talaga eh.

I wanted to cry so bad. I just kept my head low. I dont know if nah-hurt ako dahil sa gatorade o dahil sakanya mismo.

"Shit."

Take a chance (Michelle Cobb & Ricci Rivero)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon