Hi! Ako nga pala si Ikari, isang senior HS student. Ang hilig kong gawin lalo na kapag ako'y natitigang ay mag-surf sa internet buong araw. Aminin mo ganun ka rin, diba? Di ako nag-iisa. Haha.
Lagi nga akong napagsasabihan ng aking ina na tigilan ko na daw ang pagsasayang ng kuryente. Haha. Kung pwede lang sabihin na "Mom, deal with it." Kaso hindi eh. Syempre nanay ko pa rin yun. Haha.
Ano ba yan, ang daldal ko na. Umpisahan na nga natin ang story ng buhay ko. 'Chos! :D
Wayback year 2011 :
*tumunog ang alarm ng cellphone*
Agad kong pinatay 'yon dahil nakakairata na sa tenga. Sampung beses na yatang tumunog yun eh. Kung hidi ko lang cellphone yun na-i-balibag ko na. Pft. Bumangon na ako para maghandang maligo kasi may pasok ngayon.
Pero bago yun, nagbasa muna ako ng mga GM. Gawain ko na tuwing umaga ang magbasa ng mga walang ka-kwenta kwentang GM nga mga kaklase ko. Kung pwede lang sabihin sa mga taong iyon na, "Who cares?!" Tss.
I-minark all ko na lang agad at idinelete ko yung mga GM's. Agad kong binuksan yung FB ko sa phone ko dahil isa na rin yun sa mga nakasanayan ko. Adik kasi eh. Haha.
*scroll dito, scroll doon* binabasa ko muna yung nasa news feed para updated ako. At syempre, tinignan ko rin ang notifications ko.
Habang binabasa ko yung notifications ko, Syempre di mawawala ang pangalan ni crush. Haha. Buo na agad ang araw ko. Haha. Ang landi ko lang, pagpasensyahan niyo na. Kinikilig lang eh. :">
Bumaba na ko para maligo dahil almost 6 AM na rin. Baka ma-late ako sa duty! S2 pa naman ako. Ayokong mabigyan ng 2 to 3 weeks na pumpings. Sasakit nanaman katawan ko. Kaya binilisan ko ng maligo.
"Anak, bilisan mo naman! Baka ma-late ka." Mommy.
"Opo ma!" sagot ko habang patakbo akong umakyat sa kwarto ko para magbihis. Kainis naman kasi. Pahirap sa buhay. Nasa taas yung kwarto ko tapos nasa baba yung banyo. (-__-" )
Dahil tapos na akong magbihis, lumabas na ako sa kwarto. Nagulat naman ako dahil nakita ko yung pinsan ko pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto. Sabay kasi kaming pumapasok eh.
"Ano ba pinsan! Ang aga-aga pa eh. Nagulat naman ako sayo." sabi ko sa pinsan ko.
"Anong maaga pa?! Male-late na nga tayo eh! Ang kupad mo naman kasi. Halika na nga! Dalian mo kaya." naiinis na sabi naman niya.
"Pasensya naman ha? Napasarap tulog ko eh. Lika na nga." sabi ko sa kanya tapos bumaba na kami para magpaalam kay mommy na aalis na kami. Tapos nag-abang na kami ng masasakyan papuntang school.
"Hayyy! Salamat naman at nakarating agad tayo." sabi ko habang pababa kami ng trike ng pinsan ko. Nasa harap na kami ng school.
BINABASA MO ANG
The Social Networking [KathNiel]
Teen FictionDahil sa social networking, madami kang nakilalang iba't ibang klase ng tao na maaaring maging kaibigan mo, mamahalin mo, or worst, magiging enemy mo lang. Pero posible pa rin naman na makakilala ka pa ng isang tunay na kaibigan. Ngunit kailangan pa...