K a b a n a t a 1 | H o l d a p e r
"That would be one thousand five hundred pesos sir." I said to the customer pagkakita ko sa total ng nasa screen. Kinuha ng naka-mask na lalaki ang leather niyang wallet mula sa bulsa niya and opened it. Hindi ko tuloy naiwasang mapatingin sa loob kasi nasa harapan niya lang ako. Isa itong leather na wallet and it's so bulky.
Napataas ang kilay ko nang ibuka niya ang mamahaling tingnan na pitaka niya. Jusmiyo marimar nasa loob ng wallet ni sir ang tuition fee ko buong taon. Kung hindi lang talaga ako takot sa batas na ipinatutupad ng gobyerno malamang sa malamang nasa cashier na ako ng school namin, nagbabayad ng tuition ko gamit ang pera ni kuya six seconds ago. Pero dahil isa akong mabuting mamayan ng bansang Pilipinas, I'll be a good girl.
Napailing ako, kung ano-ano nang naiisip ko. Hayyys, minsan ang unfair lang kasi talaga ng buhay. I wish sapian rin ng pera ang wallet ko. Sana ganyan din karami ang paperbills na kasya sa maliit na pouch ko. Pero maliit na nga ang pouch ko, di pa puni. Kailangan ko pang magtrabaho to even study while some people are born with tons of money.
"Here you go"
Agad kong kinuha ang bayad na inabot ng customer sa akin.
"I received two thousand pesos sir, change is 500" sabi ko at akma ng ibibigay ang sukli. Nasa kamay ko ang tatlong pirasong one hundred peso bill, dalawang singkwentang papel, apat na bente at apat na limang piso.
Napangiwi ang lalaki sa hawak ko. Tiningnan niya ang sukli niya at ang pitaka niyang nakabukas sabay kamot ng ulo. Hindi ko siya maiintindihan. Mali ba ang sukling hawak ko? Chineck ko naman kung mali pero tama naman. Di ko na tuloy napigilang magtanong.
"Sir? May problema po b--"
"Keep the change miss. Sayo nalang di na kasi kasya sa wallet ko e." Sabi ng lalaki sabay kuha sa plastic ng mga binili niya and left.
Naiwan akong nakatulala. I can never understand rich people. Hindi lang kasya sa wallet what the heck? He must be freaking rich to treat this five hundred like five pesos.
"Good Evening ma'am!" Bati ko.
I came back to my senses nang may dumating na ulit na customer. Wala na akong ibang nagawa. Binigay niya naman na sa akin plus I'm broke kaya kinuha ko na.. Ako pa ba ang aarte?
*sighs*
It's been three days since that traumatic experience sa auditions at ngayon it's stiill haunting me. So far that was the worst case I had with this incongruous mode I'm having. Pagkalabas labas ko noon ng pinto agad akong naglakad, without looking sa mga tao. Pero pag dating ko sa waiting area na inupuan ko lang few minutes ago everyone was looking at me, like they knew what happened. Some were almost laughing and some were weirded out.
"HAHAHAH! Wag mo akong iwan Fernando! HAHAHA!"
Bigla kong narinig sa monitor sa gitna ng waiting area. Napanganga ako. I forgot, pinapakita nga rin pala dito yung recording ng nag-auditon soon after nila matapos. Para ata malaman ng mga mag-aauditon yung talent nung iba. At ngayon kitang kita na ng lahat ng tao ang paglupagi ko sa sahig like crazy. Now if that is a talent I'd rather not have it.
Nakita ko noon ang pagbalik balik sa akin ng tingin ng mga tao. Titingin sila sa monitor, then titingin naman sakin. I can't help but feel embrassed that time. Agad ako noong naglakad palabas ng building. Wala na akong mukhang ihaharap sa mga tao doon. Maski ako nahiya para sa sarili ko I can't even look myself in the mirror.
BINABASA MO ANG
That Incongruous Girl || Ongoing
Teen Fiction[Tagalog] All Phylis Marquez ever wanted is to be a successful actress . Anyways, magaling naman talaga siya umarte --- sa kanyang palagay. She would always get rejected from auditions not that she needs more practice or feelings, but because she ca...