"Uhhhh ui bakla long time no see ah hehehehe" sabi ko sakanya habang lumilingon ng sobrang bagal, grabe yung muka niya parang kakainin niya ko ng buhay nakakatakot. "ANONG LONG TIME NO SEE!? FYI YOU FLY TWO HOURS LANG TAYO HINDI NAGPANSINAN AT MAY KASALANAN KA PA SAAKIN GRABE KA PATI BA NAMAN BEAUTY KO IDADAMAY MO MY GOODNESS GANUN NA BA KO KAGANDA PARA MARAMING NANGDADAMAY SAAKES!?" grabe ang sakit sa tenga para siyang speaker.
"ay hehehe sorry kailangan ko lang ng karamay"
"PWES KUNG KAILANGAN MO NANGKARAMAY DOON KA SA MAY LAMAY. MY GOD NANDADAMAY PA NG MAGANDA"
"Wow ah hiya ko sa kapal ng make up mo ngayon ah nagsosorry na nga oh sorry na" sabi ko kay jc habang niyayakap ko siya ganito kasi kami palagi nagaaway tapos nagbabati hindi ko na alam kung nasaan yung dalawa siguro nasa canteen na yun. Tinignan ko si jc diringdiri siya grabe ah, kung lalake lang siguro si jc siguro matagal na naging kami, lagi kasi kaming napaghahalataan na mag jowa eeww.
"Bitiwan mo nga kong palaka ka nakaka der-der ka eh"
"Grabe ka ah sige ka hindi kita tutulungan na makalabas ng school mamayamg uwian ng buhay"
"Kahit wag na may panlaban ako sa mga katulad mo!" Sigaw ni jc saakin
"Halika na nga kain na tayo, tanggalin mo muna yang makapal mong make up, kakain tayo hindi magpapagent" sabi ko sakanya at inirapan niya ko, tong baklang to hmph! Umalis na kami sa classroom namin at pumunta sa cr para tanggalin ang make up ni baklita, hay ang saya ko talaga ngayon paano kaya ang kasal namin ni bryan? Soon to be Mary Rose Ortega. Habang nagdedaydream ako tumunog yung cellphone kinuha ko yung cellphone ko at tinignan kung sino yung tumatawag si papa lang pala.
-Mary
-bakit po papa?
-Hindi kita masusundo mamaya nasa meeting ako ngayon yung kakambal mo muna ang susundo sayo
-eh!? Pwede iba nalang ayoko kay kuya hindi niya ko hahatid sa bahay iba nalang ay-Bago pa ko makapagsalita binaba na ni papa yung phone niya, paano na ko makakauwi hindi niya ko susunduin worst kakambal ko yun in the world, yup may kakambal ako at napaka raming difference sa aming dalawa.
Binaba ko yung phone ko at nakita ko si jc na inip nahinihintay ako haha nung nakita niya ko galit nanaman yung muka niya. "Aber aber aber bilisan mo gutom na ko!"
"Eto na nga diba atat ka naman masyado, diba sabi ko magtangal ka ng make up bakit parang kumapal pa?"
"Paanong hindi atat tinetext na ko ni kaeren kung nasaan tayo and magpapacute pa ako kay fafa rylie"
Inirapan ko lang siya at pumunta na kami sa canteen as always maraming tao , hindi kasi kami pinapayagan na sa labas ng campus kami kakain."baklang makapal ang make up asan daw sila kathy?"
"Hoy echoserang bull frog wag mong lait laitin ang mamahalin kong make up, sa ibang bansa pa ito binili no!" Sasabat pa sana ako ng nakita ko sa kathy na papunta saamin. "Bat ang tagal niyo kanina pa kami naghihintay ni kaeren kala nga niya nakipagtanan si jc sayo eh" nasuka ako sa sinabi ni kathy ganun na ba kami katagal para maghinla tinignan ko si jc aba kunwareng nasusuka hmph!
"AKO MAKIKIPAGTANAN SA FROG NA YAN? AS IF" sabi ni jc saamin ang sama sama niya "hahalikan kita kung hindi ka pa tatahimik kang bakla ka" sabi ko sakanya habang lumalapit sa kanya bigla siyang tumakbo kung saan si kaeren nakaupo hahaha takot pala siya sa halik ko hahaha."bagay kayong dalawa kung hindi lang bakla si jc" sabi ni kathy saakin tumimgin lang ako kay kathy at nagtawanan kaming dalawa habang papalapit sa inuupuan nila kaeren.
"Whaaaa andito na sila!!"
"Ang gwapo ni Rylie Figueres" nung naring ni jc yung pangalan ng 'bebe niya' daw dali daling umalis sa kinauupuan niya at pumunta sa mga babaeng nakapalibot sa entrance. Nagtinginan lang kaming tatlo at nagtawanan
"Duh mas gwapo kaya si Renzo Gutierez" napabuntong hininga nalang ako sa mga nagtitilian, paano na ko makakakain kung ang ingay nila,kailangan kaya ng matinding concentration kapag kakain.
"Pustahan tayo ikaw na ang susunod doon" sabi saakin ni kaeren tumawa lang ako, kahit wag na may remembrance naman ako sakanya.
"Baka ikaw diba gusto mo yung best friend ng leader ng phoenix?" Nagtawanan lang kaming tatlo habang tinitiganan yung maramin tao na nakapalibot sa apat na leaders ng phoenix.
"Kyaaa si Bryan Ortega ang gwapo talaga niya" nung narinig ka na yung pangalan niya kinuha ko yung lace na binigay niya at hinalik halikan ko. Tinignan ko si kaeren at kathy yung muka nila hindi maipinta, tas bigla silang tumawa.
Ang phoenix ay isang malaking grupo na nakikipag away sa iba pang grupo, meron silang apat na leader at yun ay sila:
Renzo Gutierez- siya yung nagtuturo sa mga baguhan kung paano makipaglaban isa siyang Taekwondo player at leader siya ng judo club sa labas ng school, ayaw niya sa mga babae pero kahit ayaw niya sa mga babae, kandarapa namana ang mga babae sakanya at pag beastmode siya wag ka ng lumapit sakanya. Mayaman din ang pamilya niya parang lahat naman ata ng leaders eh
Rylie Figueres- Mahilig mag dota magaling mag hack, tahimik palagi, cold sa mga babaeng umaamin sakanya na gusto siya cold din siya sa mga hindi niya kilala, sasabihin niya ang gusto niyang sabihin kapag kinausap mo siya swerte ka kung magaganda ang mga sinasagot niya. Mahilig siyang magchest kaya siya yung pinambabato sa mga competition ng chess, ayaw niya ng mga nakakapagod na laro kasi waste of energy lang daw
Bryan Ortega- first of all siya yung boyfriend ko haha charot pagbigyan niyo na ko head over heels ako sakanya kaya pagbigyan niyo na ko,anyways president siya ng music club pero mahigpit siya sa mga sumasali sa music club,magaling siyang magpiano at magitara at isa rin siyang leader sa badminton, kapag umiinom siya ng tubig lagi kong iniisip na sana ako nalang yung bote o t-shirt niya o... sorry na on yung stalker mode ko haha,siya rin ang incharge pag wala ang leader na si-"Kyaaaaaa si Kyle Bruno!!!!!". Yup siya yung leader ng phoenix, isa siyang mayabang na gwapo at panget ng ugali captain siya ng basketball team ng school ang cliche no? Ace din siya kaya laging nananaloang school namin pero palaging intense ang laban kapag naglaro na ng basketball ang school namin at ang Allison State University kung saan nag aaral anh kuya ko na ang pangalan ay Shan Ocampo isa rin siya captain ng basketball team ng school nila playboy yang kuya ko pero wag ka still virgin pa yan,crush rin pala ni kaeren ang kuya ko . Paano ko nalaman ang mga information? Eh laging silang nasa bahay namin kapag wala sila mama at papa sa bahay. Hindi ko kasalanan kung naririnig ko sila ang ingay kaya nila.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Sooooo? Anes ang masasabi niyo? Panget? Maganda? Cliche? Like Comment and share guys😇😇
YOU ARE READING
Nerdly Beautiful
Teen FictionSi Mary Rose Ocampo isang ordinaryong babae na nagkagusto sa isang gwapo na ang pangalan ay Bryan Ortega alam ng mga kaibigan ni mary na may gusto siya kay bryan, pero paano kung ang apat ng leader ng Phoenix kasama si Bryan ay sabay na nagkagusto s...