si Mr. papansin (one shot)

427 9 3
                                    

si Mr. papansin (one shot)

by : NicaKawaiiChan

Hindi ako snob sadyang mahiyain lang ako.

Hindi din ako maganda at sya nga lang ang nakapansin sakin.

Hindi sya sikat pero gwapo at may maamo syang mukha .

At higit sa lahat hindi ko alam kung anong meron sakin at bakit lapit sya ng lapit sakin.To the point na sa tingin ko papansin na sya.

Kendrick

Andito ako ngayon sa labas ng gate at hinihintay ko na naman sya.Palihim akong ngumiti at inisip kung ano kaya magiging reaction nya pagkinulit ko sya.

"Ken ano pang hinihintay mo jan ? pumasok kana baka malate kapa" -sabi ng isa kong barkada

"una na kayo" at tumngo ako sa kanila.

Maya maya pa ay natanaw ko na sya.Suot nya an uniform ng school namin ng maayos pati pagkakalagay ng i.d. sa ilalim ng collar ng blouse nya ay maayos.Nakafishtail braid na naman sya at hinahayaang nakakalat sa mukha nya maiikling buhok at bangs nya.

Nakangiti akong lumapit sa kanya at kinuha yung libro nyang hawak.

"ano ba bitiwan mo yan." mas lalong lumawak ang ngiti sa labi ko dahil sa naging reaksyon nya.

Tumingin sya sakin at iniwas din nya agad.Sa totoo lang bihira ko lang sya makitang may kausap na tao i mean studyante.Mahinhin din sya pag kinakausap siya pero pagdating sakin? ganyan siguro dahil nakukulitan yan sakin.Obvious na pala HAHA

"ohhh sige bibitawan ko."

bago pa nya masalo yung libro ay nilaglag ko na eto sa lupa.Kunot noong pinulot lumuhod sya para pulutin yung libro pero pinigilan ko sya at hinila patayo.

Yumuko ako para makuha yung libro at pinagpagan ko muna bago ko ibalik sa kanya.

si Mr. papansin (one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon