classroom

22 3 0
                                    

"ok class, lunch break!" sabi ng guro namin sabay labas sa classroom.


"hey!" hinatak ang buhok ko ng isang batang babae na alam ko na mas matangkad sa akin, masakit man hindi ko nalang ininda  ang pag hila nya sa buhok ko.

"kanina pa kita napapansin na nakatingin sa bag ko, siguro gusto mo tong nakawin noh?" tanong  nya sa akin na parang nang iingit.

"hindi, napapatingin lang ako kasi maganda yung bag mo, parang nakinang kasi may glitters." sagot ko sa kanya.


"sus! gusto mo lang nakawin to! guys gusto nya nakawin yung bag ko!" nagtawag p sya ng pansin sa mga kasama namin sa paaralan. 


"hala magnanakaw,,,:

"huy wag na tayo lumapit jan"

"wag natin sya bati, ayoko sa magnanakaw kasi bad daw yun."


naririnig kong bulungan nila, at dahil bata pa ako, madali ako nasaktan sa bintang nila...


"hindi! hindi ako magnanakaw, nagagandahan lang ako sa bag ni Lia kaya ako nakatingin sa bag nya. wag nyo ako pag bintangan." sabi ko sa kanila


"anung bintang? alam ko gusto mo to nakawin!" sabay tulak sa akin ni Lia.

napaupo ako sa sahig at nagasgasan ang kamay ko sa pag sulampak ko sa magaspang na sahig.


"hi-hindi ko naman nanakawin e! wa-Wala naman ako balak gawin yun, nagagandahan lang ako! 

"wag ka nalumusot! Magnanakaw!!! si Lia

"ay magnanakaw~" 

"magnanakaw! magnanakaw! magnanakaw!" sigawan ng mga kaklase ko.. 


"tama na, tama na, tama na!"


di ko na kinaya, naiiyak na ako na tumakbo palabas ng classroom.



tumakbo kung saan wala makakakita sa akin.. 


umabot ako sa likod ng building na malapit sa library.. walang tao, walang makakakita sa akin na umiiyak.. walang makakakita sa akin na tumutulo ang uhog sa kakaiyak..






Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 30, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ALONERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon