Chapter 2: First day, new student.

117 0 4
                                    

"Best friend! ^_________^"

{Mei's POV} 

Tumingin ako sa may pinto kasi familiar 'yong boses.

Astig, kaklase ko pala 'tong lokang 'to. Hahahaha.

"Oh, Lyza. Haha. Musta summer?" Ako.

"Okay naman, wala nga lang masyadong gala. Nakakatamad kasi, e." Lyza.

Nagkwentuhan kami hanggang sa dumating ang isa pa naming best friend, si Paula. Haha. Oo nga pala, nicknames namin: Mei, Lyza at Pau. Ayaw namin na tinatawag kami by our second names. Ewan ko ba, nakasanayan lang siguro namin na 'yon ang tawag sa'min, e.

"Cool, magkakaklase pala tayong tatlo. :)" Ako.

"Bakit, hindi ba tiningnan sa sections list? =_______=" Pau.

"Kilala niyo naman ako e.. -__-" Ako.

*RIIIIIIIIIING* *RIIIIIIIIIING*  Ay, 7 na pala. Flag cem na.

Bumaba na kami para sa flag ceremony. Kalat-kalat ang year levels at magkakaklase kasi first day pa lang naman. Hinahayaan lang kami ng mga teacher 'pag gano'n, e. Tapos, 'yon, normal flag ceremony naman. Prayer, Lupang Hinirang, Panunumpa, Panatang Makabayan tapos Announcements. Nangamusta lang naman ang principal namin tapos pinabalik na kami sa rooms namin after that.

"Ui, alam niyo ba kung kaklase natin sina Gelo, Jem at Anton?" Pau.

"How should I know?.. -__-" Ako.

"Ikaw naman kasi. Dapat hinahanap mo rin mga friends mo sa sections list." Lyza.

"Eh basta. Tingnan na lang natin. -____-" Ako.

Nakalimutan ko nga palang sabihin, may mga guy friends din kami. Haha. HOY, walang malisya ha. Naging kaclose lang namin sila Gelo, Jem at Anton last year. Ta's 'yon, barkada na rin namin sila. Hahaha. 

Nagpasukan na'ng mga kaklase namin. Syempre, dahil homeroom pa lang, walang seating arrangement. Meaning, by barkada ang upuan nito. HAHA. :)) Pumasok na rin sina Anton. Kaklase rin pala namin sila. Hahaha. Names nila: Jem Garcia, Paul Angelo Suiza, at Jose Antonio Junsay.

"Good morning, 3-Obsidian." Ah, nandiyan na pala adviser namin.

"GOOOOOOD MOOORNING, MA'AM BERNARDINOOOOOO." YEEEEEY! Si Ma'am Bernardino ang adviser namiiiin! ^_________^ Haha. Ang bait bait kasi niya tapos she gets to know her students well. Basta, we like her. :)

"Since 3rd year na kayo, alam niyo na naman siguro ang gagawin niyo ngayon, 'di ba?" Ma'am.

"OOOOPOOOO." Para kaming mga elementary students e. XD

Alam mo 'yon, 'yong essay na "How was your summer vacation?" o parang gano'n. Nakakatamad lang gumawa, e. Wala naman akong ginawa ngayong summer. Pero siguro kahit maikli lang, okay na. HAHA.

"O, Mei, bakit ang ikli nito? Wala ba kayong pinuntahan no'ng summer?" Ma'am.

"Ah, wala po, Ma'am, e. =____=" Ako.

 *knock* *knock* "Sorry I'm late, Ma'am."

"Oh, pasok ka na. Class, it seems like we have a new student in our class."

------------------------------------------------------------------------------------

Author's Note: Sorry po kung masyadong... maikli. :)))) E kasi first time ko lang naman gumawa e, at sana nagustuhan niyo kahit papa'no. :D

Sino kaya 'tong new student na 'to? Abangan. :3

You & Me.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon